Episode 11

734 Words
Nasa KALAGITNAAN ng Meeting si Nathan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang kanyang tingnan ay unknown number kaya minabuti niya munang sagutin ito baka emergency ang naturang tawag kaya humingi muna ito ng paumanhin sa mga kausap. Awtomatikong sinagot ito at isang babae ang nasa kabilang linya. "Hello, who's this please?" "hello Nathan. it's me Margaux,. Can I invite you out?" "I'm sorry Margaux but you know that I am a busy person" "I have still a meeting with a client, kaya please huwag ka munang mangdistorbo" sagot ni Nathan at binaba't pinatay ang cellphone at bumalik sa kinaroroonan ng kanyang kliyente. Dahil sa rejection na kanyang natanggap ay may bin,abalak na naman si Margaux. "Sabi ko nga di kita susukuan Nathan at kailangan kita" sa isip nya.. Lahat ng posibleng paraan ay gagawin ni Margaux.. at pinapangako niya sa sarili na gagawin nya lahat. Samantala nasa opisina si DJ at may tinawagan para sa maging plano nito. "Hello, Mr. Valderama pwede ka bang pumunta sa opisina ko? This is Atty. Daniel John Rios from DJR LAW FIRM" wika niya sa kausap. "okay Atty. Rios copy after 30 minutes darating ako diyjan" sagot ng kausap at binaba na din ang cellphone Habang abala naman si Jazz ay abala sa kanyang Boutique nang biglang dumating si Margaux. "Excuse me Jazz, may hinahanap kasi akong damit na pwede kong maisuot sa isang special date.. pwede mo ba akong tulungan?" malanding saad nito kay Jazz. "ahh, damit ba kamo? Teka ito bagay sa'yo.. " "Sa isang lintang ahas na katulad mo.." bulong niya sa sarili. "Ano pakiulit?" "Sabi ko ito ang bagay sa'yo pang-akit sa mga lalaki." "diba diyan ka naman magaling?" "teka pala Margaux nagkita na ba kayo ng asawa ko? ang pagkakaalam ko hindi siya busy ngayon." mataray na tanong ni Jazz dito. "Hindi pa eh, pwede ko pa siyang mahiram kahit isang saglit lang" tugon ni Margaux dito habang pumipili ng damit. Natahimik si Jazz at ilang minuto'y nagsalita ito.. "Pwede naman, hwag ka lang magpahuli baka makatay ka bigla ng asawa niya at baka kayo pang dalawa.." tugon ni Jazz habang tiningnan ito ng masama ni Margaux. Biglang natahimik si Margaux at mukhang kinabahan na di nakaligtas kay Jazz. "Margaux! okay ka lang ba?" untag ni Jazz dito. "Hah, okay lang.." "teka Margaux sa'n na pala si Adrian iyong rumor boyfriend mo? siya ba ang ka date mo?" usisa ni Jazz at napatingin si Margaux at agad ding bumalik sa kanyang ginagawa. "$i Adrian nag-out of town at hindi siya ang ka date ko" sagot niya rito. "Talaga lang ha! at sino naman ang ka date mo ang asawa ko kaya Margaux.." sa isip niya. " Matagal ka pa ba Margaux? kasi magsasara na kami. Muntik ko nang makalimutan may date pala kami ng asawa ko.. Wedding Anniversary kasi namin." pagtataboy niya rito. Umalis na lang ang dalaga at tinapunan ng masamang tingin si Jazz habang papalayo na ito.. "Haisst,... may araw ka din sa akin Jasmine Bernardo.." inis turan nito habang papasok sa kanyang kotse. "Sige lang Margaux, mainis ka hanggang gusto mo... kala mo hindi ko alam ang pinagagagawa mo.. may balak ka bang inbitahan ang asawa ko ha!" saad ni Jazz habang sinundan ang papalayong si Margaux. DJR LAW FIRM DUMATING na ang bisitang si Mr. Valderama sa opisina ni DJ. Dumeretso ito sa opisina at kumatok. Tok., tok., tok.. "Come in" "Good afternoon Atty." bati ni Mr. Valderama. "Good afternoon Mr. Valderama.. Have a seat." ganting bati at alok nito. "Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa.. Kilala mo siguro si Margaux Alferos iyong sikat na modelo, kasi siya ang maging subject mo.. sundan mo lahat ng kilos niya at kailangan ko ng ebidensya.. Kaw na bahala kung pa'no mo iyon gawin at pinsan ko siya.. Kailangan ko itong gawin para maprotektahan ang isang pamilyang balak niyang sirain" mahabang pahayag nito at ikinatango ng kausap. " Sige po Atttorney , kailan ba ako magsisimula?" tugon niya rito. "Bukas, nandito ang mga dapat mong malaman tungkol sa kanya at pag-aralan mo." ani niya rito. Pagkatapos nang usapan ay nagpaalam na din ito. Samantala si Gerlie ay inalam lahat ng mga commitments ni Margaux. Umuwi na si Margaux sa unit nito nang may nararamdaman siyang may sumusunod sa kanya. Lakad takbo siya sa parking lot ng condo niya nang may nakabanggaan ito. "Arrayy" impit niyang sigaw habang bahagyang itinaas ang kanyang ulo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD