Steffi's P.O.V: Hanggang sa maghapon at matapos na ang trabaho namin ay hindi pa rin ako kinakausap ni Yohan. Pati Nathan ay halatang badtrip. Si Kyla naman ay tanong nang tanong sa akin kung anong nangyari sa dalawa. Aba'y ewan ko sa kanila. Parang mga bata. Hanggang sa paalis na kami ng hotel ay hindi pa rin ako kinakausap ni Yohan. Tahimik lang siya. Ni hindi niya ako binalingan ng atensyon niya. Nang hindi na ako makatiis ay hinarangan ko siya sa daan. "Stop," I said. "What's your problem, huh?" Nanatiling seryoso ang tingin niya sa akin. "Wala naman. Bakit?" Humalukipkip ako sa harap niya saka tinaasan siya ng kilay. "Ba't hindi mo ako pinapansin? May nagawa ba ako sa'yo?" "Wala nga. Halika na." Hinawakan niya ako sa wrist just like he used to saka ako hinila. Nagmatigas ako't

