Steffi’s P.O.V: Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagbangon ko’y tulog pa rin ang mga kasamahan ko. Naghilamos na muna ako bago ko napagdesisyong lumabas. Pagkalabas ko’y sakto namang paglabas ni Yohan sa kanilang kwarto. “Good morning,” I greeted him. He smiled and greeted back. Sabay na kaming umalis sa hotel. We decided kasi na magpahangin na lang muna sa labas. Alas sais pa lang naman ng umaga, puwede pang tumambay sa labas dahil hindi pa gaanong mainit. Nag-shorts lang ako at sando, at pinatungan ng cardigan ko. Si Yohan naman ay naka-short lang din at white sando. Naglakad-lakad na lang din kami sa tabi ng dagat. Wala pa masyadong tao sa paligid dahil siguro umaga pa. Wala kaming ibang ginawa ni Yohan kundi ang magkuwentuhan ng kung anu-ano. He’s even sharing his plans to m

