MASAYA si Cee-Cee habang kumakain ng sundae mula sa HappyChic. Galing sila doon kanina ni Strike para mag-agahan. Ngayon naman ay naglalakad-lakad sila sa mall patungo sa Booksale.
"What happened to your diet, Cee-Cee?" natatawang tanong ni Strike na kaagapay niyang maglakad.
Bumuntong-hininga siya. "I love food. I guess it's every girl's dream to eat without getting fat."
Kung nagulat man siya nang hawakan ni Strike ang pulsuhan niya, hindi na niya iyon pinahalata. He gently encircled his hand around her wrist, and he was so careful as if he was afraid he'd break her arm if he accidentally gripped too hard. "You're not fat. Tingnan mo nga, kayang-kaya kong hawakan 'tong pulsuhan mo. Though I like how you care about your figure."
Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi sa pagbanggit nito ng salitang "like," lalo na ngayong hawak pa rin nito ang kamay niya. Hindi niya alam kung bakit mabilis na mapalagay ang loob niya rito.
Maybe it's because he's nice to you.
'Yon nga marahil ang dahilan. Kahit kasi may pagka-weirdo siya, hindi pa rin naiilang si Strike na lumapit at makipagkaibigan sa kanya. Isa pa, nang anim na buwan na nawala siya, sinabi niya sa sarili niyang magbabago na siya at magiging mas approachable.
"Really? I thought guys don't like it when girls are too conscious about their figure," nagtatakang komento niya.'
Unti-unti nitong niluwagan ang pagkakahawak sa kanya hanggang sa tuluyan na siya nitong bitawan. "Hindi ko alam sa ibang lalaki, pero okay lang naman sa'kin 'yon. Ayoko sa mga babaeng pabaya sa katawan nila, hindi dahil sa lumolobo sila, kundi dahil hindi nila pinapangalagaang mabuti ang kalusugan nila."
"Hmm..." Walang babalang tinusok niya ng daliri niya ang braso ni Strike. His arm felt hard under her fingertip. Muscles. Nag-enjoy siya kaya nagpatuloy siya sa pagpindot-pindot sa braso nito. "I know where you're coming from. Maganda ang pangangatawan mo, so you must be health conscious, too. Dapat siguro, sumabay ako ng pag-e-exercise sa'yo."
Hindi sumagot si Strike. Napansin niyang tila nanigas ito sa kinakatayuan nito, at may kakaibang emosyon siyang nakita sa mga mata nito. No'n naman siya natauhan. Mabilis niyang hininto ang ginagawa niyang panggigigil sa braso nito. Totoo pala ang sinusulat niya sa mga nobela niya na madaling na-i-stimulate ang mga lalaki kapag nahahawakan ng mga babae ang parte ng katawan ng mga ito.
Tumikhim siya. "Halika na sa Booksale."
Nagpatiuna na siya sa paglalakad. Pero tinapon muna niya ang empty cup ng sundae niya bago siya pumasok sa loob ng Booksale. Agad niyang nakalimutan ang nangyari sa pagitan nila ni Strike nang makakita siya ng mga libro. She loved books.
Nang makita niya ang isa sa mga librong hinahanap niya, binuksan niya iyon at inamoy ang mga pahina. Even though it was a pre-loved book, she still loved its scent.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Strike. Nasa tabi na niya ito. "Bookworms really can't resist the smell of books, even if they are second hands."
Nagmulat siya at tinapunan ito ng masamang tingin. "They're not "second hand books." They are pre-loved books," pagtatama niya rito.
Ngumiti ito at tinaas ang mga kamay. "I'm sorry, Madam. Let me hold that book for you as you hunt for other pre-loved treasures."
Nakaramdam siya ng kaunting pagkapahiya dahil sa inasal niya, pero agad din iyong nawala dahil sa ngiti ni Strike. Napangiti na rin tuloy siya. Inabot niya rito ang hawak niyang libro. Inirolyo niya ang sleeve ng suot niyang jacket.
"Ano 'yan?" kunot-noong tanong ni Strike habang nakatingin sa mga nakasulat sa braso niya.
"Nilista ko sa braso ko ang mga librong gusto kong bilhin. Parati ko kasing naiwawala 'yong listahan kapag sa papel o notebook ko sinusulat." Nag-aalalang nilingon niya si Strike. "Sorry kung nandiri ka sa kababuyan ko sa katawan."
"Ahm, I'm shocked. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nagsusulat sa braso niya. But I'm not disgusted," nakangiting sabi nito.
Nakahinga siya ng maluwag. "Thanks."
Alam naman niyang hindi maganda para sa isang babaeng tulad niya ang magsulat sa balat niya, pero nakasanayan na niya 'yon. Isa pa, she's a writer. Hindi na mawawala sa kanya ang tinta ng ballpen sa kamay niya.
Nang mahanap niya ang huling libro sa listahan niya ay muli siyang napangiti. Binuksan niya 'yon at akmang aamuyin nang may mahagip siya ng tingin mula sa labas ng salaming dingding ng Booksale. Isang pares na magkahawak-kamay ang lumabas mula sa katapat na jewelry shop. Naramdaman niya ang pagdulas ng hawak niyang libro mula sa mga kamay niya.
Kraige... and Cleo.
Kasabay ng pagguhit ng kirot sa puso niya ay ang pagguhit din ng sakit sa paa niyang nabagsakan ng makapal at mabigat na libro.
Napasinghap siya at naramaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. Hindi niya alam kung anong mas masakit – ang puso ba niya o ang nasaktan niyang paa. Still, she cried in pain. Mas mahirap nga lang dahil pinipigilan niya ang mapahikbi ng malakas para hindi siya humakot nga atensiyon.
Aalis na sana siya nang may kung sinong tumayo sa likuran niya, pagkatapos ay tinakip nito sa mukha niya ang malaking magazine. Kilala niya ang amoy na 'yon – si Strike 'yon. Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya ngayong alam niyang wala nang makakakita sa pag-iyak niya.
Napasandal na lang siya sa matatag na katawan ni Strike, saka niya tinakpan ng mga kamay niya ang mukha niya habang patuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Hindi naman na gano'n kasakit dahil tanggap na niyang si Cleo ang mahal ni Kraige. Pero nasaktan pa rin siya dahil iyon ang unang pagkakataong nakita niyang magkasama ang dalawa.
"Shh. Cee-Cee, I'm here," masuyong bulong ni Strike.