Ilang araw na ang lumipas simula ng matuklasan ni Janna ang tungkol sa kambal ni Rayden na si Randy. Pinaabot pa ni Doña Beatrix kay Manang Goreng ang isang larawan ni Randy. Tinignan niya ang taas ng kanyang maliit na aparador. Doon niya nilagay ang larawan. "Good morning, Randy." Bumangon siya at agad naglinis ng katawan. Walang nabago. Siya pa rin ang naglalaba ng mga damit at iba pang gamit ni Rayden. Hindi siya pinapakain hangga't hindi niya tapos ang kanyang gawaing bahay. Sa opisina ay sa kanya inuutos ang mga bagay na hindi naman niya trabaho. At gabi-gabi pa rin siyang tinatawag ni Rayden upang gamitin siya sa kama. Hindi ito tumitigil hangga't hindi napapagod. Hindi siya papasok ngayon araw dahil kaarawan ng kanyang Mama Julia. Matagal na niya itong nai-plot sa kanyang leave.

