Parang bina-bagsakan ang ulo niya ng bato kinabukasan ng magising siya subrang sakit.
Naisipan niyang bumaba para mag coffee, baka sakaling gagaling ang kanyang pakiramdam.
“Good morning." Bati sa kanya ni James ng makita siya nito agad siyang pinag handa nito ng pag kain.
" How are you feeling today?"
" I feel so tired, like my body is so heavy I just want to sleep all day long." Tugon niya rito.
Hindi niya maintindihan ang kanyang naramdaman kay bigat bigat ng kanyang katawan.
Binilisan niyang matapos ang kanyang pag kain at bumalik sa pag tulog.
" Ano ba ang ng yayari sa akin bakit ba ako antok na antok?" Naguguluhan niyang tanong sa sarili. wala siyang nagawa kundi ang matulog buong araw.
Nagising siya sa tunog ng kanyang celphone.
" Hello Isabel." Masiglang bati sa kanya ng ate niya ng sagutin niya ang tawag nito.
" Ate, napatawag ka?"
" Isabel may ibabalita ako sa iyo, aalis ako pa puntang England." Naka ngiti nitong sabi. Napa balikwas siya ng bangon sa narinig.
" Anong gagawin mo roon?" Nagugulohan niyang tanong.
" Papupuntahin na ako don ng chatmate kong si Arnold." Masaya nitong sabi
" Ate, may chatmate kana, kakamatay lang ni kuya Ron ah." Kuntra niya sa sinabi dito.
" Isabel, walang magagawa ang pag luluksa ko sa pag kamatay ng kuya Ron mo, kailangan namin ma buhay ng mga anak ko." Wika nito sa kanya
" Sandali, si Ate ba ang kausap ko oh ang nanay ko? Para kasing si Inay ang kausap ko sa tuno ng pananalita mo."
"Isabel, supportahan mo nalang ako sa decision ko, si Inay nga masaya para sa akin." Naka ismid nitong wika sa kanya.
" Mabuti nga nagising na ang ate mo, at na isipan niyang mag amercano" Sabad ng kanyang ina. Napa ismid siya ng marinig ang ina.
" Paano ang mga anak mo ate, kung aalis ka?" Alala niyang tanong na hindi pinansin ang sinasabi ng ina.
" Si Inay na muna ang mag babantay, sabi din naman ni Arnold na kapag maging citizen na ako sa England kukunin namin ang mga anak ko." Nala ngiti nitong balita sa kanya.
" Sa ngayon kay inay na muna sila. Papadalhan nalang ng allowance si Inay para sa mga pamangkin mo." Pag papatuloy nito.
" Ate, sigurado kabang mabait yan si Arnold? Wag kana muna kayang sumama sa kanya ate, kilalanin mo kaya muna siya bago ka pumunta sa bansa nila." Kina kabahan siya para rito baka magaya ito sa kanya.
"Naku, Isabel hayaan muna ang ate mo sa decision niya, matanda na siya alam na niya ang gagawin niya. Diba anak? Baling nito kay Rosenda. At niyayakap ito ng mahigpit.
Naka ramdam siya ng kirot sa puso.
" Mabuti pa si ate nayakap ng inay, ako hito, parang namamalimos.” Naiingit niyang wika sa sarili.
Mula ng mag karoon ng foreigner ang ate niya, hindi na siya masyadong kinukulit ng ina.
Tila na baling na ang attention nito sa kanyang ate dahil papadalhan ito ng allowance. Paminsan minsan nalang itong tumawag sa kanya. Iki-natuwa naman niya. Naka pag pahinga na siya rito.
" Isabel, we go to shopping center, I want you to buy a nice clothes and also new underwears." Wika nito sa kanya ng wala itong trabaho parang naka ramdam ito ng boredom sa kanila.
" I dont need a new one.” Tanggi niya dito.
" No I want you to be happy, I want to treat you. please just dont say no." Pilit nito.
" Are you planning something?" Duda niyang tanong rito.
" No! I just want to treat you cause we been so good lately. I don’t see any problem with that." Seriouso nito sabi.
Napa isip siya matagal na siya dito pero hindi naman siya pinipilit o kinukulit na gawin uli ang ayaw niyang gawin. Kaya sumama na siya dito.
Subukan lang din nito lalayasan niya ito. Busy siyang namimili ng mga damit ng ma baling ang kanyang attention sa isang lalaking nakatayo sa di ka layuan na may hawak na celphone, tila may kausap ito.
"Tristan?" Na isambit niya.
" Ano naman ang gagawin non dito, wala naman yon pera hindi yon basta basta maka punta dito." Tanggi ng isip niya.
" Are you okay?” Tanong ni James ng makita siyang naka tulala.
“Yes Im okay.” Mahina niyang tugon rito.
Muling tumingin sa nakitang lalaking nakatayo. Ngunit hindi na niya ito nakita.
“Na mimiss ko lang siguro si Tristan kaya namamalik mata na ako.” Sa isip niya.
Sakali man mag kita sila, hindi na din siya sasama rito maayos na ang kanilang pag sasama ni James nakitaan niya ito ng pag babago, hindi na siya sinsaktan nito na kahit makipag talik dito na e video hindi na nito ginawa. Kaya comportable na siya.
“ Im so hungry.” Putol ni James sa kanyang pag iisip.
Inaya siya nito sa fastfood kumain. baka na mimiss na niya raw ito.
Agad naman siyang sumang-ayon.
Bago dumating ang kanilang order, nag papaalam si James na mag hugas ng kamay.
“ Sir, na ibigay kuna po ang pina bibigay niyo.” Wika ni Tristan sa ka usap.”
“ Magaling Tristan alam kung maasahan ka talaga, anyway nakita mo na ba ang hinahanap mo diyan sa America?” Tanong ng kanyang kausap sa kabilang linya
“Hindi pa nga po sir.” Malungkot niyang tugon. Sa laki ba ng America parang hirap siyang hanapin si Isabel. Pero kahit papaano hindi siya susuko hindi niya sasayangin ang pag kakataon na nasa America siya.
Hindi sinasadyang nagawi ang kanyang tingin sa inu-upuan ni Isabel.
Kumakabog ang kanyang dibdib sa tuwa ng makita ang babaeng sinadya niyang puntahan dito sa America.
“ Hello, Tristan?” Wika ng kausap niya sa kabilang linya ng natahimik siya.
“ Sir nakita kuna po ang hinahanap ko.” Masaya niyang balita at agad pinatay ang celphone.
Lalapitan sana niya si Isabel ngunit nakita niyang palabas ng toilet si James kaya bumalik siya sa kanyang inu-upoan.
Hindi niya inalis ang kanyang tingin sa mga ito.
“ Isabel nakita din kita.” Masaya niyang wika sa sarili.
“ Mabuti hindi ako na bigo sa kahilingan ko kay Don Alfonso na tulongan akong maka punta dito, hindi ko sasayangin itong pag kakataon.” Hindi ma alis sa kanyang labi ang mga ngiti.
“ Isabel, what do you want to do after here?” Tanong ni James habang kumakain sila.
“How about you, where do you want to go?”
“ Maybe lets just walk for a while." Wika nito sa kanya.
Sinang ayunan niya naman.
“Your mom did not bother us lately.” naka ngiti nitong wika.
“ Yeah! And Im glad for it, but I feel sorry for my sister.”
Alam niyang ito naman ang peperahan ng ina niya.
Biglang tumonog ang celphone ni James.
“ Speaking of the devil.” Wika nito ng makita ang number ng kanyang ina.
“ I should not mention her.” Naka ngiti nitong biro sa kanya.
Napa ngiti din siya sa turan nito.
“ James, is Isabel with you? I tried to call her but her phone is off.” Bungad ng ina ng sagutin ni James ang celphone.
“ Yes, shes her.” At inabot nito sa kanya ang celphone.
“ Nay, napatawag po kayo?”
“ Anak, kailangan ko ng pera, na deny ang visa ng ate mo. Hindi siya matutuloy sa pag punta ng U.k.”
Napa buntong hininga siya
“ Hito nanaman tayo.” Sa isip niya.
“ Ano naman po ang connection nay sa hiningi mong pera at sa pag deny ng visa ni ate?” Konot noo niyang tanong.
“ May babayaran akong utang anak. alam mo naman walang trabaho ang itay mo.” Wika nito
“ Nay, yon nga eh, walang trabaho pero lagi kayong nangungutang, yang utang niyo wala ng katapusan.”
“ Ilang beses napo kayong binigyan ni James ng pera sana ginamit niyo sa negosyo para may kita kayo araw araw.” Inis niyang tugon rito.
“ Sinusumbatan mo na ba ako ngayon Isabel? Porke ba maganda na ang buhay mo riyan sa ibang bansa, lumaki na ang ulo mo?” Galit na wika sa kanya ng ina.
“ Hindi ko naman po kayo sinusumbatan nay, ang sa akin lang po, sana pinahalagahan niyo po ang bigay ni James, kasi po kung pinag negosyo niyo po iyon hindi napo tayo sana hingi ng hingi kay James. Pinag hirapan po kasi yan ng tao nay.” Mahinahon niyang wika.
“ Isabel, pera ang hinihingi ko, hindi sermon.” Inis nitong wika sa kanya.
Hindi na siya nakipag talo pa rito. Pinatayan na niya ito ng celphone.
Hinawakan siya sa kamay ni James papuntang parking lot.
Kumikirot ang puso ni Tristan ng makita silang dalawa na para ba masaya.
“Hindi talaga kita susukoan Isabel.” Wika niya sa sarili habang naka sunod sa mga ito.