“OKAY ka lang?” a baritone voice said.
I looked up and saw a handsome guy, holding my left arm while offering his other hand to me. Alam kong it may sound odd because a scene like this only exists in movies pero ewan ko ba, bakit parang may nakakasilaw na liwanag ang bigla na lamang pumalibot sa gwapong nilalang na ito.
“Alison!” dinig kong sigaw ni Matthew mula sa malayo.
“S-s**t!”
Natataranta kong tinanggap ang kamay ng lalaking nag-offer ng tulong kani-kanina lang at maingat niya akong itinayo. The sharp stabbing pain on my right knee made me stumble for a moment kaya naman halos mawalan ako ng tamang balanse. Good thing he has a strong grasp, preventing me from falling.
“Anong nangyari?” tanong ng lalaking tumulong sa akin.
“That guy is harassing me!” sagot ko sabay turo sa palapit na si Matthew. Halos late ko na rin napansin na may tatlong lalaki na siyang kasama.
Aba't nagtawag ng resbak ang hayop!
“Please help me...uh—what’s your name again?”
“Justice,” sagot niya habang nakaalalay pa rin sa akin. “I’m Justice.”
“Justice! OMG! Please help me? Tatanawin kong malaking utang na loob ito or I'll even reward yo—”
“Huli ka!” bungad ni Matthew sa amin matapos niyang hawakan ang braso ko. Halos mapatili ako sa ginawa niya pero kaagad iyon tinabig ni Justice at mabilis akong inilagay sa likod niya gaya ng ginawa kanina ni Clarkson.
“Pare, mabuti pa tigilan mo na siya,” ani Justice habang seryosong nakatingin kay Matthew at sa mga kasama nito. I was holding his arm habang nakasilip lamang sa kanila.
“Huwag ka ngang mangialam!” sagot ni Matthew. “Sino ka bang gago ka at nanghihimasok ka sa gusot namin ng girlfrie—”
“Hoy, kapal ng mukha mo! Never mo akong naging jowa kaya huwag kang feeling!”
Halos mamula na ang mukha ni Matthew sa sobrang inis. Alam kong pinaka ayaw ng mga lalaki ang napapahiya sa harap ng kapwa nila lalaki kaya the fact that I slapped it on his face na he’s not really my type was like adding fuel to the fire. Biglang umabante ng lakad ang tatlong unggoy na kasama ni Matthew at puno ng angas na tinulak-tulak si Justice, dahilan para mapaatras kaming dalawa.
“Pre, ang mabuti pa umalis ka na habang mabait pa kami,” may halong pagbabantang sabi ni panget number one. Nagawa pa niyang hawakan sa kwelyo si Justice pero hindi man lang siya pumalag at sa halip ay mataman lang silang tiningnan.
“Justice, let’s just go,” bulong ko sa kanya habang pasimpleng hinihila ang braso niya.
“Don’t mind me, saglit lang ito.” Nilingon niya ako at tipid na ngumiti. Parang bigla akong nakaramdam ng kung anong kiliti sa aking tiyan dahil sa ginawa niya.
Ay s**t na 'yan! Bakit ang gwapo?!
“Hoy kupal, mabuti pa umalis ka na at iwan mo na sa amin ang babaeng 'yan!” galit na sabi ni Matthew at walang anu-ano’y bigla na siyang sumugod ng suntok kay Justice.
Halos mapatili ako nang inakala ko na tinamaan si Justice pero nagulat na lamang ako nang hilahin niya ako palayo, dahilan para tuluyang sumubsob sa semento si Matthew. Iniupo niya ako sa isang bato na tila decoration ng isang shop malapit sa amin.
“Stay here until I'm done,” aniya bago tuluyang tumuyo at muling hinarap ang mga pasugod na kasamahan ni Matthew.
Sobrang bilis ng mga pangyayari. It was a fight of one versus four but the way Justice was able to dodge every punch and attack from Matthew and his men, made my mouth slightly open because of amusement. I mean, paano niya nagagawang umilag sa sunud-sunod nilang pag-atake like he can guess their every move before they could even do it?
Maraming bystanders ang naging witness sa away na nagaganap pero wala man ni isa sa kanila ang naka-isip na tumawag ng tulong from the police o kahit sino. Gaya ng normal na reaction ng mga tsismoso't tsismosa, they put out their phones and filmed the whole thing.
Nakakayamot!
I badly want to stop them lalo na kapag nakakatanggap din ng suntok or tadyak si Justice pero wala akong magawa. It’s so frustrating to watch that I can’t help but to bite my lower lip.
And before I knew it? Nakabulagta na ang apat sa semento habang nananatiling nakatayo si Justice, abala sa paghabol ng kanyang hininga. Pare-parehong namimilipit sa sakit ang apat and I even saw Matthew spitting some blood on the ground.
“Oh... my... goodness,” bulong ko sa aking sarili. I really can’t believe what just happened.
Tao ba ang lalaking ito o isang cyborg?
I saw him glanced at me and I’m pretty sure that my current reaction right now is so epic to look at. Naglakad siya palapit sa akin at muling inilahad ang kanyang kamay sa akin. Magaap kong tinanggap iyon at dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan ko but just like earlier, I stumbled again because of the wound on my knee. Medyo malaki kasi iyon and for crying out loud, I just had a wound on my perfect knee! Oh my freaking gosh! I’m ruined!
“Kailangan natin gamutin ang sugat mo,” aniya habang seryosong nakatingin sa tuhod kong may sugat. Bago pa ako makapag-react ay mabilis siyang tumalikod sa akin at lumuhod.
“H-hoy! What the heck are you doing?!”
“Sakay ka na sa likod ko,” sabi niya. “O, kaya mong maglakad papunta sa drug store?”
“I-I can walk!” I said. “Basta alalayan mo na lang ako. You need to treat your wound too.”
Muli siyang tumayo at humarap sa akin. I pointed a small wound and some bruises on his face na kaagad naman niyang ininda the moment he touched them. For some reason, hindi ko maiwasan na hindi makonsensya. It’s not like we know each other pero he still helped me when other people just watched the whole thing.
“Tara?” he said while offering his arm to me.
Nag-aalangan man pero mabilis ko iyong tinanggap. Nang madaanan namin ang mga nakabulagtang katawan nina Matthew ay nagawa ko pang sipain ang likod niya para makaganti sa mga sinabi niya sa akin.
“You’re full of s**t! Jerk!”
Nagsimula na kaming maglakad palayo kay Matthew at sa mga kasamahan nito nang may makaisip na tumawag ng tulong para sa kanila. Nakakaloka talaga ang mga tao! Kung kailan tapos na ang palabas, tsaka pa lang tatawag ng tulong. Unbelievable!
“Ignorant human beings!” halos pabulong kong saad.
“Ano?”
Napalingon ako kay Justice and he’s giving me a questioning look. I just smiled at him habang umiiling. Mukhang effective naman ang palusot ko kaya hindi na siya ulit nagtanong pa. Justice was assisting me the whole walking thingy to the nearest drug store without saying anything.
This is so awkward.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob ay kagaad niya akong dinala sa isang bakanteng bench at pinaupo.
“Stay here for a while,” he said. “Bibili lang ako ng band aid at panlinis ng sugat mo.”
I was about to get my wallet inside my purse para sana magbigay ng pera sa kanya pero agad na siyang umalis para bumili. Pambihira! Kamag-anak pa ata ni Flash ang lalaking ito sa bilis kumilos.
Wala akong naging choice kung hindi maghintay sa pagbalik niya so, I decided to grab my phone to check on my friends. Mga bwiset na 'yon, hindi man lang ako hinabol kanina. Pesteng Clarkson! Humanda talaga ang mokong na 'yon sa akin kapag nagkita kami. Ako mismo ang gugulpi sa kanya.
“I’m sorry, Allie. We’re in a private clinic after Clarkson passed out. I've sent some of Clarkson’s bodyguards after kang kaladkarin ni Matthew palabas ng coffee shop. Text me back your location so I can fetch you. Please, stay safe.”
I can’t help but to frown after reading Belle's text message. Mabilis akong nagtipa ng reply para ipamukha sa kanya na walang bodyguards na dumating sa scene of the crime—este action pala.
“What are you talking about? Clarkson’s bodyguards are no where to be found! Kung wala pang tumulong sa akin, baka na-raped na ako ng hinayupak na Matthew na 'yon! Fetch me at a convenience store near the coffee shop! ASAP!” I tapped the send icon on my phone then let out a frustrated sigh.
“May problema ba?”
“Ay problema!” gulat kong sabi matapos sumulpot ni Justice kung saan. My heart is literally racing right now. Damn.
Muling ngumiti si Justice sa akin dahil sa naging reaction ko and I can’t help but to look away. I even imaginarily patted myself on the back to stay calm.
“Alison, gwapo lang ang lalaking iyan pero you can’t be deceived. Okay? You had enough trouble for today kaya please lang, tsaka na ang harot,” I told my inner self as if I’m talking to someone.
“May sinasabi ka?” he asked at saka umupo sa metal stool na nasa harapan ko, making my heart skip a beat.
“N-nothing!”
Medyo lumapit siya sa akin to check if I have any scratches on my face pero mabilis akong nag-iwas muli ng tingin. I feel like I’m starting to hyperventilate because of his gestures. Like wow lang, close kami? Ganern?
“I’ll just put some saline solution on your wound para hindi magkaro’n ng infection,” aniya at ambang dadampian ng bulak na may solution ang tuhod kong may sugat nang bigla ko siyang pigilan. Napatingin siya sa akin ng buong pagtataka.
“Is something wrong?” he asked but I just smiled at him.
“N-nothing’s wrong,” I stammered. “Let me do it!”
I grabbed the cotton balls and betadine from him and instead of curing my wound ay sa kanya ko iyon idinampi, making him startled. Kagat-kagat ko ang aking labi while gently pressing down the cotton ball on his face, making our eyes locked to each other.
Sandali pa akong napatitig sa kanya while the thumping in my chest is at the highest rate right now. What the hell is happening with me? Bakit ako nakararamdam ng ganito? I have never felt this kind of feeling before. Not even with one of my flings kaya ano itong nangyayari?! Oh gosh! This has to stop!
“Alison!"
"Justice!”
Dinig kong tawag ng dalawang boses sa pangalan naming dalawa ni Justice. Kaagad kaming napalingon sa mga tumawag sa amin at laking gulat ko nang makita ko sina Belle at Aome na naglalakad palapit sa amin.
“What hell happened to you?” tanong ni Belle.
“Anong nangyari sa 'yo?” tanong naman ni Aome kay Justice.
“Aome?” I called out her name at mabilis niya akong nilingon. Her reaction is evident enough to prove that she’s surprised to see me and Belle right now.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Justice na parang naguguluhan sa nangyayari.
I smiled at them as I came to realize what's going on. What a sweet coincidence indeed.