NAGISING akong wala sa tabi ko si Lionel. Nang umuwi kami kagabi ay hindi na niya ako kinausap pa. Kahit noong ayain ako ni Manang para kumain ng hapunan ay hindi ko nakasabay sa hapag-kainan ang asawa ko. Nakatulog din akong hindi siya katabi. Hindi ko nga alam kung natulog ba siya o hindi. Mag-aalas sais pa lang pala ng umaga. I have enough time para sa paghahanda ko sa pagpasok sa opisina. Hinanda ko na ang mga dami kong isusuot pagkatapos ay kinuha ko ang tuwalya ko saka dumiretso ng banyo. Atleast, hawak ko ang buo kong oras ngayon hangga’t hindi lumilitaw si Lionel. Humikab ako ng ilang beses. Kahit na umaga na ako nakatulog kagaabi ay pakiwari ko hindi pa rin sapat. Pumasok ako nang buksan ko ang pinto ng banyo at tuluy-tuloy sa shower na nakapikit ang mga mata. Napangiti ako. Ang

