Naisipan ni Tristan na isama si Isabel, sa bahay ni don Alfonso. Napa ngiti ang don ng makita siya nito. " Kaya pala napaka agresibo ni Tristan mag punta ng u.s dahil maganda din naman pala itong si Isabel." Naka ngiti nitong wika saka inabot ang kamay nito sa kanya. Nahihiya siya sa sinabi nito. " Salamat po sir sa puri." At nakipag shake hands sa don " Kumusta kana hija? Na e kwento sa akin ni Tristan ang mga nangyayari Kumusta ka naman ngayon?" "Medjo okay okay napo ang pakiramdam ko sir." Naka ngiti niyang tugon dito. " Mabuti nman kung ganon, hali ka at ililibot kita sa bahay ko." " Ang laki naman po nitong bahay niyo sir, gustong gusto ko po ang arrangement niyo dito napaka luwang saka napa ka aliwalas. Parang naka peaceful po sa mata." Naka ngiti niyang puri ang malawak

