Nagmadali kaming pumasok sa restroom at sinuka ko lahat ng kinain ko. "Dahan-dahan lang at baka bituka mo na ang maisuka mo Sofia," natatawang sabi ni Tricia sa akin. "Puro ka biro. Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang nahihilo na ako sa kakasuka," reklamo ko habang nakaupo sa sahig. "Hala baka nubusan ka na ng electrolytes. Sandali, kaya mo bang maglakad papuntang clinic?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tricia. "Hindi na kasi malapit na dumating si Marcus din," sabi ko. Sakto ilang minuto tumawag na ito sa akin. "Marcus, nandito ako sa restroom malapit sa library, hindi ko kayang maglakad. Nagsusuka at nahihilo kasi ako. Kasama ko si Tricia,"sabi ko dito. Ilang minuto lang ay dumating si Marcus na humihingal dahil sa pagtakbo nito. "Are you okay? What are you feeling?" nag-aalalang

