"THIS IS so grand, Gus! Paano ba ako magpapasalamat sa 'yo?" halos maiyak na si Melanie habang sinasabi ang mga iyon sa kanya. Sa ngayon ay nasa Paris, France sila kung saan siya nakabase simula nang ampunin siya ng mag-asawang Foresteir. Nasa Paris ang maraming business ni Francois na nakalinya sa mga chain of restaurants at distillery. Dahil alam niyang matagal ng pangarap ni Melanie na makapunta sa Paris, iyon ang graduation gift niya rito ngayong nakapagtapos ito bilang cumlaude sa UP Los Baños sa kursong Agriculture. Isama pa na dahil college graduate na ito, pinayagan na ito ng mga magulang na lumabas ng bansa na sila lamang dalawa ang magkasama. "Alam mo naman na puwede na sa akin ang kiss," sabi niya saka ngumuso. Natatawang mahinang tinampal naman nito ang labi niya.

