Episode 21 NIGHT SWIMMING

917 Words
Busog na busog ang tatlo sa masarap nilang dinner sa restaurant ng Hamilton Hotel. Solved na solved ang pakiramdam ni Winona at muli ay na kakain sya ng paboritong steak. "Their steak is good, pero mas masarap yung luto mo Lawrence" wika ni Wanda "I agree" wika naman ni Winona na lalong ikinasiya ni Lawrence "yung luto mo kasi, juicy at may something. I can't describe na habang kinakain lumalabas yung linamnam" "Thank you guys, dahil dyan, may late night snack tayo mamaya" May baon akong steak patty which is really good for a sandwich, mamaya igagawa ko kayo" "Wow, thank you Lawrence, I told you hindi pa tapos ang mga surprises ni Lawrence sa tin" masayang wika ni Wanda "Ahahaha, kaya pala ang laki ng bagahe mo, may baon ka palang steak" biro ni Winona "Nagpromise ako sa inyo, di ba? A promise... Is a promise..."wika ng binata "Do you wanna stroll, pero malamig na sa labas? If you want we can swim, this time you can join us Winona" anyaya ni Lawrence "Swim???" halos sabay na wika ng magbestfriend "I'd love to... But at this hour, san tayo magsi-swimming?" tanong ni Winona "Tara, swimming na tayo, let's go up." wika ni Lawrence na sumenyas na paakyat Nagkatinginan ang magbestfriend na parehong nagtataka Pagtapat sa pinto ng kwarto nila Winona, sinabi ni Lawrence "Can I come in? " Yeah, sure" "Of course" halos magkasabay na sagot ng magkaibigan. Habang sila ay nagtataka pa rin. Dumerecho so Lawrence sa may bintana, at hinawi ang kurtina. Binuksan din nito ang sliding glass door "Come here" masayang tawag ni Lawrence sa dalawa "Wow, my swimming pool"nanlalaking wika ni Wanda "Wow, makakapag swimming na ako talaga, yey" halos mapatalon sa tuwa si Winona Bagay na lalong nagpasaya kay Lawrence. Mahal nya ang dalaga at lahat ay gagawin nya, para mapasaya ito. "Your room and my room are the only room with access to this swimming pool, that's why I chose this. Alam kong posibleng hindi makapagswimming si Winona sa beach sa sobrang dami ng tao. I hope you like this guys" "Of course, thank you Lawrence" wika ni Winona "Thank you Lawrence, for the love" pabirong wika ni Wanda na tila naaamoy nya ang pagkagusto ni Lawrence kay Winona. "Magbihis na tayo ng pang swimming bestie, yey masusuot mo na yung binili kong swimsuit para sayo" "Tara, excited na akong lumangoy."tugon ni Wanda sa kaibigan " Iwan ko muna kayo, I'll make some coffee or tea, what do you want? "Green tea for us" tila nag duet na wika ng magbestfriend at tuwang-tuwa si Lawrence sa kanila. "Ok, I'll see you later at the pool area" wika ng binata. Mabilis na nagbihis ang magbestfriend at agad nagtungo sa pool area. "The water is warm bestie, ang sarap" sigaw ni Winona "Yes, ang sarap, this is it" nagtatalon sa tuwa nag magbestfriend at ilang sandali pa ay lumangoy na sila ng kanya-kanya. Hindi namalayan ng dalawa na pinapanood sila ni Lawrence, kumuha ito ng camera ang inivideo ang paglalangoy nila. Nakakatuwang tingnan dahil masayang - masaya ang dalawa. Mission accomplished para kay Lawrence ang mapasaya ang iniibig na princesa. Tumigil sa paglalangoy ang dalawa ng narinig nila ang tawag ni Lawrence "Your green tea is here" wika na binata "Wow, thank you Lawrence" At agad na umahon ang dalawa. Namangha si Lawrence ng makita si Winona na naka swimsuit. Suot nito ang royal blue two piece bikini na bigay ni Wanda. Napakaganda ng hubog ng katawan ng dalaga. Long-legged ito at talagang makinis ang kutis. Walang suot na prosthetics sa mukha si Winona kaya lumabas ang tunay nitong ganda. Bagay na lalong nakabighani kay Lawrence. Sa sobrang paghanga ay hindi nya napigilan ang sarili at sinabi "Wow. Di ko alam may kasama pala tayong Miss Universe dito" Bati ni Lawrence kay Winona na parang naiilang syang tingnan dahil sobrang kaakit-akit ang katawan nito sa suot nyang swimsuit "That's right, sabi ko nga kay bestie, pwedeng pwede syang sumali sa Miss Universe, perfect example ng Beauty and Brains" dagdag naman ni Wanda "Naku, tumigil nga kayong dalawa, napagtripan nyo naman ako" nakatawang tugon ni Winona, at kinuha nito ang bathrobe upang balutin ang sarili. "Tama na ang titig Lawrence, baka main-love ka. Bawal main-love sa Mahal Princesa kung hindi ka isang Principe" pabirong wika ni Wanda ng makita ng nyang hindi nag-aalis ng tingin si Lawrence sa napakagandang si Winona. "Ouch, ganun ba.. Ang hirap naman no'n!" pabirong tugon ni Lawrence pero tila wala sa sarili na napahawak sya sa dibdib. "After your tea, pwede kayong maglangoy ulit.. Gagawin ko naman yung meryenda natin Steak patty sandwich" wika ni Lawrence upang mabago ang topic. Baka hindi nya napigilan ang sarili at mabisto syang in-love na in-love na sya kay Winona. "Is this how you spoil your friends Lawrence?" pabirong wika ni Wanda "Yes" mabilis na tugon ng binata "because you're the only friends I have" At nagtawanan sila sa sinabi ng binata. Natapos silang magswimming ay pasado alas diez na ng gabi. Pumasok na si Lawrence sa kanyang kwarto na umaapaw ang saya sa puso. Ngunit hindi sya makatulog. Hindi maalis sa isip nya si Winona. Bigla syang napaisip at nalungkot. "Nakalaya na si Winona sa pagtatago ng totoong nyang identity sa 'kin, ako ngayon ang may problema.. Paano ko sasabihin na hindi totoong Lawrence ang pangalan ko, at paano ko aaminin na ako si Prince Alexander na ayaw nyang pakasalan. Baka kapag ipinagtapat ko ang totoo ay muli itong magtago "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD