Nagkita kami ni Mama sa isang tagong restaurant. "Mom kamusta ka na?"tanong ko dito. "I am okay Marcus, malungkot kasi hindi ako sanay na hindi kita kasama, pero alam kong may sarili ka ng buhay kaya dapat sanayin ko nalang ang sarili ko," nakangiting sabi nito. "Mama may nakakaalam ng bago naming hideout, at nagbabanta ito na pasasabugin ang hotel kapag hindi ako bumaba sa puwesto. May idea ka ba kung sino ang sa tingin mo na may gawa nito sa akin?" tanong ko dito. Hindi ito kumibo, at tumingin ito sa malayo. "Marcus anak. Sa mundong ginagalawan mo ngayon, ay hindi maiiwasan na maraming magbabanta sa'yo ng ganyan. Basta ang gawin mo ay palakasin mo ang puwersa mo para may laban ka. Perhaps the person threatening you knows that you have individuals of your own whom you are training t

