My abusive husband Episode 2

1449 Words
NAPAPADALAS ang pag papadala ni James ng pera. Hiyang hiya na siya sa ginagawa kanyang ng ina. "I am coming to the philippines to meet you next week." bungad ni James nang maka video call sila nito. Hindi siya natutuwa sa binabalita ni James dahil pipilitin nanaman siya ng kanyang ina pakasalan ito. "Isabel narinig mo yon?" Pupunta siya dito ng pinas para kitain ka" pukaw ng ina sa kanyang pananahimik. Hindi siya kumibo sa sinabi ng ina. MABILIS lumipas ang araw at ngayon ay ang araw na pagdating ng Amercano si James. " Ano kaya ang hitsura ni James?" excited na tanong ng kanyang ina habang nakaupo sila sa may arrival area hinihintay si James lumabas. Lumipas ang thirty minutes ay lumabas si James. Nagulat pa ito ng makita sila halos isang dosena sumundo sa airport. Nag arkila ang kanyang ina ng van at sinama nito ang kanilang mga kamag anak. Hindi inasahan ni James na ganon sila karami. "Oh, James I’m happy to see you." Masayang niyakap ng ina si James. " Emie, it's so nice to see you" nakangiti nitong sabi na ginantihan ang pagyakap nito. "If you didn't told me about your age, I would think that your just the same age of Isabel 20 years old. You look so young for 30 James." Bola nito sa kano. "Isabel, come," baling ng ina sa kanya. Nahihiya siyang lumapit dito, agad siyang niyakap ni James at hinalikan. "You look more beautiful in person Isabel" Puri nito sa kanya. Nginitian niya lamang ito. Kahit labag sa kanyang kalooban ay kailangan niyang pakisamahan si James kahit papaano hindi naman siya pinalaki na bastos. Inisip niya wala naman itong kasalanan para tratuhin niya ng masama. Dumeretso sila sa hotel mula sa airport, para maka pagpahinga si James. "Isabel samahan mo si James dito." pautos na sabi ng kanyang ina ng makarating sila sa loob ng hotel. " kailangan paba siyang samahan nay? Hindi ba pwedi sunduin nalang natin siya bukas dito?”!Angal niya sa sinabi ng ina. " Hindi iyan pwedi Isabel, hindi natin pwedi iwan mag isa si James rito bisita natin siya” "Dito na rin po kayo matulog nay samahan mo kami." "Hindi iyan pwedi Isabel ikaw ang sinadya ni James dito." Tanggi ng ina Napabusangot siyang umupo sa sofa. Mayamaya ay narinig niyang nagpaalam ang ina. " James, I have to go now, see you tomorrow" nakangiting sabi ni Emie. " Oh, okay Emie bye!" ani James na umupo sa gilid ng kama. Nangungusap ang kanyang mga mata nakatingin sa ina nakatayo sa may pintuan tinignan siya. " Nay, hindi ba talaga pwedi sumama nalang ako sayo?" aniya rito " Isabel, nag usap na tayo tungkol dito" anang ina pagka sabi niyon ay mabilis na itong lumabas. Naiwan siyang nakatunganga. Nangangatog ang mga tuhod niya kinakabahan na tanging sila lang dalawa ni James ang naiwan sa loob ng isang silid. Sumilip siya sa labas ng bintana madilim na saka niya lang nalamayan ang oras alas nueve na pala ng gabi. Humiga siya sa sofa. "Isabel what are you doing? Why are you sleeping on the couch?" Naka kunot noo tanong ni James sa kanya. Inangat niya ang kanyang ulo nakita niya si James nakaupo sa gilid ng kama naka tingin sa kanya "Is it okay if I just sleep here?" Pakiusap niya Ngumingiti itong tumango tango sa kanya. "Okay, if thats what you like." " Good night James" aniya saka muling humiga. MAAGA silang umalis ng hotel kinabukasan. Isinama niya si James pauwi sa kanila. " Oh so many people."Natatawang sabi ni James ng makita ang madaming tao sa labas ng kanilang bahay. Andon ang kanilang mga kamag anak at ang mga kapitbahay. Nag mistulang fiesta sa kanila dahil sa maraming pagkain na hinda ang kanyang ina. " Hello my friend!" Bati ng mga kapit bahay ni Isabel kay James. Tuwang tuwa naman si James sa pagiging friendly ng mga nandoon. "Kailan ang kasal?" Tanong ng amega ng kanyang ina. "James, when are you going to marry my daughter? " Tanong ng ina. Bigla siyang namutla sa narinig. Sinusubo siya ng kanyang ina kay James. Napa buntong hininga siya pag uugali ng kanyang ina. "Sooner or later." nakangiti nitong sagot . "Ano daw sabi niya?" tanong ng amega ng ina. " Did you bring your papers already?" Ang ina ulit. " Yes, my friend who is married to a pilipina had told me what to bring." Tumawa ang ina." You’re a boy scout James." Natatawa nitong sabi. " We will get Isabel papers ready also." Napa simangot siya sa turan ng ina. Na e arrange na siyang ipakasal rito. Napansin ng ina ang pag simangot niya. "Ano ba Isabel ngumitingiti ka naman diyan, baka isipin ng mga amega koy nag susuplada kana." Saway nito sa kanya. "Nay, alam niyo naman kayo lang po ang may gusto nito." Mahina niyang sabi. "Abay, Isabel wag mo akong ipapahiya sa mga kaibigan ko, lalong lalo na kay James." Inis nitong sabi sa kanya. "Are you okay Isabel." Tanong sa kanya ni James ng mapansin ang pag iba ng timpla nang kanyang mukha. "Yes I'm okay." Sagot niya na pilit ngumiti. Nakita niyang bumulong si James sa kanyang ina. "May sasabihin daw si James," Wika ng ina sa mga bisita. Tumahimik ang lahat at tumingin sa kanila habang nakatayo sa harapan ng mga ito. Lumuhod ito sa kanyang harapan at binuksan ang maliit na box na may laman singsing. " Isabel will you marry me?" Hindi niya alam ang mararamdaman ng mga sandaling iyon.Hindi niya alam paano ito sagutin “ Isn't to fast?" " Say yes Isabel!" Sigaw ng ina na halatang pigil ang galit. Gumaya na rin ang mga amega nito. “ Say yes, Isabel!” halos magka sabay na sigaw nang mga nandoon. Muli siyang tumingin sa ina. Halata sa mga mata nito ang galit. Gugulo ang kanilang Pamilya kong hindi siya papayag sa gusto nito. Humugot siya ng malalim na hininga. "Bahala na! Yes." Mahina niyang tugon. "She said yes!!" Ulit ni James habang nakatingin sa mga bisita at sa ina. Parang nanalo sa lottery ang kanyang ina sa narinig. Habang siya parang pinaparusahan. " Bahala na sasabay nalang ako sa agos ng aking buhay." bulong sa sarili. Panay halik sa kanya si James habang nasa byahe sila pabalik ng hotel. "JAMES our tradition here, is to marry first before sex." Aniya nang subukan siya nitong angkinin ng makarating sila sa hotel. Tumigil naman ito sa gina-gawa sa paghalik sa kanya. "Oh thats interesting" Nakangiti nitong sabi saka umalis sa tabi niya. " Matuturuan ko din siguro ang puso ko na mahalin siya." Aniya sa sarili ng makahiga siya sa sofa. NILAKAD nang ina ang kanyang papers, wala itong sinayang na oras. Dahil sa may dala na si James na birth certificate nito. Agad nilang pinuntahan ang american embassy para kumuha ng legal capacity agad naman nila itong nakuha. Madali nilang natapos ang kanilang mga papers naka attend na sila ng seminar matapos nila nakuha ang certififate ay agad nila itong ipinasa sa office ng judge. Araw nalang ang inantay nila para sa kanilang kasal. Habang hinantay nila ang araw na iyon ay nag punta sila ng palawan. " ALAM mo anak, kung hindi dahil kay James, hindi ko matitikman ang ganito ka gandang buhay." anitong nakahiga sa malambot na kama ng hotel ng makarating sila sa palawan. " Gusto ko talaga ang bakasyon na ito. Mayaman talaga si James yang mga kano hindi na uubusan ng pera." Nakangiti pa nitong sabi. Hindi na siya sumagot rito. Ang nanay na niya ang pinaka maraming alam. Wala siyang mapapala rito pagkukuntra siya. Ilang araw din ang nilagi nila sa palawan. " James, we will come back here after your wedding?” Untag ng ina kay James habang kumakain sila. Napapa iling siya rito. “ Si nanay talaga hindi nahihiya mag sabi kay James sa gusto niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD