TAMA si Melanie sa isipin na magsisimula na ang pagbabago pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Vince sa dapat ay kasal na nila. Pero hindi sa kanya nagsimula ang lahat. Si Vince ang nagsimula ng panlalamig. Kung dati rati ay araw-araw itong tumatawag sa kanya, ngayon ay ni-text ng "Good Morning" ay wala siyang natatanggap mula rito. Sinubukan niyang kausapin ito pero wala siyang nakuha na response. Hindi tuloy niya alam kung ano ang dahilan nito. Kung iyon ba ay dahil sa pagtatalo nila o sa iba pa. Pero bakit ito manlalamig sa kanya samantalang ito ang may kasalanan sa kanya? Hindi niya maintindihan ang takbo ng utak ni Vince. Naguguluhan tuloy siya. Pero bukod roon, may iba pa rin na bagay na gumugulo sa kanya. Naiinis siya sa isipin na hindi sinasagot ni Vince ang mga text

