Chapter 1

3177 Words
Chapter 1 MALAYANG sumasayaw sa hangin ang mahaba at malambot na buhok ni Honey. She’s at the excellent vista point in the Philippines, The Palace in the Sky in Tagaytay City. Sa taas nito ay kitang-kita ang kagandahan ng mundo. It has an excellent vantage for photographers, especially to a nature lover girl like her. She loves capturing natural wonders of the world and show to everyone how lucky they are to have those. Kung saan-saang lupalop ng mundo na siya nakarating para makuhanan ang ganda ng mundo at gumawa ng article mula sa mga larawan. Inilalathala iyon sa magazines na ipina-publish sa kompanya ng kanyang kapatid. But at the end of all her tiring travels she always ends up visiting the Palace in the Sky. The air there seems to be cool even during the hot summer months, so it is also a good place for her to relax and cool down. Kaya nga bumili na siya ng bahay at lupa di kalayuan sa lugar na iyon. The best din kasi ang tanawin doon kapagpapasikat na ang araw. Nabaling ang atensyon niya sa mga batang naglalaro malapit sa may balkonahe nang madapa ang batang babae at natapon ang hawak nitong inumin. Agad na dinaluhan niya ito at tinulungan ang bata na makatayo. "Are you alright?" alalang tanong niya. Marahang tumango ang bata at pilit na pinipigil ang mga luha. "Ako na po ang bahala sa kanya," anang kasama nito saka yumukod sa kanya. "Salamat po sa tulong." Tumango na lang siya at pinagmasdan ang mga ito habang inaalalayan ng batang lalaki ang batang babae. Naalala tuloy niya ang nakatatandang kapatid. Ganoon din kasi ito kung mag-alaga sa kanya. She smiles with the memories she recalls. Suddenly, she closes her eyes, raises her arms wider to feel the cold embrace of the air, and she inhales the fresh mint it brings. It felt weird to occasionally get a sniff of a mint from the breeze every time she was there. And even in other places she goes, she can smell that appetizing aroma. Parang pamilyar din iyon sa kanya at nakakapagpagaan din sa kanyang pakiramdam. Sa huli ay hindi na lamang niya pinagkaabalahang alamin ang pinagmumulan ng mabangong amoy na iyon. She permits herself to enjoy the scent because at the end of the day it helps her to feel relaxed like she is in the garden of heaven. Nang iminulat niya ang mga mata at ilibot ang tingin sa magandang tanawin ay may napansin siyang pamilyar na sasakyan sa ibaba ng mataas na lugar na iyon. Patungo ang sasakyan sa isa sa prestihiyosong village sa Tagaytay. Lumapit siya sa handrail at itinungtong ang mga paa sa maliliit na butas ng handrail. Pinakatitigan niya ang sasakyan gamit ang lens ng kamera niyang nakasabit sa kanyang leeg. "Is that Kuya Emil?" bulong niya sa sarili. Tumingkayad siya at lalong nagyumuko sa railing ng balkonahe upang makasigurado. Nang tangkain niyang muli pang yumukod ay nadulas naman ang kanyang mga paa. Saka niya naalala na may kaunting kalumaan na ang lugar at may ilang bahagi na maalikabok at may kaonting lumot. Marahil ay nabasa iyon mula sa natapong inumin ng batang babae kanina. Huli na ang lahat para makapag-ingat pa siya, napasub-sob na siya at kung itatakda ay mahuhulog siya at mamamatay sa pinaka paborito niyang lugar. Oh my God! Katapusan na ata niya hindi pa man nagsisimula ang istorya niya. She prepared herself and closed her eyes for the anticipation. "Hey! Careful!" Mula sa kung saan ay may humatak sa kanyang paa pabalik sa loob ng balkonahe. Pumaikot ang matatag na braso nito sa kanyang bewang at hinatak siya papalayo sa railing. When she opens her eyes, she saw a handsome face. Anghel ata ito sa taglay nitong kagwapuhan. Bakas na bakas sa mga mata nito ang pag-aalala. Habang siya naman ay tila lutang sa hangin at nagpapantasya na sana ay ilapit pa nitong lalo ang mukha at halikan siya. She can’t help it he’s like a real prince! Bumundol ang matinding kaba sa kanyang dibdib. Why the hell she thinks about that? What is going on her? At bakit hanggang ngayon ay nakatulala pa rin siya sa napakagandang anghel na nasa harapan niya? "Are you okay?" nag-aalala ring tanong nito. She nodded. She smiled and was about to say, thank you, but… she said, "I love you." Natigagal siya. She said “I love you” to him! She doesn't know who he is. She didn't even know his name. For goodness sake! Why did she do that? Baka kung anong isipin nito tungkol sa kanya. Iniligtas na nga siya nito pagkatapos iyon pa ang sasabihin niya? Kitang-kita ang pagkabigla sa mukha ng binata ngunit unti-unti ring sumilay ang napakagandang ngiti sa mga labi nito at ang makinang na pagkislap ng mga mata nito. "I love you too, Honey," he said with a husky but still soothing voice. Mas natigagal pa ata siya sa sagot nito sa kanya. And why he knows her name? Ah! Baka sinakyan lang nito ang pagkakamali niya at endearment lang ang ibig niyang sabihin sa salitang ‘Honey’. Pasimpleng lumayo siya dito at hindi makatingin ng diretso. "Ahm," hindi siya mapakali habang ito ay nakatitig lang sa kanya. "I-I didn't mean what I said a while ago. I mean, I just want to say thank you for helping me out there." "You're welcome." Napalingon siya dito. He is just staring at her with does smiling eyes, pero parang buong pagkatao na niya ang tinitignan nito at nalulusaw siya sa mga titig nito. Gosh! Her cellphone rang. Bumalik siya sa katinuan. She answers the call uncertainly, it was her brother saying he’s at the front of her house. Sasakyan nga nito ang nakita niya kanina! Kailangan na niyang umuwi upang hindi ito matagal na maghintay sa kanya. Minsan na lang silang magkita dahil pareho silang abala sa trabaho. But they didn't forget each other, they always call and check one another. Silang dalawa na lang ang magkapamilya dahil pumanaw na ang kanilang mga magulang. Bumaling siya sa binata. "I have to go," she took a vow and gave her gratitude, "Thank you again for the help." Matagal niya itong tinignan bago nagmamadaling tumalikod at umalis. Nahihiya siya dito at nais pa sana niya itong makausap ngunit mas importante ang kuya niya sa ngayon. I hope to see you again. Munting hiling ng kanyang puso. NAPASANDAL si Honey sa gilid ng kanyang kotse. Pauwe na siya galing Manila at binabaybay niya ang Santa Rosa - Tagaytay Road ng biglang huminto ang kanyang sasakyan sa hindi niya malamang dahilan. Sadly, she doesn't have any knowledge about cars. First time na mangyari sa kanya iyon pero talagang abot hanggang langit ang pagkamalas niya dahil ang kanyang cellphone, empty battery na. Dagdag pa sa kamalasan niya na sa mapunong bahagi siya na siraan at malayo sa mga kabahayan. Mabuti nalang at may ilang mga poste ang nandoon at na nagbibigay ng liwanag sa paligid niya. She didn't know what to do. She decided to wait for someone who can help her from there. Then she saw a group of guy walking towards her. Napahalukipkip siya at kinabahan. She knew that those guys are not the one she was waiting. Nag-isip siya ng mabuti at luminga-linga. Papalapit na ang mga kalalakihan ngunit hindi pa rin siya makapagdesisyon kung tatakbo o magtitigil sa loob ng kanyang sasakyan. Malas nga talaga siya. Lord, please help me. Bata pa ako at marami pang nais matupad sa buhay. Iligtas po ninyo ako. Dasal niya at hinarap ang mga paparating. Magtatapang-tapangan na lang siya. Alam kasi niya na kahit ano ang piliin niyang gawin ay mako-corner at mako-corner siya ng mga ito. Bakit ba laging nalalagay sa alanganin ang buhay ko? Nainis na tanong niya. But still she prepared herself when a car park at the front of her car. A tall man wearing a business suit emerged from the car and face the group of guys, who’s walking towards her. Biglang huminto sa paglalakad ang mga kalalakihan. She was jolt. She didn't know who and what the guy did to stop those men. Makalipas ang ilang minutong pagtititigan ng mga ito ay umalis na ang grupo ng mga lalaki. She doesn't know what was happened, but the guy won in just one glare. Napalayo nito ang mga lalaki ng walang ibang ginagawa kundi ang titigan lang ang mga ito. Humarap ang lalake at nagsimulang lumakad papalapit sa kanya. Naalala niya ang isa sa mga paborito niyang koreanovela na Goblin. Ang lakas kasi maka Kim Shin ng paglakad niya. Idagdag pa ang ilaw na naggagaling sa sasakyan nito. Habang siya naman ay nagpi-feeling Ji Eun-Tak na. Nakaka-in-love ang moment na meron sila ngayon. Pwede kayang totohanin na? Pwede kayang siya na ang Kim Shin ko? Nahigit niya ang paghinga ng makilala ang lalaki. Ito din kasi ang lalaking nagligtas sa kanya sa Palace In The Sky ilang linggo na ang nakakaraan. Hindi niya mapigilang matuwa sa muling pagkikita nila. Nais talaga niyang muling makita ito at makapagpasalamat ng maayos. “It’s you!” Masayang bati niya sa binata. “Hey! You love troubles, huh?” “I think I love troubling you. Do you mind” He was shocked for a second before he shrugged his shoulders, “I think I don’t mind as long as I’m the only one you will trouble with.” And there she saw his stunning smile. “Anyway, are you alright?” Binalingan nito ang kanyang sasakyan. “What happened?” “Honestly, I don’t know. At first, I heard a little ticking sound, and then suddenly it stopped. “I see. I’ll check it for you.” “Oh! Thank you!” He folded his sleeves before he opens the hood of the car. He’s trying to find the engine’s problem with the help of the flashlight on his phone. On the other side, she enjoys staring at him. Hindi niya maalam kung paano ngunit ganoon na lang kagaan ang loob niya sa binata. Tila ba kampanteng-kampante siya sa presensya nito at alam na alam niyang hindi siya pababayaan nito. Bukod kasi sa katotohanang may maamong mukha ito ay napaka gwapo pa nito. Masasabi din niyang mabait ito dahil sa ilang beses na rin nitong pagtulong sa kanya. "I think it is the coolant that leaned the transmission," may kung anong hinanap ito sa hawak na cellphone bago siya binalingan ng tingin, "I'll call for some help." Tumango siya bilang tugon sa sinabi ng binata. Kasabay niyon ay ang matamang pagtitig ng binata sa kanya. Ngumiti pa ito bago tuluyang tumalikod at may tinawagan. What the hell was that? Natutuwa ba ito sa kanya? Na w-weirdohan? May dumi ba siya sa mukha? Hindi niya alam ang mga isasagot sa sarili niyang tanong ngunit isa lang ang sigurado. Mabilis ang t***k ng puso niya mula pa kanina. Kakaiba ang pakiramdam na iyon pero alam niyang ang binata ang dahilan niyon. Hindi naman siguro imposible ang magkagusto agad dito? Bukod kasi sa pagiging mabait nito ay gwapo rin ito. Nararamdaman din niyang hindi ito ang klase ng tao na mananakit ng kapwa, sa halip ay mukhang ma-prinsipyo ito. Napangiti siya. Masaya siya sa kung anong nararamdaman niya. Muli niyang pinagmasdan ang lalaki sa harapan. Lord, alam kong may sarili kayong plano para sa akin, pero sana ibalato n’yo na po sa akin si kuyang pogi. Please… "Are you sure you're fine?" tanong nito nang matapos ang tawag. Tila inosenteng bata na tumango lang siya. "Good. Come let's go to my car. Doon tayo maghintay." Walang pag-aatubiling sumunod siya dito. Magpapakipot pa ba ako? Landi kung landi na noh! Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at doon siya pinaupo, ito naman ay sumandal sa katawan ng sasakyan saka pinagmasdan ang langit. "Thanks again for helping me," basag niya sa katahimikan. "It's okay. Basta ikaw," lumingon ito sa kanya at kinindatan siya. She was shocked. Naman! bakit ba ginawa pa niya iyon? Lalo atang nahuhulog ang puso ko. Hindi kaya bet din siya nito? Mukhang pumayag na si Lord sa hiling ko. Thank you po, Lord! Hindi mapigilang umasa ng puso ni Honey. Mukhang may forever nga! Huminga siya ng malalim at bumilang hanggang sampu. Kailangan niyang kontrolin ang sarili. At kailangan din niyang i-build up ang sarili sa binata. "I'm Honey Jane Joy Agoncillo. You are?" He looked at her with amusement, "Huh?" "Hindi pa tayo magkakilala kaya nagpapakilala ako. I'm Honey Jane Joy Agoncillo. Ikaw?" nakangiting sabi niya. Parang nalungkot ito ngunit hindi siya sigurado dahil agad na napalis iyon at napalitan ng blangkong ekspresyon ang mukha nito. "I'm Nash Trevor Montejo." She stretches her hand, "Nice to meet you, Nash." May mainit na kamay ang humaplos sa puso niya. Saying his name sounds like a lullaby and feels like heaven. Napansin din niyang may kumislap sa mga mata nito. But like the first emotion she saw, it fades away too fast to be sure. Ngumiti lang ito at maharang tinanggap ang pakikipagkamay niya. “It is such a pleasure to meet a beautiful lady like you.” “Honestly, I’m so happy to see you again. Hindi pa ako nakakapagpasalamat ng maayos sa iyo mula sa pagtulong mo sa akin dati. I’m really glad that you save.” “Don’t worry, the feeling is mutual.” He looked through my eyes, “I’m really… really glad to see you again.” And for the third time she saw a glint of sadness in his eyes. Kasabay nito ay ang mainit na haplos na naman sa kanyang puso. Suddenly, it felt like she was going to cry. They spend the unsoundly night with silence. She doesn’t know why but suddenly she felt so vulnerable. This is the first time she felt this way. She also doesn’t know what Nash is thinking and finally, she felt… insecure? Ganito ba talaga pag in-love? Halo-halo ang damdaming nararamdaman niya. Ano bang dapat niyang gawin? Ano kayang nasa isip nito at bakit bigla na lang itong nanahimik? Baka naman natotorpe ito. Siya na lang kaya ang gumawa ng first move? Nabasag lang ang katahimikan sa pagdating ng isang kotse at isang towing truck. Marahil ay ang mga ito ang mag-aayos ng kanyang sasakyan. Dinaluhan ni Nash ang mga ito at may kung anong itinuturo sa makina ng sasakyan. Ang isa naman sa mga ito ay sinubukang paandarin iyon. Habang ang lalaking nakasakay sa kotse ay lumapit sa kanya. “Good evening, Madam.” sabi ng matangkad na lalaking naka baseball cap. “Pwede ninyo ho bang sagutan ito para sa record ng sasakyan nyo?” “Yeah, sure.” kinuha niya ang iniabot nitong clip board at ballpen. “Masuwerte kayo at si sir ang nakakita sa inyo dito. Mabait yan at hinding-hindi kayo lolokohin.” Natawa siya sa sinabi nito. “Yes ho!” Pagkakuha nito ng clipboard at ballpen ay dumiretso ito kay Nash at tila nagbibiruang nag uusap ang dalawa. Tama ba ang naririnig ko? English sila mag-usap at may accent pa. Pero kanina parang konyo naman si kuyang mekaniko. Hindi nagtagal ay muling lumapit sa kanya si Nash "It will take an hour or two to fix your car." "Ganun ba?" malungkot na pagkakasabi niya. Hindi niya alam kung dahil sa matatagalan pang maayos ang sasakyan nila o dahil sa hindi maipaliwanag na damdamin niya. "It's already midnight. You need to go home to get some rest. I already told them to deliver it to you first thing in the morning. So, don't worry. Kaibigan ko ang owner ng shop nila kaya makakasigurado kang safe ang sasakyan mo. Go, get in. I'll take you home." Walang tanong-tanong na tumango lamang siya at sumunod dito. He closed the door for her and walks to the other side of the car. "Let's go," he turns to her with a mouthwatering smile. Tila bale wala na ang dead scene nila kanina at nagpapakilig na ulit ito sa kanya. He slowly moves towards her. Parang nanigas ang buong katawan niya sa paglapit nito. She heard a clip sound then he moved away and started the engine of his car. Pagyuko niya ay nakita niya na nakakabit na ang seatbelt niya. Yes, he just put her seatbelt on for her safety. Dapat ay magpasalamat siya, ngunit nakakaramdam siya ng panghihinayang na iyon lang ang ginawa nito. Huh? bakit ano bang ine-expect mong gagawin niya? Tanong ng isang bahagi ng isip niya. Wala, sagot naman ng isa pang bahagi ng isip niya. Weh! Eh, bakit ganyan na lang ang reaction mo? Hindi kaya... "Hindi!" "Anong 'Hindi'?" Nash asks her with shock. Arg! Nakakahiya! Naiinis na siya sa kanina pa niya pagkawala sa sarili. Napansin niya ang tinatahak nilang daan, "h-hindi ba papuntang Highland 'to?" "Oo, Bakit?" "Paano mo nalaman na doon ako nakatira?" "Ha?" biglang naging uneasy ang gesture nito. "A-ano, doon kasi ang bahay ko." "Huh? Sa bahay mo ako dadalhin?" "Huh? Oh, no." Hindi malaman ni Honey kung matatawa siya o mapapakunot ang noo sa biglaang pagkawala ng 'coolness image' nito dahil bigla na lang itong nataranta na hindi maintindihan. Pero isa lang ang masasabi niya… Cute. Tumikhim ito, "I just want to fetch something in my house before I take you home," there is confidence in his voice again. Mukhang nakabawe na ito sa pagkabigla. Pero bakit kaya biglang nawala ang composure nito? But then, she smile and nod, "Okay" After a few minutes, they enter the exclusive village. Gustong magkamot ng ulo ni Honey. Because the road they are tracking is also the way through her house. Inisip na lamang niya na baka doon talaga ang daan patungo sa bahay nito. And in just a while, they stop exactly at the front of her house. She quickly looked at him. "That's my house," turo nito sa katapat na bahay. She smile, then a moan evade in her mouth. The next is she is laughing out loud. Nash is just staring at her with fascination, but with gloomy eyes? Natigilan siya sa pagtawa dahil sa mga matang iyon, ngunit nawala na muli ito sa isang iglap. "I'm sorry, isip kasi ako ng isip kung bakit parang alam mo kung saan ako nakatira," sabi na lamang niya saka itinuro ang bahay niya, "that's my house. What a coincident?" "Oh, I see." "Yeah," Lumabas ito ng kotse saka lumigid sa kabilang panig ng sasakyan at ipinagbukas siya ng pinto. "Salamat," "Walang anuman," Bahagyang yumukod pa sila sa isa't-isa. Nag-aalangan mang pumasok na sa kanyang bahay ay humakbang na siya. A few steps further she will reach the front door but she stops when Nash colds her name. It's really good to hear her name from him. And her heart also skips a beat then thumps so fast. She slowly turns to him and meets his eyes once again, her knees melting with those eyes. Oh! God! How did You create such a handsome man like him? "Yes?" she said. Trying to control her voice. "Can I ask you for dinner this weekend?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD