Again Part 1

967 Words
5 years ago   "Eto nga gusto ko!" Sigaw ko sa lalaking kasama ko sabay turo dun sa rollercoaster. “Sabing ayoko diyan eh! Gusto ko dun!” Sigaw niya pabalik sakin sabay turo dun sa carousel. “Ano ka bata? Ang sabihin mo takot ka lang!”  Sabi ko sa kanya. Naku po kanina pa nag iinit ulo ko sa lalaking to “Ha? Ako takot? Hindi ako takot no- -” Hindi na natapos yung sigaw niya kasi bigla ng sumingit samin si Nana kasama yung boyfriend niya. “Alam niyo kumain na lang muna tayo. Kanina pa kayo nag aaway eh.” Tugon samin ni Nana tsaka hinila ako papunta dun sa food court. - Nung makahanap na kami ng pwesto kami muna girls yung umupo dahil sila Stephen yung kukuha ng kakainin namin. “So? Ano na yung real deal sainyo nung Stephen?” Tanong ni Nana kay Rie. “Hmmm. Tinanong niya ko kung pwede ba siyang manligaw.” Mahinahong sagot naman ni Rie kay Nana. “Pinayagan mo ba?” Tanong ko naman kay Rie. “Oo. Gusto ko rin naman siyang makilala talaga ng lubusan kaya binigyan ko rin siya ng chance para patunayan niya yung sarili niya.” Mahinahon ulit na sagot ni Rie.   Napatango na lang kami ni Nana bilang sagot. Samin kasing tatlo si Rie yung pinaka mature mag isip kaya hindi namin kinikwestyun kung ano yung mga desisyon niya sa buhay. Minsan nga sa kanya pa kami humihingi ng advice eh.   “Eh kayo ba nung Phoenix? Okay ba siya kasama?” Tinignan ko naman si Nana tsaka sumagot. “Sinong Phoenix?” “Pfft. Yung ka date mo! Grabe siya di man lang kilala yung ka date niya” Sagot naman sakin ni Rie. Aahh. Phoenix pala yung name nun. “Ah yun ba. Wala kayong aasahan samin. Hindi nga kami magkasundo eh. Atsaka remember? Nag exist lang naman tung date nato dahil pinagbigyan natin tong kaibigan natin” Sagot ko sabay akbay kay Rie at pekeng ngumiti sabay kurot sa pisngi niya. “Hehe” Yun lang yung nasagot niya sakin. Ilang minuto pa yung lumipas at dumating na sila Stephen dala yung mga pagkain at nagsimula na rin kaming kumain. Habang kumakain napansin kong parang nangangati yung lalamunan ko at umiikot yung paningin ko. Tinignan ko ulit yung kinakain ko tsaka hinalo halo na parang may hinahanap. Bumibilis na yung t***k ng puso ko at nahihirapan na akong huminga pero wala naman akong napansin na bawal ako dun sa pagkain. Napahawak ako bigla kay Phoenix kasi parang anytime mahihimatay na ako. “Hey are you okay?” Tanong niya sakin habang nakahawak sa dalawang balikat ko pero ako hirap na hirap na sa paghinga. “Ziel! Are you okay? Oh sh*t. Don’t tell me” Sigaw ni Nana. Agad namang napatayo sila Nana at Rie at mabilis na tinignan yung plato ko. “Wala namang Crabs ha!” Nagpapanic na sabi ni Nana.  Hindi ko na kaya yung sikip ng dibdib ko at bigla na lang akong natumba. Napapikit na lang ako pero ang alam ko may bumuhat sakin bago ako tuluyan nawalan ng malay.  *** Dahan dahan kong minulat yung mata ko at natagpuan kong nasa isang hospital na ako. Ganun ba kalala yung nangyari? Nilibot ko yung tingin ko at natagpuan si Rie sa tabi ko. Inabot ko yung phone ko at tinignan yung date ngayon. Sunday na pala ano ba nangyari kahapon? Nakita kong gumalaw si Rie, nagising ko pa ata. "Hey. Okay na ba pakiramdam mo?" Tanong niya sakin. Tinignan ko yung mga mata niya. Namamaga ito. "Ano ba kasing nangyari? Wala naman akong bawal na nakain diba? Nakita mo naman yung food ko" Sabi ko sa  kanya. "Actually meron. Yung food mo mismo yung problem. Yung ginamit pala nilang spices dun sa food mo ay puro crustacean mix. Kaya ayun na trigger yung sakit mo. At ang malala pa dun madami dami na yung nakain mo. Sabi nung doctor buti na lang daw talaga at naagapan pa." Napayuko na lang ako sa sinabi ni Rie. Nag cause na naman ako ng problema. Bakit ba kasi hindi ako nag-iingat!  "Pasensya na kayo Rie ha. Nakaabala na naman ako." Malungkot kong sabi sa kanya. "Naku! Ano ka ba. Bata pa lang tayo alam na naming tanga ka sa pagkain kaya sanay na kami." Sabi sakin ni Rie habang tumatawa. Pinipilit niyang pagaanin yung loob ko. Nag uusap kami ni Rie ng biglang may marinig kami na katok. "Zieeeeeeeeeel!!" Sigaw ni Nana habang papasok sabay yakap sakin. Niyakap ko naman siya pabalik.  "Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong niya sakin. "Okay na ako" Nakangiti kong sagot sa kanya. "Nga pala asan sila mommy? Sila yung nagbantay sakin dito kagabi diba?" Tanong ko sa kanila ni Rie. Nagkatinginan naman silang dalawa tsaka biglang nag iba yung expression ng mga mukha nila.  Ah. Oo nga pala. Kinalimutan na pala nila ako "Ah Ziel. We tried contacting tita kagabi and di talaga namin siya macontact eh" Sagot sakin ni Nana habang kagat yung labi. Ngumiti muna ako sa kanila bago nagsalita. "Ano ba kayo! Okay lang no. Sanay na ako. So sino nagbantay sakin kagabi? Kayo ba?" Tanong ko sa kanila para maiba ko yung topic. Ngumiti naman silang dalawa sabay sagot ng.. "Hindi" "Ha? Kung hindi kayo eh sino nagbantay sakin? For sure hindi si manang kasi sa huwebes pa uwi non galing bukid" Nagtataka kung tanong sa kanila. "Si Phoenix" Bigkas ni Rie. "Ha?" Nagtataka ko ulit na tanong. "Si Phoenix yung nagbantay sayo!" Sabay na sigaw ni Rie at Nana habang kinikilig. Ano?! Si Phoenix?! Bat niya naman gagawin yun? Busy pako sa pag iisip ng bigla naming narinig na bumukas yung pinto. At ayun nga pumasok si Phoenix na may dalang bulaklak. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD