Assuming

515 Words
- Present Sh*t ang sakit ng ulo ko. Tinignan ko yung orasan para malaman ko kung pwede nako umuwi. 11:00 pm na pala. Niligpit ko na yung mga gamit ko tsaka naghanda na para umuwi ng bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Rie. ‘Oh?’ Sagot ko sa kanya. ‘Wag mong kalimutan bukas ha?’  Natahimik muna ako saglit. Oo nga pala! Sa sobrang busy ko dahil sa work nakalimutan ko na na may lakad pala ako bukas. ‘DON’T TELL ME NAKALIMUTAN MO NA?!’ Sigaw niya sakin kaya nilayo ko muna yung phone sa tenga ko. ‘Sorry?’ Sagot ko sa kanya at napakamot na lang sa ulo. ‘Ziel naman! Kasal na kasal ko bukas tapos makakalimutan mo?’ Sagot niya sakin. ‘Okay! Pupunta ako okay? Don’t worry I’ll make time. I’m sorry nakalimutan ko. See you tomorrow! I love you.' 'Hihintayin kita! See you tomorrow! Tinatawag nako byeeee. I love you too!' Sagot niya sakin tsaka pinatay yung call. I feel guilty. Umupo muna ako saglit. Di ko inaasahan to. Nakalimutan ko ba talaga yung kasal ng kaibigan ko? O Pinilit ko lang yung sarili ko na wag isipin dahil di ko kayang pumunta?  Nung makauwi na ako agad akong naligo para mahimasmasan ako. Mukhang di na naman ako makakatulog neto. Ilang taon na ba yung lumipas nung nagkaroon ako ng mahimbing na tulog? Di ko na maalala kung kailan yung huling gabi na natulog ako ng nakangiti.  - Time Check : 7:30 am 10:00 am pa magsisimula yung event atsaka 15 mins lang naman yung travel papuntang simbahan kaya tinapos ko muna yung unfinished tasks ko sa work. Sa sobrang busy ko kahit sa bahay nag tatrabaho ako. Nagbihis na ako agad pagkatapos kong tapusin yung work ko tsaka nag handa na para umalis.   Malapit nako sa simbahan pero bigla kong tinigil yung sasakyan. Sh*t. Ang lapit lapit ko na. Napayuko ako at di ko na napigilan yung iyak. Kinuha ko yung phone ko tsaka tinawagan si Nana. ‘Hello? Ziel? Asan kana? Malapit ka na ba?’ Hindi ko mapigilan yung hikbi ko nung narinig ko yung boses ni  Nana. ‘Hey, are you okay?' ‘Nana hindi ko kaya’ Humahagulgol kong sagot sa kanya. ‘Akala ko okay na ako Nana, akala ko magiging masaya na ako, akala ko kaya ko nang ngumiti *sob* pero hindi pa pala’  ‘Hey! Stop crying. Asan ka ngayon? Pupuntahan kita.’ ‘No it’s okay. Stay with Rie. Pakisabi na lang na masama yung pakiramdam ko kaya hindi ako makakapunta and please send my apology.” ‘Sige. Pero pupuntahan kita after dito and please. Please Ziel. Stop hurting yourself already. Please let yourself heal. I love you okay? Mahal ka namin ni Rie. Tandaan mo yan’ Huminga na lang ako ng malalim bilang sagot tsaka pinatay yung tawag. Bakit ganon? Ako dapat yun eh. Ako dapat yung lalakad sa aisle. Ako yung unang haharap sa altar. Ako yung nauna. Ako dapat mauna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD