Steffi's P.O.V: "Salamat, iha. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko," aniya. "No worries, sir." Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. I really felt bad about how I treated them before. Tama nga ang sabi ni Yohan sa akin noon, I am selfish. I only validated my feelings. I only think about myself. I am only thinking about how I've been hurt. Never did I ever think about other people. Sobrang selfish ko pala. Akala ko ako lang ang nasasaktan. Turns out, even my parents are struggling too. May mga pinagdadaanan din pala sila na pilit nilang tinatago sa akin to protect me, at para na rin hindi ako mag-alala. Lagi nila akong iniisip kahit nasa labas sila, pero ako, hindi ko sila kailanman inisip. Hinihiling ko pa nga na sana ay hindi na sila uuwi. Ang sama kong anak. Hindi na muna ako buma

