Chapter 12: Meet the family

1023 Words
Eucha "Okay." Sagot ko sa tanong ni Caleb. Pero sa totoo lang hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko. 'Nung isang araw lang sinabi niya, he wants to know me more. At ngayon naman ipapakilala niya ako sa family niya. Imagine that? Ganoon na 'yung level-ing namin. Meet the family na ang peg namin. Kahit ano'ng pakalma ang gawin ko sa sarili ko. Hindi talaga mawala ang aking kaba. Ano kaya ang sasabihin ng family niya sa akin? Magustuhan kaya nila ako? 'Yung daddy niya may-ari ng isang electronic company. 'Yung mommy niya naman may sariling boutigue. At 'yung nag-iisa niyang kapatid na babae nag-aaral ng college sa isang prestigious na University dito sa San Diego. 'Di ba, nakakalula 'yung family niya. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Hay... Bahala na. Sabi naman niya 'wag akong mag-alala, eh. Sana lang 'wag akong pumalpak. Nakita ko na ipinasok niya ang kotse niya sa isang malaking bakuran. And, Oh my G! ang laki ng bahay nila. Rich kid nga ang mokong. Lalo akong kinabahan nang makita ko ang bahay nila. "We are here," nakangiti na sabi ni Caleb. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "T-thank you," I said to him. Inalalayan niya akong makababa ng kotse. "Hey! Ang lamig ng kamay mo, ah. Still nervous?" Natatawang tanong ni Caleb ng mahawakan nito ang kamay ko. "Tse! Pinagtatawanan mo pa ko! Kinakabahan na nga ako, eh." Nakangusong reklamo ko sa kaniya. "Sabi ko naman sa'yo 'di ba? 'Wag kang kabahan. Hindi sila nangangain, nangangagat lang," he said. Sabay tawa nito. Hinampas ko siya sa braso. Nakuha pa niyang magbiro samantalang sobra na nga ang kaba ko. "Nakakainis ka! Alam mo 'yun?" Sarcastic na tanong ko sa kaniya. "Relax, okay? I'm here. Hindi kita pababayaan." He look straight to my eyes and smiled sabay pisil sa kamay ko na hawak niya. Oh, my G! Super kinilig naman ako. "O-Okay. Sabi mo, eh." 'Yun na lang ang nasabi ko. "Let's go." Hinila niya na ako papasok sa bahay nila. Kung maganda sa labas, lalo na sa loob. Sa dinning area na kami dumiretso. Nandoon na kasi ang family niya sabi ng maid nila. 'Di ba sosyal? May maid. Lalong dumoble ang kaba ko habang palapit kami roon. Buti na lang hindi niya binitawan ang kamay ko. When we reach that place, kung nasaan ang family niya, sabay-sabay na napatingin sa amin ang family niya na nakaupo na sa dinning table. "Kuya!" Nakangiting lumapit sa amin ang kapatid niya. At humalik sa pisngi ni Caleb. "G-Goodevening po." Nahihiyang bati ko sa kanila. "Mom, Dad, Catherine, this is Eucharist," pakilala ni Caleb sa akin sa family niya. "Goodevening, Eucharist. Have a seat," nakangiting sabi ng Mommy niya. "Salamat po," Ipinaghila ako ni Caleb ng upuan sa tabi ni Catherine. Gentleman "Thanks," I said to him. "You're welcome." Then umupo na ito sa tabi ko. "Feel at home, hija. 'Wag kang mailang sa amin, okay?" Caleb's dad said, smiling. Hindi naman pala ito nakakatakot. "Opo. Salamat po," I response to his dad. Kahit paano nabawasan na ang kaba ko. Mababait naman pala sila. "Ate Eucha, 'wag kang mahiya, ha. Kain lang ng kain. Si mommy ang nagluto niyan," Catherine said to me. "Okay." I smiled at her. "Ang sarap niyo po pa lang magluto, Tita. Buti po hindi tumataba sila Catherine." Komento ko pagkatapos kong matikman ang pagkain. At ease na ako sa kanila after a while. "Mabilis kasi ang metabolism namin kaya hindi kami tumataba," sagot ni Caleb sa sinabi ko. "Mukhang magkakasundo kayo ng asawa ko, hija. Dahil pinuri mo ang luto niya," Caleb's dad said, nakangiti ito."Totoo naman po kasi. Pasensya na po naparami na ang kain ko," nahihiyang wika ko. Hindi ko napigilan ang katakawan ko dahil sa sarap ng luto ng Mommy ni Caleb. Nakakahiya tuloy. "It's okay, hija. Natutuwa nga ako sa'yo kasi wala kang arte sa pagkain," nakangiti rin na sabi ng Mommy ni Caleb. "Ayaw ni Mommy sa babaeng masyadong concious sa figure," bulong sa akin ni Caleb. "I see," pabulong din na sambit ko. Habang kumakain, marami kaming napag-usapan ng family ni Caleb. Nakakatuwa. Mababait naman pala sila at masayang kausap. Hindi sila nakaka-intimidate tulad ng inaakala ko. Hindi sila matapobre tulad ng ibang mayayaman. Nag-kwentuhan pa kami at nag-coffee sa garden ng Mommy niya at ni Catherine after ng dinner. Nagpaalam na rin ako sa kanila after a while. Dahil baka umusok ang ilong ng bestfriend ko kapag hindi ako umuwi sa oras na napag-usapan namin. I really enjoyed meeting Caleb's family. Caleb Obviously, my family seems to like Eucha. And I'm so happy because of that. Maybe because she is true to herself. Hindi maarte at hindi nagpre-pretend. Kaya nagustuhan siya nila Mommy. And I like the fact na nag-enjoy din siya sa dinner with my family. Madali siyang nakapag-adjust at naging komportable. Unlike 'nung pagkarating namin sa bahay na mukha siyang kinakabahan. Hinatid ko na siya sa oras na napag-usapan nila ng asungot niyang bestfriend na si Enzo. "We're here na. Thanks sa dinner with your family, ha. Thanks din sa paghatid," Eucha said to me, pagka-park ko ng kotse sa tapat ng gate ng bahay ng girlfriend ng bestfriend niya. "You're always welcome. Salamat din. I enjoy this night," I said to her. "Ako rin, I enjoy the food. Goodnight," Eucha said. She is about to open the door pero pinigilan ko siya. "Wait!" Mabilis akong lumabas ng kotse and open the door for her. "Naks! Gentleman, ah," nakangiting sabi nito pagkababa ng kotse. "Again, salamat. Pasok na ko, ha. Baka hinihintay na ako ni tatay Enzo. Ingat sa pag-uwi." "I will," Papasok na siya ng gate nang bigla ko siyang pinigilan sa braso. "Goodnight." And I kiss her cheek. "Dream of me." Saka ako nagmamadaling sumakay ng kotse ko at umalis. I can see her sa side mirror ng kotse. She is still standing there habang nakahawak sa pisngi niya na hinalikan ko. Napangiti ako. She's so cute. Hindi mawala ang ngiti ko hanggang makauwi ako ng bahay namin. And surely I will dream of her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD