NAALIMPUNGATAN ng gising si Anya kinabukasan nang maramdaman niya ang mabigat na brasong nakayakap sa kaniyang katawan. Paglinga niya ay, nasaksihan niya ang maamong mukha ng binata. Payapa itong natutulog. Nang ibaba niya ang tingin, nakadantay sa hita niya ang binti nito.
Pinamulahan siya ng mukha. Sarap na sarap sa tulog nito ang binata habang siya ay masakit ang buong katawan. Nang akma niyang ilayo rito ang sarili, pansin niya ang paggalaw ng mga namumutok sa masel nitong braso.
Bahagya siyang napalunok. Makailang beses na niyang binabalik-balikan ang kaanyuan ng katabi.
Napaka-perpekto ng mukha nito, na para bang nililok ang mga iyon. Mula sa makakapal nitong kulay itim na kilay, matangos na ilong, maging ang pilik-mata nito. Manipis din ang namumulang labi nito.
Napalunok si Anya, kagat-labi niyang hinagod ang labi ng binata na hindi lumalapat ang kaniyang daliri.
“Done examining me? Gusto mo yata akong lunukin ng buo, Miss?” nakangising anito.
Gulat at halos takasan ng kaniyang kaluluwa si Anya sa biglaang pagsalita ng binata. Nakasilay sa labi nito ang nakakalokong ngiti.
“Gi-gising ka na pala,” pautal niyang sabi at kaagad na iniwas ang titig mula rito.
Inalis ng binata ang braso mula sa pagyakap sa kaniya. Bumangon ito. Akala niya ay tuluyan itong aalis ngunit, nagulat na lang siya nang kapain nito ang kaniyang noo.
“Mabuti naman at nawala ang sinat mo. You made me worried,” sambit nito.
Saka niya lang napagtantong nakapagbihis na pala ito ng damit. Isang manipis na puting sando ang suot nito at black pants na sigurado siyang ito ang suot nito kagabi. Pagsilip niya sa kaniyang kabuoan. Isang makapal na bathrob ang kanyang suot.
“Sinuotan mo ako? Ba-bakit hindi ko alam?” wala sa sariling naitanong niya rito.
Ngumiti ang binata, aliw na aliw ito sa naging reaksyon niya.
“It was your first time, and I'm responsible for it. Alam kong hindi mo rin maintindihan ang mga sinasabi ko,”
“Ha?” takang sabi niya.
Lumapit ito sa kaniya, at muli itong tumabi.
“Nilagnat ka dahil, ginalaw kita, you know, akala ko kasi. . .kaya mo,” nakangising anito.
Pinamulahan ng mukha si Anya, para bang nanayo ang kaniyang mga balahibo. Bumalik sa isipan niya ang ilang kaganapan kagabi bago siya mawalan ng malay.
Habang inaangkin kasi siya ni Dark ay hindi niya nakayanan pa ang ginawa nito. Pagkatapos nilang pagsaluhan ang kakaibang ligaya, ilang minuto ang nagdaan, nagkasinat siya pagkatapos, at nanginig ang kaniyang buong katawan. Naalala pa niyang, ibinababad siya nito sa malamig na bathtub nang sa gayon ay humupa ang lagnat niya.
Nakaramdam ng hiya sa pagkakataong iyon si Anya. Mas gugustuhin na lamang niyang mawala na parang bula.
“Hindi na ba masakit?” usisa nito at bakas sa boses ng binata ang pag-aalala nito.
“Ang alin?” patay-malisya niyang naitanong.
Hindi kumibo ang binata. Humakbang ito at kinuha ang wallet nito ay may kinuha ito mula roon.
“Call me at this number. Ngayong, okay ka. I will leave you, ipasusundo kita.”
Napaawang ang labing sinundan ng tingin ni Anya ang binata. Sinuot ng binata ang black suit nitong suot.
Hindi na siya nag-usisa pa. Buong akala niya kasi ay matutulungan siya ng binata na ilayo sa impyernong lugar na ito kapag maibigay na nito ang sarili. Mukhang, nagkakamali pala siya nang inaakala. Dahil, sa mga katanungan sa kaniyang isipan ay mabilis niyang ikinubli ang papatak na sanang luha nang lapitan siya ng binata.
“It's a pleasure to be with you, Anya Suarez. I'm sorry, I need to work. Hihintayin kita sa bahay,” nakangiting anito.
Hindi alam ni Anya kung ano ang magiging reaksyon. Na para bang, pinaghalo ng tuwa at pagkalito. Ang panghuli lamang ang naiintidihan niya, ang iba pang sinabi ng binata ay lumagpas lamang sa kaniyang pandinig. Hindi niya kasi maintindihan ang sinasabi nito.
Subalit, ang pinagtataka niya ay kung bakit, alam ng binata ang buo niyang pagkatao. Sa pagkakatanda niya ay, inilihim ni Madam RR ang totoo niyang katauhan.
SA KABILANG BANDA.
Kuyom ang kamao, hinawakan at itinago ni Demon ang magnum kwarenta’y singko nitong baril mula sa ilalim ng kanyang suot na damit. Suot niya ang Italian gray suit na pinaresan niya ng brown cognac shoes. Bahagya niyang tinitigan ang pambisig relos.
Inutusan siya ng kapatid na makipagkita sa matandang japanese. Ang balak niyang mag-stay sa probinsya ay hindi natuloy.
He waited about 2 minutes before going out of his audi. Siniguro niya rin na naroon nga sa loob ang matanda mula sa tulong ni Azul dahil, sa tracking device nito.
Mister Akuzama is a japanese samurai leader at tinaguriang mafia boss sa bansa nito. May katandaan man ngunit, makikita sa mukha nito ang bagsik at katapangan.
“Mister Dark Silvestre, I'm glad that you’re here!” salubong sa kaniya ng matanda na sa pagkakalam nitong siya ay si Dark.
Well, Dark is influential businessman, tanyag ang pangalan nito sa lahat ngunit, hindi pa naisapubliko ang kaniyang mukha.
Kundi kasi siya ang nakikipagkita sa mga kaalyado nila ay sila naman ni Azul minsan ang nagkukunwari bilang Dark. Ginagamit nila ang ngalan ni Dark para sa organisasyon.
“Please, have a seat Mister Silvestre.”
Sumunod siya at naupo sa kabilang upuan. Nakapatong sa ibabaw ng glass table ang attach case. When hearing the beep of his earpiece, senyales na itapat niya ang relos para mas makita ito ni Azul para i-scan ang laman niyon. Nang makumpirmi ng huli ay tuloy ang kasunduan.
Nakita ni Demon kung paano siya pinasidahan ng tingin ng mga tauhan ng matanda. Hindi siya dapat makampante dahil, tuso ang matandang kaharap.
“I move to Hong Kong by this weekends, I hope to see you again before I leave, Mister Silvestre,” anang matanda, bagamat nakangiti ito ay hindi inalis ni Demon ang tingin sa kamay ng matanda.
Nasa gilid kasi ng matanda ang samurai nito na naka-display lamang.
“Sure, I will be, Mister Akuzama. Anytime, I’ll meet you!”
“Here are the documents you need. Your grandfather is my best friend, so I hope we can get along.”
Inilapit ng matanda kay Demon ang attach case bagay na ikinangiti niya rito ng tipid saka sinundan ito nang tingin. Lumapit ang lalaking blonde ang buhok. Binuksan niya ito bagay para makita niya ang laman niyon.
Malaking halaga ng pera kalakip ang dokumento at ang snake symbol ng The Shadow—titulo ng organisasyong hawak ni Gildo Silvestre, lolo niya.
Demon swallow hard, pakiramdam niya ay dumoble ang kabang naramdaman niya sa puso, dahil baka mabuko siya ng matanda.
“It’s safe, Dem. Na-scan ko na, we will wait for you at the headquarters,” boses ni Azul mula sa earpiece.
“Thank you Mister Akuzama,” tanging tugon niya rito.
“Anata no ojīchan wa yoi yūjin'nanode, watashi mo minasan no iken ni dōi shimasu. Sore dakedesu, watashitachi wa nidoto hanasu koto wa arimasendeshita,”
(“Mabuting kaibigan ang iyong Lolo, kaya kasundo ko sa lahat. Iyon nga lang, hindi na kami nagkausap pang muli,”)
“Akuzama-san, oai dekite ureshii desu. Kitto ojiichan mo watashitachi no aeru koto o yorokobu deshō,”
(“Nagagalak akong makilala kayo Mister Akuzama, nakasisiguro akong masisiyahan ang lolo sa pagkikita natin ito.”)
Dahil sa sinagot niya ay namangha ang matanda.
“Great! You're good at Japanese, Mr. Silvestre. I'm glad to be talking with you..”
Ngumiti siya rito at yumuko bilang paggalang. Nasundan niya ng tingin ang inilapit ng matanda. Isang lumang larawan ng mag-asawa na may kargang batang babae ang babaeng nasa larawan.
“Can I ask a favour?” Pakiusap ng matanda.
Tinitigan niya muna ito, kabakasan ng lungkot ang mga mata ng matanda.
“What is it, Mister Akuzama?” Nag-aalangan man ay naitanong niya.
"Could you please help me find this young girl in the photo? She's my granddaughter, and she has been missing since she was eight years old. Her mother was a Filipina, and the gentleman in the picture is my son. He's been in a coma since the accident happened a year ago. I'm finding it challenging to manage everything as I'm getting older."
“I will Mister Akuzama, I'll find her for you,” Demon promised in his sincere voice.
Nakipagkamay sa kaniya ang matanda at gumuhit sa mukha nito ang kagalakan mula sa sinabi niya at pinangako.
SAMANTALA, ingat na ingat si Anya mula sa kaniyang paghakbang. Pakiramdam niya kasi, maling galaw na gagawin niya ay sasakit iyon.
“Masakit ba talaga?” naulinagan niyang usisa ni Merry.
Iniwas niyang mapatitig dito. Alam niyang pagtatawanan lamang siya nito.
“Masasanay ka rin, Anya. First time mo kasi, kaya ganyan. Pero noong akin, hindi ko naranasan ’yan.”
Nag-angat ng mukha si Anya. “Bakit? Bakit sa akin masakit?” takang tanong niya rito.
Humagalpak ng tawa si Merry. “Kasi nga malaki! Siguro, ganito kalaki ano?” usisa ni Merry sabay sinukat ang kamay hanggang siko.
Pinamulahan ng mukha si Anya. Bigla siyang nahiya.
“Sobra ka naman, Merry. Hindi naman ganyan kalaki, ah!” Depensa niya at saka iniiwas dito ang tingin.
Namilog ang bibig ni Merry, kalaunan ay tumawa ito sabay sinusundot siya sa kaniyang tagiliran.
“Uy! Alam niya,” pilya nitong sabi. “Sabi ko na nga ba, tiyak na paika-ika ka pagkatapos. Pero ang swerte mo ha? Sa halagang 300 million, sold ka kaagad.”
Kunot-noo, hindi naintindihan ni Anya ang sinabi nito.
“Ang dami mong alam,” sambit niya at sinubo ang prutas na dala ng babae.
Ilang saglit ay bumukas ang pintuan ng kwarto nila. Iniluwa niyon mula roon si Madam RR. As usual, napaka-elegante ng suot nito, mula sa mamahaling alahas at magandang damit.
“Oh, Anya! Bilisan mo nang ligpitin iyang mga gamit mo. May naghihintay na sayo sa labas!” abiso nito.
Umaliwalas ang mukha ni Anya. Sa pag-aakalang, ang tiyahin niya ang naghihintay.
“Si Tiyang Marites po ba?” tanong niya rito.
Umangat ang kilay na tumitig sa kaniya ang kausap.
“Hindi! Kaya, huwag ka nang magtanong pa. Bilisan mo!” Utos nito saka ito tumalikod at naglakad palabas.
Nagkatinginan silang dalawa ni Merry. Tinulungan siya nitong magligpit ng mga damit niya. Ramdam niya ang pananahimik nito bagay na ikinangiti niya rito.
“Aalis ka na pala, buti ka pa. Samantalang ako, nakakulong pa rin sa impyernong lugar na ’to,” nanubig ang matang ani Merry.
Yumakap dito si Anya, “Pangako, babalikan kita, Merry.”
Pumatak ang luha nito, “Mag-iingat ka kung saang lugar ka pupunta, Anya.”
Tanging pagtango lang din ang itinugon ni Anya sa kaibigan, yumakap siya nang mahigpit pagkatapos ay humiwalay din.
Isang lalaki ang nabungaran ni Anya paglabas niya sa club. Bitbit niya ang hindi kalakihang bag nang kaagad na lumapit sa kaniya ang gwapong lalaki, kung hindi siya nagkakamali. Hindi nalalayo ang edad nito kay Dark Silvestre.
“Akin na, ako na ang magdadala ng mga ito,” sabi nito nang kinuha nito mula sa kaniya ang bitbit na bag.
Nag-aalangan at nahihiya siya sa mga oras na iyon bagay na ikinayuko niya ng ulo.
“Come, get inside!” Utos nito sa kaniya.
Nilaro-laro niya ang kaniyang mga daliri. Dala marahil ng kaba at nerbyos niya.
“Don't worry, ihahatid kita sa bahay ni Dark. Siya rin ang nagsabi na hindi ka dapat hawakan ni tingnan.”
Para bang napipi si Anya pagkarinig niya sa binigkas ng binata. Pansin niya ang nakakalokong ngiti ng kausap. Nang ilahad ng binata ang kamay nito para pumasok siya sa loob ng sasakyan ay hindi na siya nagpakipot pa.
Hindi kumibo si Anya sa loob ng sasakyan. Natatakot siyang magsalita. Magaan man ang loob niya sa lalaking ito pero hindi niya magawang magtanong. Alam niyang wala siya sa posisyong iyon.
“Anya, right?” usisa nito sa kaniya.
Bahagyang natigilan si Anya bago sumagot, “Oo,” tipid niyang sagot dito.
Sumulyap mula sa salamin sa harap nito ang binata, habang nakangiti ito.
“Huwag kang matakot. Ako si Azul Cartel, kaibigan ako ni Dark,” pakilala nito.
Tango at ngiting tipid ang sinukli ni Anya. Wala siyang alam na salita kung ano ang dapat sabihin dito.
“Siguro, nagtataka ka kung bakit ka pinapasundo ni Dark?”
Saglit siyang natigilan. Gusto niyang malaman din sa lalaki kung nasaan si Dark.
“May importanteng pinuntahan si Dark, Miss Anya. Later on, uuwi iyon kapag nalaman niyang kasama na kita.”
“Sa-salamat. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman. Pero, masaya ako. Iniligtas ako ni sir Dark sa trabaho na iyon.”
Kaagad siyang yumuko upang itago ang mukha. Nangingilid na naman kasi ang luha sa kaniyang mga mata.
Hindi na nagsalita pa ang binata. Nakikiramdam na lamang ito at itinuon sa daan ang paningin.
Ilang minuto ang itinagal, narating nila ng lalaki ang destinasyon. Sa isang malawak na Villa na kung saan, tanging mayayaman lamang ang puwedeng tumira sa ganoong kalaking bahay.
Ginarahe ng nagpakilalang Azul ang sasakyan nito. Lumabas ito ng sasakyan pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pintuan.
Halos malaglag ang panga ni Anya dahil, sa nakita. Kung ikukumpara kasi sa mansion ay kabilang na ang bahay na iyon.
“Nasaan po ba tayo?” takang usisa niya sa lalaki.
“Sa bahay ni Dark,” tipid na ngiting sagot nito.
Inilabas ng lalaki ang bag niya mula sa compartment ng sasakyan nito at walang sabi-sabing binitbit ito. Sinundan niya ang binata nang humakbang ito papasok sa loob ng bahay.
“Dito na rin ang magiging tahanan mo, Anya.”
Nahinto mula sa paghakbang si Anya. Seryoso ang tono ng binata at sigurado siya, hindi ito nagbibiro.
“Pe-pero, bakit po?” wala sa sariling naitanong niya.
Natawa ang binata, nagkibit-balikat ito. Inilagay din nito sa malaking sofa ang bag niya.
“Maupo ka, hintayin mo na lang si Dark, siya ang dapat na magpaliwanag sayo ng lahat.”
Lutang na naupo na lamang si Anya sa sofa. Dahil, sa lambot niyon ay siya rin ikinagulat niya.
“Maiwan na muna kita—oh! Before I leave, nagbilin si Dark, hintayin mo raw siya hanggang makauwi mamaya,” nakangising habilin nito sabay kinindatan siya.
Nakatulalang sinundan niya lamang ng tingin ang papalayong binata. Nilingon niya ang kanyang bag, saka nilibot ng tingin ang buong kabahayan. Mukhang, maliligaw siya oras na pasyalan niya ang bawat sulok niyon.