Maaga akong nagising dahil ngayon ang start ng school fair namin. Pagtingin ko sa cellphone ay text agad ni Marcus ang nabasa ko. "Good morning my Princess. See you later," bati nito sa akin. "Good morning Marcus, see you later," nakangiting bati ko din dito bago tumayo at naligo. "Excited ako sa maaring maganap mamaya sa campus. Maraming booth ng pagkain. At syempre makikita ko si Marcus uli. Napangiti ako sa naisip ko. "Hayyyy Sofia! Ito na ba talaga? Siya na ba talaga?" tanong ko sa sarili ko habang pinipisil ko ang pisngi ko para subukang magising sa isang panaginip. Binilisan ko ang paliligo at bumaba na para kumain. Nadatnan ko sina Dad sa lamesa at ako nalang ang inaantay. "Good morning everyone!" masayang bati ko sa lahat. "Good morning Princess, mukhang masaya ata ang gis

