PROLOGUE

465 Words
Prologue "Hey, Gold bilisan mo naman," naiinip na tawag ng pansin sa kanya ni Silver. Naitirik naman niya ang mata niya sa pagiging mainipin ng kasama niya. Hindi naman ito ang nasa field nasa loob lang ito ng hide out nila at nakaharap sa monitor. Kung mainip naman ito kala mo naman kasama niya ngayon. "Nagugutom na ako Gold," reklamo pa nito sa kanya. Hindi nalang niya ito pinansin at pinagtuunan ng pansin ang kanina pa niya ginagawa. Itinapat niya ang stethoscope sa metal na pintuan ng safe na kanina pa niya inaalam ang code para mabuksan ito. ilang pihit pa sa safe lock nito bago nagbubunyi na nabuksan niya ang safe box. Bingo. Napangisi siya ng makita niya ang bugkos ng pera sa loob ng safe box na iyon. Maliksi at mabilis na isinilid niya ang lahat ng pera na naroon sa safety box. Wala siyang tinira na kahit ano maliban nalang sa mga titulo marahil ng mga lupa. Hindi naman kasi niya mapapakinabangan ang mga iyon kaya hindi na siya nag-aksaya ng panahon para doon. Matapos niyang malimas ang lahat ng salaping narooon, maingat ang bawat kilos niya na ibinalik lahat ng nagulo niyang kasangkapan doon sa kwartong pinanggalingan niya. parang walang nangyari na umalis siya sa lugar na iyon. Lahat ng CCTV camera ay alam niya kaya walang nakapansin sa kanyang pagpasok at paglabas ng naturang bahay. Maingat ang bawat galaw niya, sanay na sanay siya sa ganitong galawan. Nakatulong na din ang intense training niya noon sa dati niyang trabaho kaya banat ang kaniyang katawan sa ganitong trabaho. "Gold"tawag sa kanya ni Silver. "May visitor ka"dagdag pa nito. Nakuha nito ang atensyon niya, napamura siya ng marinig niya ang tunog ng sasakyan na kakatigil lang sa labas ng bahay. Dali-dali siyang naghanap ng matataguan niya ng makitang may nagbubukas na ng main door. Agad siyang nakapagtago sa isa sa mga malalaking kurtina doon sa sala. Nakikita niya sa pwesto niya ang bagong dating na lalaki na nag-sisimula ng maghubad ng damit nito habang naglalakad papuntang hagdan. "s**t!"mura ni Silver. Napakunot naman ang noo niya ng mapagmasdan ang mukha ng lalaki ng lumingon ito sa gawi niya. "Sino siya?"takang tanong ni Silver sa kanya. Hindi naman niya magawang magsalita ng makita niyang kaysa sa hagdan ito tumungo papunta na ito sa gawi kung saan siya nagtatago. Lalo tuloy niyang isiniksik ang katawan niya sa pinagtataguan niya. hindi naman siguro siya nito nakita sa pinagtataguan niya kasi maayos naman niyang naitago ang sarili niya. "Damn, nakalimutan na naman isarado ni Mang Isko ang bintana"narinig niyang bulong nito. Nagsara lang ito ng bintana bago muli bumalik sa plano nitong pag-akyat na sa ikalawang palapag. Pero ang laki ng naging epekto nito sa kanyang sistema. Napatulala na siya sa mukha ng lalaking ito. Ang gwapo!!!...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD