EPISODE 10 THE BALLPEN

836 Words
"Let's go to the coffee shop, you still have an hour bago dumating ang sundo mo" Anyaya ni Lawrence kay Winona, pagkatapos ng kanilang klase. "Sure, matagal pa nga bago ako masundo ni Wanda" nakangiting tugon ni Winona na labis ikinatuwa ni Lawrence "Everyday talaga, sinusundo ka ni Wanda ano?" "Oo, nakakahiya nga, nakadagdag abala pa ako sa kanya, pero sya naman ang mapilit. Responsibilidad daw nya ako kina Mama at Papa, kaya hindi nya ako pinababayaan" "You're lucky to have a good friend like Wanda" "oh yes, sobrang swerte ko sa bestfriend ko, para akong nagkaroon ng kapatid' Habang hinihintay ang kanilang order ay nag ring ang celfon ni Winona Bestie calling.... " Bestie, I got your text na nasa coffeshop kayo ni Lawrence, Mabuti naman, kasi baka ma late ako ng mga 15 mins, hindi pa tapos ang meeting ko"wika ni Wanda sa kabilang linya "It's ok, bestie no rush, hihintayin na lang kita dito" tugon ni Winona. "Hi Wanda, Lawrence here... Wag kang mag-alala, I'll take care of your bestie" Malakas na sambit ni Lawrence para marinig talaga ni Wanda. "Thank you Lawrence, bye Ill see you later". Kinikilig si Wanda para sa dalawang. Gusto nya si Lawrence para kay Winona, kaya masaya sya nang nalamang magkasama ang dalawa. Dumating na ang order ng dalawa, hindi sinasadyang tumagilid ang mug ng coffee ni Winona at bahagyang nalagyan ng kape ang kanyang kamay. Mabuti na lang iced old coffee ang inorder nya kaya hindi sya napaso. "I'll just go to the washroom and wash my hands" paalam ni Winona kay Lawrence at dagli itong tumayo "Sure" tugon ni Lawrence Habang nasa washroom si Winona, napansin nya ang isang ballpen na nakaipit sa notebook/planner ni Winona. Nakuha ang atensyon nya ng makita ang dulo ng ballpen na may may korteng korona sa dulo, kapansin pansin ang mga bato sa ballpen na sa tingin ni Lawrence at totoong mga diamanté. Dahil sa matinding curiosity, hindi matiis na hindi makita ang kabuuhan ng ballpen, kaya agad nyang binuklat ang notebook at nakita na ang ballpen na may nakaengraved na initials na PWME, puro diamanté dun ang letrang PWME at halatang totoo itong mga diamante. Kinabahan si Lawrence habang iniisip ang ibig sabihin ng initials. Kinuha nya ang kanyang camera at agad pinicturan ang ballpen. Kaagad nyang isinara ang notebook at nagkunyaring walang nakita ng mapansing papalapit na si Winona. "Song Mei Lin, Nakarating ka na ba sa MonteBel Endroit? Agad na tanong ni Lawrence kay Winona na labis nitong ipinagtaka Hindi nagpahalata si Winona na kinakabahan sya sa tanong ni Lawrence, kaya very casual syang sumagot " Ah, sa MonteBel Endroit sa Europe. Hindi pa, balita ko nga ang ganda ganda doon, ikaw? Nakarating ka na ba dun? Tanong naman nya sa binata. " Oo, 2 beses na, una 6 years ago noong debut ni Princess Winona at pangalawa recently lang noong May mga Korean visitors sa Palacio de MonteBel Endroit, sadly nawala noong panahon na yun ang Princesa" Parang may naghahabulang sampung daga sa dibdib ni Winona nang marinig ang pagkukwento ng binata. Tila hihimatayin na sya. Napainom sya ng tubig. Naubos nyang inumin ng derecho ang 1 basong puno ng tubig ang tila kulang pa, para ma relax ang pakiramdam nya. "Bakit ka naman pumunta doon, are you one of the guests?" "Isa akong professional photographer" wika ni Lawrence sabay labas ng isang ID na may nakasulat Lawrence Montreal, President International League of Professional European Photographers. "Kaya kapag may mga nalalaking events or gathering sa Europe, I make sure na makakapunta ako" dagdag pa nito "Hi guys, I'm here" mukhang masarap kwentuhan nyo ah, nakaistorbo ba ako? " wika ni Wanda na kararating lang " You're right, kasi ito palang si Lawrence ay. Nakarating na sa MonteBel Endroit, Di ba matagal na mating gustong gusto na pumunta dun" wika ni Winona "Talaga! wow so kapag pumunta tayo dun, isama natin si Lawrence para may tour guide na tayo." "Sure, I'll be glad to "masayang tugon ni Lawrence Pagkahatid sa magkaibigan sa nakapark na kotse ni Wanda ay lumakad na si Lawrence patungo sa kanyang kotse. Hanggang makauwi sa kanyang condo ay hindi pa rin mawala sa isip ni Lawrence ang nakitang ballpen sa notebook/planner ni Winona. Kinuha nya ang cellphone at tiningnan ang picture ng ballpen. P-W-M-E Princess Winona of MonteBel Endroit "PWME, PWME, PWME, what does it mean? Hindi kaya Princess Winona of MonteBel Endroit? Kay Princess Winona kaya ang ballpen na yun? Pero bakit na kay Song Mei Lin? Sa tantiya nya ay napakamahal ng ballpen na yun, " hindi naman cguro ninakaw ni Song Mei Lin kay Winona ang ballpen na yun. At kung ninakaw man, ay paano? Pero posible ring napulot nya lang ito.Kung napulot nya ito, posibleng nasa Seoul, Korea si Princess Winona, doon nya cguro napulot ang ballpen, bago sya lumipad papunta dito sa Australia " Wika ni Lawrence sa sarili na hindi mapakali at lakad ng lakad sa loob ng kanyang kwarto. "That I have to find out"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD