Steffi's P.O.V: Nang umalis ang babae kasama si Lucas—isa sa mga bellboy namin, ay saka ako kinausap ni Yohan. "Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong niya. "I'm fine," sagot ko. Miski sina Kyla at Nathan ay nandito pa rin at hindi umalis. Si Dad naman ang lumapit sa akin, dahilan para bitawan ako ni Yohan. "Are you okay, iha?" he asked. I nodded at him. "T-thank you, s-sir." "No need thank me. Kahit sino naman ay gagawin 'yon. Hindi niya dapat ginagawa 'yon sa inyo porket empleyado lang kayo rito. Kung anak lang kita, baka mas matindi pa roon ang gagawin ko sa babae." I smiled at him. "Ang swerte po ng anak niyo." Tinapik niya ang balikat ko. "You remind me of her." Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay parang nawalan ako ng gana. Gusto kong mapag-isa. Nagpaalam

