Chapter 6

1613 Words

"Sofia ano na, magkuwento ka na kasi! Ayan o nasa library na tayo," kulit na tanong sa akin ni Tricia. "Wala naman akong ikukuwento kundi nga kumain lang naman kami ganun lang," sabi ko dito habang nag-aayos ng mga libro. "Anong sinabi nya sa'yo?" tanong uli nito sa akin. "Sabi lang nya ayaw daw niyang makita na may kasama akong ibang lalake ganun lang," mahinang sabi ko dito. "Ano?! Ayeeeeeee bakit kayo na ba? Ahhhhhhhh kinikilig ako Sofia hahahaha," masayang sabi nito habang niyayakap ako. "Sira hindi nga kami, at malabong maging kami kasi hindi rin pwede at hindi naman sya nanliligaw sa akin," bulong ko dito. "Oo nga noh? Eh bakit ganun? Magulo din 'tong si Marcus kausap noh?" iling na sabi nito. "Kamusta na pala si Ric? Nakakahiya doon sa tao, bigla nalang akong umalis," sabi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD