TUWANG-TUWA si Manang nang ibigay ko sa kanya ang binili kong comforter. Sa katuwaan niya ay masigla niya akong ipinaghanda ng hapunan. Pinagsaluhan din naming ang niluto niyng kare-kare, isa sa mga paborito kong pagkain. Masaya kaming nagkukwentuhan nang dumating si Lionel at… may kasama siyang babae. Makahulugan akong sinulyapan ni Manang. “Gusto mo pa bang kumain, Miya?” tanong ni Manang. “Busog na po ako, Manang. Salamat po sa masarap na luto ninyo.” Tinuon ko na ang mga mata ko sa pagkain kahit na naririnig ko ang mahihinang tawa ng babae habang kausap si Lionel. Uminom ako agad ng tubig saka tumayo nang maubos ang pagkain ko sa pinggan. “Thanks ulit sa dinner, Manang. Aakyat na po ako sa itaas.” “Miya,” Hinawakan ni Manang ang kamay ko. Ramdam ko na may nais siyang sabihin. “Good

