“WHAT'S up?" Clarkson and Belle answered simultaneously on the other line.
“Let’s meet at our headquarters,” sabi ko. “I’m on my way there kaya pumunta kayong dalawa!”
“Okay."
I ended the call then stepped on the gas. Hindi ko hahayaang matulad ako sa naging buhay nina Mommy at Daddy. Clarkson may be a jerk but he doesn’t deserve to be treated this way too. This stupid tradition has to stop and I will do everything to call this wedding off.
It was around 11 in the evening nang makarating ako sa special headquarters namin sa isang private property, under Belle's name. It was built for the three of us during times like this kaya feeling secret agents kami ngayon but It’s like a villa, to be exact. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali because what happened earlier was just too much to handle!
“Allie, kanina pa ako nahihilo sa kaiikot mo,” reklamo ni Belle na kasalukuyang busy na naman sa cellphone niya. She’s still wearing her red cocktail dress na suot niya pa kanina sa party na in-organized nina Mommy.
“I can’t believe this is happening!” I said hysterically. “I can’t marry Clarkson! Like, there’s no freaking way!”
“Hoy. Kung balak mong insultuhin ang kagwapuhan ko, p'wedeng doon ka sa hindi ko maririnig?" sabat naman ni Clarkson na gaya namin ni Belle ay nakasuot pa rin ng formal attire. He's still wearing a white tuxedo but his bow tie, a bit loosened.
Sandali akong napatingin kay Clarkson habang siya’y tulala lang sa kawalan. Well, inaamin ko naman na gwapo talaga ang impaktong 'to kaso—nevermind! Hindi ko talaga ma-take!
He might be one of my closest friends because we most likely grew up together pero hanggang ganoon lang iyon. I can’t even picture out having intimate moments with him—like, my god! Ang yuck lang talaga.
"Who would have known?"
"What?" Muli akong napatingin ulit kay Belle habang isa-isa niyang tinatanggal ang suot na hairpins. Nagsimula nang tumaas ang kilay ko sa tagal niyang sumagot. "What were you talking about?"
"Wala naman," she said after shrugging. "I just remembered saying na tigilan niyo na ang kakaaway niyo dahil baka kayo ang itadhana sa isa't isa. Pretty awesome, right?"
Napanganga ako sa naging paliwanag ni Belle. Sa sobrang daming alam ng babaeng 'to, minsan ang sarap na rin niyang saktan.
Kaasar!
“So ano'ng plano ninyo?” Belle asked. “Ako ang bridesmaid ha—”
“Shut up!"
"Sige ba!”
Clarkson and I both said at the same time. Salubong na ang dalawang kilay ko but they even dared to burst into laughter na parang tuwang-tuwa pa sa nangyayari ngayon. Kumuha ako ng unan at marahas na ibinato iyon sa walangyang Clarkson.
“Bakit parang tuwang-tuwa ka pang hayop ka?!” reklamo ko. “Are you that happy na we're engaged? Masyado kang sinuswerte!”
Sapo ko ang aking noo habang panay ang lakad ko pabalik-balik. I didn’t mind whether I'm wearing my royal blue stilettos for six freaking hours now. Basta ang alam ko lang, sa mga oras na ito… walang mapaglagyan ang inis ko.
“Ako pa talaga ang sinuswerte?” confident na sagot ni Clarkson. “Halos magpatayan nga ang mga babae sa harap ko para lang mapunta sila sa kinalulugaran mo nga—”
“—At malapit na rin kitang mapatay kapag hindi ka tumahimik diyan!” I said after I threw him a sharp stare. Kaso ang gago, nakuha pang ngumisi.
Sa inis ko’y mabilis kong hinubad ang sapatos ko at ibinato sa kanya na kaagad naman niyang nasangga gamit ang unan na ibinato ko rin kanina. What’s more annoying was when he stick out his tongue at me.
Insolent bastard!
“If ever man na matuloy ang kasal niyong dalawa? I’m pretty sure na instead na honeymoon ang bagsakan niyo, magiging wrestling match ang endi—”
“Shut up, Belle!” I yelled to cut the hell she’s talking about. “There’s no way that’s going to happen!”
And again, nagtawanan na naman silang dalawa na parang mga tanga. Juice colored! Bakit ko ba naging kaibigan ang dalawang 'to?! Nakaka-stress ng beauty!
“So, ano ngang gusto mong mangyari?” Clarkson asked. “It’s such a waste though, hindi mo matitikman ang masarap kong katawa—f**k!”
“Tigilan mo akong impakto ka!” sigaw ko matapos sumugod sa kinauupuan ni Clarkson at tuhuran siya sa sikmura. I then stood up once again at nakuha ko pang ayusin ang dress kong medyo lukot na.
“Mas ayaw kong makasal sa 'yo,” pautal-utal na sagot ni Clarkson habang busy pa rin siyang hagurin ang masakit niyang tiyan. “Mahirap na, baka mapasama pa ako sa Battered Husbands' Club.”
Ano raw? Buttered husbands'? As in 'yung butter na nilalagay sa pagkain?
"Hoy, Salvador! Tigil-tigilan mo 'ko ng mga paandar mo kung ayaw mong gawin talaga kitang mantikilya!"
Sabay na napatingin sa isa't isa ang dalawa kaya naman mas lalong nalukot ang mukha ko. Why the heck are they looking at me like I said something stupid again?
"Gutom ka ba, Allie?" Belle asked nonchalantly.
"Battered kasi 'yon, Garcia! 'ba' hindi 'bu'. Kausapin mo nga 'yang kaibigan mo, Belle."
"Bahala kayo. Matatanda na kayong pareho."
I saw Belle shaking her head while Clarkson's laughing like an idiot. Matalim ko siyang binigyan ng tingin then raised my middle finger at him. Inirapan ko siya at muling naglakad-lakad para kalmahin ang aking sarili.
"Thanks a lot, guys! Ang laki ng naitutulong niyo sa problema ko ngayon."
"You're welcome," they both said at once.
What the heck?!
Oh great goodness! Kaibigan ko ba talaga ang dalawang 'to? Sobrang supportive nila, promise.
Hindi ko na sila pinansin pa at halip ay napapikit na lang ako sa sobrang inis. Kada maalala ko ang mga kaganapan kanina, hindi ko talaga maiwasan na hindi kilabutan. I mean, aware ako na disappointed si Dad sa akin because I’m stubborn at aware rin ang parents ni Clarkson na walang alam ang mokong na 'to kung hindi ang humarot kung kani-kanino.
But that doesn’t mean they have the right to decide this kind of matter for us! Tsaka isa pa, bakit of all people, ako talaga ang naisip nilang itali sa animal na 'to?
“Malas talaga ng susunod na official jowa ng lakaking ito.” Said my inner self na parang general reminder ng sinabi ko kanina lang sa party. Doon ko lang napagtanto na ako pala ang malas na magiging jowa—no, scratch that. Malas na fiancee, kung nagkataon!
“Nababaliw na yata sa saya,” rinig kong bulong ni Clarkson kay Belle dahilan para matalim ko silang balingan ng tingin.
“Ikaw ba naman ang mapapangasawa, talagang mababaliw na 'yan,” sagot naman ni Belle at nakuha pang lumapit kay Clarkson para bumulong din.
“Lakas niyo pa! Nakakahiya naman na nagbulungan kayo tapos naririnig ko naman, right? Mga peste!”
Tumagal pa ng ilang minuto ang tawanan ng dalawa kong pakawalang kaibigan bago kami pare-parehong napalingon sa cellphone ni Belle matapos nitong tumunog. She immediately grabbed it from the coffee table and smiled as if something great happened.
“Eureka!” she exclaimed. Nakuha niya pang tumayo at tumalon-talon na parang nanalo siya kung saan.
I frowned as I look at her. This is actually the first time na nakita kong magbigay ng ganitong reaction si Belle because she always acts so savage and cold at the same time. Maybe something great did happen?
“What’s up?” tanong ko. Sabay pa kaming lumapit ni Clarkson sa kanya para silipin ang nasa screen ng cellphone niya and I almost stumble down nang tumambad ang picture ng lalaking nagligtas sa akin kanina.
“He’s—wait, ano ngang pangalan niya?” I said, trying to recall this guy’s name inside my head. I can tell that I know him by just looking at his face but at the same time, I suck with names.
Well, sorry sila. Diyosa e.
“Justice Santiago,” anunsyo ni Belle which made Clarkson frown a little.
“Ayun! Justice ang name niya!” I said like I remembered something extraordinary pero kaagad din nawala ang tila excitement na naramdaman ko when I recalled his name.
Muli akong tumingin kay Belle na lumipat na ngayon sa screen ng laptop niya and she immediately flashed some information on the flat screen TV.
“Teka nga, ako lang ba ang walang alam dito?” naguguluhang tanong ni Clarkson. He even took off his coat and threw it on the couch bago kami binalingan ng tingin.
“Tulog pa more,” nang-aasar na sagot ni Belle kaya naman napatawa na lamang ako when I realized what she’s trying to imply. Muling namula ang tainga ni Clarkson sa ginawa naming pagtawa.
“I d-din't sleep! That scumbag threw his head on me!” he said, sounding so defensive. Napailing na lang kaming dalawa ni Belle at muling tumingin sa screen.
“So, anong meron and why are you stalking him—”
“FYI, Allie,” pagputol ni Belle sa sinasabi ko. “I am not stalking him for my own good. Instead, I have a proposal for the both of you.”
“I knew it!” sabi ni Clarkson. “I knew that you like me and you want to marry me by breaking off our engage—aww!”
“Stop assuming, Clark!” galit na sagot ni Belle na nagawa pang batuhin ng sapatos niya si Clarkson. Hindi ko alam kung matatawa ako o mayayamot sa dami ng commercials ng dalawang 'to.
“Stop beating around the bush and direct us to the point, Belle!” iritang sigaw ko which stopped them right away.
Napaupo si Clarkson sa couch na nasa tabi ko lamang habang ako'y kanina pa salubong ang kilay sa matinding pagka-irita. I hate waiting dahil hindi dapat binibitin sa kahit anumang bagay ang diyosang kagaya ko.
“Ang daming eksena ng feelingero mong fiancé, Allie,” aniya. “Ang sarap ipalamon sa alaga kong leon—”
“Eww lang, Belle! Even the word fiancé gives me goosebumps kaya don’t ever use that term!”
“Bakit ba masyado niyong kinakawawa ang gandang lalaki ko, ha? Inaano ko ba kayo?” ani Clarkson na abala pa rin sa tiyan niyang ilang sapak na yata ang inabot.
Kawawang nilalang—but, he deserves it.
“Anyway! Interesado ba kayong marinig ang proposal ko para matigil ang napipintong kasal niyo or not?” Belle interrupted. Muli kaming napatingin sa dako niya, pabalik sa screen ng TV.
“What’s the beef?” I asked, arms crossed and an eyebrow raised heavenwards.
Belle smiled at us then clicked something on her laptop to show us a picture of Justice and Aome. Pasimple kong sinilip ang reaction ni Clarkson and just like me, nakakunot din ang noo niya.
“In order to break the wedding, atleast one of you need someone to break it for you,” Belle said. “And when I say someone, I am referring to these two individuals. I believe sila ang makakatulong sa inyo.”
Kapwa kami napatingin ni Clarkson sa isa't isa, naguguluhan sa sinasabi ni Belle.