Chapter 5

2564 Words
Queen Juana Elliza Menecio “Buwisit na lalaking iyon! Makakaganti rin ako sa iyong Hope ka!”, humihingal na bulong ko sa sarili ko habang bitbit ang dalawang garbage bag pababa ng hagdanan. Nakita ko pa itong himbing ng natutulog sa sofa. “Mukhang anghel pag tulog pero demonyo naman paggising”, bulong ko ng madaanan ko ito. Inilagay ko naman sa tapat ng pinto ng condo nito ang mga garbage bag bago bumalik sa loob. May kukuha na sa mga iyon dahil itinawag ko na sa may receptionist. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tumingin sa wall clock na nasa gilid. Mag a alas otso na pala ng gabi. Buti nalang natapos na ako. Gigil kasi itong Hope na ito! Ni wala akong kama buti nalang may folding sofa na nasa kabilang kuwarto at iyon nalang ang gagamitin ko for tonight. Mamimili talaga ako ng mga gamit ko bukas! Mukha akong kawawa sa kuwarto na ibinigay ni Hope sa akin. Ni wala akong unan! Buti nalang at ipinadala ni daddy ang mga stuff toys ko na human size! Puwedi na iyong pagtiyagaan! Makaligo na nga muna! Babalik na sana ako sa kuwarto ko ng marinig kong magsalita si Hope. “Cook some dinner, maliligo lang ako”, wika nito bago ako nilampasan at umakyat sa kuwarto nito. Naiwan naman akong nakanganga. Buwisit! “He is doing this on purpose! Hinding hindi mo ako mapapasuko!”, inis na sabi ko sa sarili ko. Inis na naglakad naman ako pababa ulit ng hagdanan. Natigilan pa ako ng makita ang itim na wallet sa may sofa. Mabilis ko iyong pinulot at napangisi ng makita ang mga laman noon. “Patay ka sa aking Hope ka!”, nakangising bulong ko sa sarili bago patakbo akong bumalik sa kuwarto.   Kinabukasan ay maaga akong umalis papuntang hospital. Iniwan ko rin ang wallet ni Hope sa lamesa kasama ng almusal nito. Nangingiti ako habang nasa biyahe. Ano kayang magiging reaction niya sa ginawa ko? Ipinagkibit balikat ko nalang at nagfocus sa pagdadrive ko. At least nakabawi na ako sa ginawa niya sa akin kahapon. Dahil sa paglilinis ko ay sumakit ang mga kasukasuan ko! Pagdating ko sa hospital ay agad akong nagstart sa trabaho ko. Nawawala ang pagod ko kapag nakita ko ang mga ngiti ng mga pasyente kong nililibre ko ang mga operation dahil sa kahirapan nila. Kaya dito ako pumasok dahil mas marami akong matutulungang mga mahihirap. Kakatapos ko lang sa huling pasyente ko ng tumawag sa akin si Love. “Are you done na ba? Mom and Dad want you to come here in Golden V hotel para mag lunch together after ng meeting nila sa mga investors”, wika agad ni Love pagkasagot ko sa tawag niya. “Sure! Mamayang 5 pm pa naman start ng operations ko. Tawagan nalang kita kapag nasa Golden V Hotel na ako”, sagot ko ditto bago ako naglakad papasok sa opisina ko. “Okay! See you! Take care!”, bilin pa nito bago pinutol ang tawag. Nagpalit naman ako bago dinampot ang bag ko. Dumaan din ako sa nurse station para magbilin na tawagan ako kapag nagka emergency. Nagbiyahe na ako papuntang Golden V hotel mabilis kong tinawagan si Love na agad namang sumagot. Sinabi nito na nasa lobby lang siya at hinihintay ako kaya mabilis akong pumunta sa lobby at nakita ko siyang prenteng nakaupo sa isang sofa. Ngumiti ito bago ako sinalubong ng makita ako. “Thank you sa pagpunta El ang kulit kasi nina mom and dad”, salubong pa nito sa akin. “  Ayos lang ano ka ba? Hindi pa naman ako busy”, nakangiting sagot ko dito bago ako umabrisiete sa kanya. “Himala wala ka yatang fashion show ngayon?”, tanong ko pa sa kanya. Umirap naman ito na tila hindi nagustuhan ang tanong ko. “Alam mo namang pinapatigil na ako ni mom sa pag momodel dahil sa akin niya pinapa manage ang Big Mall. You know naman na first love ko ang modeling El how can I let it go?”, malungkot na sagot pa nito. Napabuntong hininga naman ako. Kaya kami nagclick ni Love dahil sa halos magkapareho kami ng sitwasiyon sa mga parents namin. Dahil sa sobrang supportive ng mga ito sa mga bagay na gusto namin ay mahirap ng tanggihan kapag sila ang humingi ng pabor. Iyong tipong makokonsensiya ka nalang kapag tinanggihan mo sila at makita ang disappointment sa kanilang mga mata. Ganoon ang feeling, kaya kahit mahirap ay gagawin mo nalang. “Isipin mo nalang Love na ginagawa lang ng mga parents mo iyan para sa iyo. Hindi naman kasi habang buhay ay model ka. Malalaos ka rin kapag nag ka edad ka na”, sagot ko dito. She heaves a sight at inihilig nito ang ulo sa balikat ko. “Kaya nga hindi na ako masiyadong nag a accept ng mga fashion show invitation El. Kasi nag le let go na ako ng paunti unti” Hinaplos ko naman ang buhok nito. “Ayos lang iyan Love, masakit talagang mag let go sa first love” Marahas pa itong humiwalay sa akin. “Wow ha! Kung makapag salita ka parang nagka boyfriend kana”, tatawa tawang sabi pa nito. Inirapan ko naman it. “Nagsalita ang NBSB” Tumawa lang ito bago yumakap sa isang braso ko. “Tara na nga! Baka kanina pa naghihitay sa taas sina mom and dad”, aya pa nito bago ako hinila papunta sa private elevator ng hotel. Natatawang napasunod naman ako dito. Ilang sandali lang ay nasa may top floor na kami. Sinalubong pa kami ng nakangiting si Vanessa. “Good afternoon po!”, magaliw pang bati nito sa amin. “You look blooming ha? Hindi kana na e stress sa boss mo?”, pabulong pang tanong ko dito. Sabay pang natawa ito pati si Love. “May boylet na kasi iyan kaya blooming”, nakangiting sabad naman ni Love. “Ui congrats! At least may stress reliever kana. Hindi puro stress nalang nararanasan mo dahil sa boss mong bugnutin”, biro ko pa dito. “Si ma’m, talaga, ang harsh niyo naman kay sir”, nangingiting sabi pa nito. Sabay pa kaming tumawa ni Love. “Oh siya pasok na kami sa office ni kuya ha? Just tell him na nasa loob na kami pagdating niya. Nagugutom na talaga ako”, bilin naman ni Love sa secretary ng kakambal niya. “Sige po”, magiliw namang sagot ni Vanessa. Hinila pa ako ni Love papasok sa office ni Hope. Napangiti pa ako ng makitang magkaholding hands na nakaupo sa pahabang sofa ang mga parents nito. “Eiw mom, dad you’re too old to be this cheesy”, tila nandidiring sabi naman ni Love sa mga magulang. “That’s what you called love, Love”, natatawang sagot naman ni tit Adrian sa anak bago tumayo kasunod si Tita Blaire at binalingan ako. “Hi, Juana! We’re glad you came iha”, malambing pang salubong sa akin ni Tita bago ako mahigpit na niyakap.  Ginantihan ko naman ito ng yakap. Gustong gusto ko talaga kapag niyayakap niya ako dahil nararamdaman ko sa kanya ang pagmamahal ng isang tunay na ina na ipinagkait sa akin. “Sana hindi ka namin naistorbo sa trabaho mo iha”, nakangiting sabi naman ni Tito Adrian at ipinanghila pa ako ng isang upuan. Umupo naman sa katabing upuan ko si Love at nagsimula ng kumuha ng pagkain. “It’s ok po Tito, hindi naman po ako busy ng ganitong oras. Usually, po mga 5 or 6 pm palang po start ng mga operations ko”, nakangiting sagot ko dito. Tumango tango naman ang mga ito. “Let’s eat na gutom na talaga ako! Don’t wait for Hope na baka maduling na kayo sa kakahintay”, aya naman ni Love bago sumubo ng pagkain. “Kain na iha”, nakangiting sabi naman ni Tita Blaire at iabot pa sa akin ang plato ng kanin. “Thank you po”, nakangiting pasalamat ko dito pagkatapos kong makakuha. Hindi nawala ang ngiti ko ng makita ko kung paano pagsilbihan ni Tito Adrian ang kanyang asawa. They are still in love kahit may edad na sila. Nakakailang subo pa lang ako ng biglang bumukas ang pinto ng office ni Hope. Nakakunot noo ito habang matiim na nakatitig sa akin. “Oh anak kain kana ng lunch! Sabay kana kakasimula pa lang naman namin”, magiliw na aya naman ni Tita Blaire sa anak. Hindi naman sumagot si Hope pero naglakad ito palapit sa upuan na katabi ko habang nakatitig pa rin sa akin. Napainom pa ako ng tubig dahil bigla akong kinabahan. Nalaman na kaya niya ang ginawa kong kalokohan? “Nag extend ba ang meeting mo at nalate ka?”, tanong naman ni tito Adrian sa anak na hindi man lang nagsandok ng makakain niya. “No. Naipit lang ako sa gulo sa baba kaya hindi ako agad naka akyat dito”, walang emosiyong sagot nito bago kinuha ang baso na pinag inuman ako at uminom doon. “Gulo?”, kunot noong tanong pa ni Love. Hindi naman ako umimik dahil alam ko na ang gulong sinasabi nito. Nagpanggap nalang akong busy sa pagkain ko. “Yeah, dumating na kasi iyong free lunch na inorder ko para sa lahat ng mga empleyado ng hotel. Mayroon pang free snack plus free dinner mamaya. And take note for the whole year iyon. It will cost me half a million pesos dahil sa isang exclusive restaurant pa ako umorder”, seryosong sagot nito. Idinidiin talaga nito ang salitang Free at ako! Alam ko naman na may idea na siya na ako ang gumawa noon dahil inilagay ko sa note ay from Mr. & Mrs. Hope Villanueva. Lihim pa akong napairap. Bayad iyan sa pagpapahirap niya sa akin kahapon. Kasalanan niya at iniwan niya ang wallet niya. Napagtripan ko tuloy ang gold card niya. “Are you kidding right?”, hindi makapaniwalang tanong ni Love sa kakambal. Sina Tito Adrian at Tita Blaire naman ay pareho pang tila na shock sa narinig. “Am I smiling?”, seryosong baling pa ni Hope sa kakambal. “Whatever! Baka magugunaw na ang mundo”, irap pa ni Love sa kapatid bago ipinagpatuloy ang pagkain. “Are you ok iho? Kailan ka pa naging concern sa mga empleyado mo?”, hindi napigilang tanong ni Tita Blaire. Hindi naman sumagot si Hope at nagsimula nalang kumuha ng pagkain.  Ipinagpatuloy ko nalang rin ang pagkain kahit na mediyo kinakabahan ako. Parang nagsisisi tuloy ako sa ginawa ko pero may part pa rin sa akin na tila tuwang tuwa dahil nalamangan ko ang isang Hope Villanueva! “By the way Eliza let’s go somewhere else after we ate. I want to give you something”, baling nito sa akin. Napatingin pa ako sa mga kasama namin na tila hindi makapaniwala sa narinig. Tumikhim naman ako bago nagsalita. “Baka po iyong pina customized niyang necklace for me”, pilit na ngiting palusot ko. Mabilis pa akong nag iwas ng tingin ng tinaasan ako ng isang kilay ni Love. Alam kasi niya na hindi ako mahilig sa mga alahas. “That’s great! I am happy to see that you are getting to know each other”, masayang sagot naman ni Tita Blaire. Nginitian ko naman ang mga ito at lihim na kinurot ang sariling hita ko dahil sa pagsisinungaling. Ayoko naman kasing makahalata sila na may deal kami ng anak nila. Ayoko naman na ma disappoint din sila dahil sobrang pag aalaga ang ginagawa nila sa akin. Lihim ko pang binigyan ng masamang tingin si Hope na tila walang pakialam sa nangyayari. If I know! Sinasadiya niyang sabihin iyon para mataranta ako! “By the way iha, your Dad told us about you, living with Hope in his condo. Is that ok with you? I mean baka napipilitan ka lang puwedi ka namang tumanggi”, singit naman ni Tito Adrian. “Nag li-live in na kayo?”, hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Love. “Not totally like that”, sagot ko. “We decided to live in one roof to know more about each other”, depensa ko pa. “And we are not sleeping in one room if that’s what you are thinking”, sabad naman ni Hope bago uminom ng tubig at tumayo. “Let’s go Eliza”, aya pa nito sa akin bago naglakad papunta sa pintuan. Mabilis naman akong tumayo at dinampot ang bag ko. “Sige po mauna na po kami. Thank you po sa lunch”, nakangiting paalam ko sa mga ito. “Sige iha mag iingat kayo”, paalam pa ni tita Blaire bago tumayo at bumeso sa akin. “Call me El kapag nasa hospital ka na ha”, dinig ko pang bilin ni Love. Nilingon ko naman ito bago ngumiti at tumango. “Let’s go”, dinig kong sabi pa ni Hope. Nagulat pa ako ng bigla niyang hawakan ang isang kamay ko at hilahin ako palabas doon. Nginitian ko pa si Vanessa na sa mga kamay namin ni Hope ang atensiyon. Hanggang makasakay kami sa elevator ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong nakukuryente na hindi ko maintindihan. Kinikilig ba ako? Wala kaming imikan hanggang makarating kaming ground floor. Magkahawak kamay pa rin kami habang naglalakad. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang gulat na gulat na hitsura ng mga empleyado nito. Pagkalabas namin ay nakaabang na sa tapat ang pulang Ferrari nito. May nagbukas pa dito ng pinto at doon pa lang niya binitawan ang kamay ko. “Paki uwi na ang isang sasakyan sa bahay, tatawagan nalang ulit kita kapag may kailangan ako”, bilin pa nito sa isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid thirties. “Sige po sir”, magalang na sagot naman ng lalaki bago umalis. “Sumakay ka na Eliza at huwag mong hintayin na pagbuksan pa kita ng pinto dahil hindi na mangyayari iyon”, masungit na sabi pa nito bago tuluyang sumakay sa kotse nito. Inirapan ko naman siya. “Sungit!”, inis na bulong ko bago padabog na sumakay sa passenger seat. “Saan ba tayo pupunta? May schedule ako ng operation mamayang 5 pm kailangan kong bumalik sa hospital”, inis na sabi ko dito ng paandarin nito ang sasakyan. “Don’t worry I will let you go after you pay the money you steal in my gold card”, seryosong sabi nito. “I didn’t steal okay? It’s a payment for what you did to me yesterday! Quits lang tayo!”, inis na bulyaw ko dito. “And you started it, hinding hindi ako mag so sorry sa iyo at never kong babayaran iyon! Kung gusto mong makuha iyon e di umatras ka sa kasal natin” Napasigaw pa ako ng bigla itong mag preno. “Ano ba?! Kung gusto mong mauna sa impyerno huwag mo akong idamay!”, inis na bulyaw ko dito. “You are a good pretender”, seryosong sabi nito bago ako binigyan ng masamang tingin. “I will never marry a woman like you. You are acting like an angel in front of everyone but deep inside you are a demon, a liar, a two faces woman who likes to manipulate-“ Hindi ko na siya pinatapos pa dahil bigla ko itong sinampal. Halata sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa ginawa ko. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko. “You will never understand me because you grew up with a complete family. And you don’t have any right to judge me because you’re the one who is a demon! Ikaw ang demonyo! Ikaw ang mapagpanggap! Nagpapanggap ka na okay ka kahit naman na nasasaktan ka! Nagpapanggap ka na wala lang sa’yo ang mga nangyayari kahit na ang totoo naman ay gusto mo ng sumuko! You’re not a God Hope! Hindi mo maitatago sa seryoso mong mukha at aura ang totoong nararamdaman mo!”, umiiyak na sigaw ko dito. “Open the door”, seryosong utos ko dito. “No!”, matigas na sagot nito habang mahigpit ang hawak s manibela. “I said open the f**k-“, hindi ko na natuloy ang pagsigaw ko ng bigla niya akong kabigin at halikan sa mga labi. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa gulat. Nang akmang itutulak ko na ito ay bigla naman siyang humiwalay. Mabilis lang iyon pero tila nawala ako sa sarili. Napahawak pa ako sa mga labi ko at napatingin sa kanya ngunit nasa kalsada na ang atensiyon nito at busy na sa pagmamaneho. What the heck just happen?        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD