Eucha Wala siya? Hindi rin yata siya pupunta rito sa shop ngayon. Kahapon hindi rin siya pumunta. Tapos kagabi, nakatulugan ko na ang paghihintay sa tawag niya. Usually nauuna siya sa akin dito sa shop kapag hindi niya ako nasusundo sa bahay. Pero ngayon, hindi niya na ako sinundo, wala pa siya rito. Sinusukuan niya na kaya ako? Baka nagsasawa na siya sa kakasuyo niya sa akin. O, baka may nakilala na siyang iba. Hindi pwede! Bakit ka pa kasi nagpakipot, Eucha! Ayan tuloy baka napagod na sa paghihintay sa'yo si Caleb. I need to do something. Hindi ako papayag na masayang 'yung second chance namin. I dialed his number. Pero hindi niya sinasagot. Nakakainis naman, eh! Puntahan ko na lang kaya siya sa condo ni Enzo? Aayain ko siyang lumabas. Tapos sabihin ko na kami na ulit. Haist!

