DAHAN-DAHANG inilubog ni Lionel ang katawan niya sa pool. Si Sam naman ay kalalabas lang ng silid na pinagbihisan niya. Nagpaalam na ito sa amin at dumiretso na ng gate. Tinanaw ko lang siya hanggang sa makalabas. “Nakakaselos naman ang tingin mong ‘yan,” ani ni Lionel. Nasa likuran ko na siya. “Si Sam naman ‘yon, babe. She’s my friend. Ano naman ang masama roon?” Nilukob ang katawan ko ng mainit na yakap ng asawa ko. “I know pero nagseselos pa rin ako.” Pinatakan niya ako ng halik sa buhok. Lihim akong napangiti. Unti-unti ko ng nahuhuli ang totoong ugali ni Lionel. “Ano ba ang kailangan kong gawin upang mawala ‘yang pagseselos mo?” Nakagat ko na naman ang ibabang labi ko. Pinihit niya ako paharap sa kanya. Malamlam ang mga matang tinitigan niya ako. May kakaibang init ang nagmitsa s

