Chapter 4: KEN'S ATTITUDE

2240 Words
Ken POV HAHAHAHA tuwang tuwa talaga ako pag naiinis ko sya, anyway nakaisip na ako ng paraan para bawian ang babaeng yun, akala nya ba nakalimutan kona yung tinawag tawag nya kaming bakla, osige lang nerd pakasaya kalang sa pang iinsulto samin dahil iiyak ka sa gagawin ko sayo HAHAHAA, Hinahamon nya ata kami, kung di lang talaga sya ang target ng grupo malamang nakawawa narin namin ito, Nakakaawa lang sya pag pinatulan namin HAHAHA! "master andiyan na siya" Sigaw ni jhon na nagmamasid hallway kung paparating na nga si juls "lagay niyo na!" Utos ko kay rome na ilagay na ang balat ng saging sa dadaanan ni juls, ng mailagay ay sumenyas na ayos na ang lahat. Pagpasok niya sa gate ay di nya nga nakita ang balat ng saging at nadulas nga siya, HAHAHA kawawang juls.. panigurado akong masakit ang balakang nya, tumama kase yung balakang nya sa sahig at tumalsik ang lahat ng librong dala niya, at ang lahat ng istudyanteng nakakita sa kanya ay tawa lang din ng tawa, habang siya? Ang sama ng tingin samin. "Hahahahahahah! Grabe ganyan kaba kalampa ha nerd hahahahaha" Tawa ko habang asar na nakatingin sa kanya. "Hahaahah, sayang naman di kapa nabagok Hahahahaa!" Singit pa ni gino na tumatawa din. Nagtatawanan lang kami, ang hallway ay napuno lang ng tawa ng mga istudyante sa paligid, Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at ang sama ng tingin samin, Wowww mukang papalag talaga to ha? Excitingggg! "Masaya na kayo don?" Walang imosyon tanong nya. Napatigil Lang ako sa pagtawa, hala kayo mukang seryoso sya ha? "Sobrang saya mo siguro no pag andami mong nasasaktan! tignan mo ngayon oh napaka saya mo! Happy fill mong manaket eh diba?... Oo nangyari nga yung gusto mo na ipahiya ako sa mga istudyante dito! Magaling kana ba don ha? Kala mo ba di kita papatulan porket natatakot sila sayo wala akong pakealam!!" Habang patagal ng patagal sya sa sinasabe nya ay tumaatas na ang boses nya, galet na galet talaga sya mga dude "Unang una di ka naman dios eh... so bakit kita kakatakutan? Ano masaya ka na? sikat ka sa university nato! Sumikat kalang naman dito dahil sa skandalo mo! Akala mo ba porket nerd ako di ako marunong lumaban? Di ako kagaya ng iniisip nyo na lampang nerd, Kasi kaya ko kayong labanan! Kahit ikaw!, Ikaw!, Ikaw!, ikaw!, at mas lalong ikaw!" Mas diniinan nya pa ang Pagduduro niya sakin ng maduro niya kaming lahat habang kami ay tahimik lang na nakatingin sa kanya "Oo mas lalong ikaw! di kita titigilan, Gusto mo ng laro?, Sige ibibigay ko sayo! Kung hindi mo ko titigilan! hindi rin kita titigilan, Para patas diba? Ang unfair Naman kung ikaw lang yung nakakalamang! Wag mong pairalin yang pera mo! Para magstay ka sa university nato ha?" Pinulot nya pa yung balat ng saging at muling bumaling sakin "alam gwapo ka sana e, Basura nga lang yung ugali mo!" At hindi nga ako nagkamali sa iniisip kong gawin nya, hinagis nya sakun yung balat ng saging "yan!! Basurang nabubulok!! Bagay kayooo!" Agad niyang pinulot yung mga libro niyang nagsipag talsikan at binangga kami para makadaan siya. Rinig ko pa ang bulungan ng mga istudyante sa mga nasaksihan nila.. 'Grabeee sya lang nakagawa nyan sa grupo nila ken... 'luh sana walang mangyaring masama sa kanya after niyang ipahiya ang fbad 'Grabe ang tapang nya naman para gawin yon! 'Mabuti lang yan sa kanila! Mukang makakahanap na ng katapat ang mga fbad Umalis nalang kami at nagtungo sa tambayan, biglang nag-init ang ulo at gusto ko nalang ipabugbug ang babaeng yon, pero di pwede... may araw din sya sakin. Julia POV Grabe yung inis ko sa lalaking yon! Dapat lang talagang ipahiya sya bwisit syaaaa! Nagpunta ako sa pinaka likod sa ng school, dun muna ako nag istambay, Nag palamig lang ako ng ulo naistress ako kanina, Kala naman nya porket nerd ako di ako marunong lumabannnn, Maya maya pa ay may bumigkas ng pangalan ko mula sa likuran ko. "Julss?" Mabilis ko namang nilingon kung sino at nakita ko ang mukha ni janna na nakangiti "Uhm janna? Bakit sinundan moko?" "Wala lang... napahanga mo lang ako kanina, hindi kanga talaga nag bibiro, pero sana walang mangyaring masama sayo, sure ako babawi sila, grabe napahiya mo sila kanina, Humanga ako sayo, Ikaw palang nakakagawa non sa kanilaaa Juls napakatapang mo mo para gawin yun" Seryoso? Ako lang talaga nakakagawa non sa kanila? karapat dapat lang yon sa mga walang respetong mga tao. "Alam mo kulang pa nga yon ei, Ansasama ng ugali nila, Di ako uto-uto at hindi rin ako easy to get, Talagang seryoso ako na ipamuka sa kanila na maling mali sila sa part na ako ang napili nilang pagtripan!" inis na sabi ko kay janna, kanina pa talaga kasi kumukulo dugo ko sa lalaking yon masyadong salot sa buhay ko! "pero mag-iingat kapa den ha?" Pagaalalang sabe sakin ni janna, naiintindihan ko sya kaya napangiti lang ako. "Di Naman ako takot mamatay e, tutal wala narin naman akong magulang, At wala ng dahilan para mabuhay ako, Kaya kung papatayin nila ako.. Gawin nila, Di yung tatakutin pa nila ako" "im so proud to having friend like you, ang tapang mo... sana ganyan din kalakas yung loob ko" Nakangiti nyang tugon sakin "Naniniwala ako sa kakayahan mo janna, hindi ka mahina yan ang laging isipin mo, wag kang magpapadala sa takot, basta sumabay kalang sa agos ng mundo, andito lang ako bilang kaibigan sasamahan kita sa lahat" Nakangiti kong sinabi sakaniya para kahit paano maniwala naman siya sa sarili, niyakap niya lang ako at sabay kaming natawa. Ken POV Nabwisit ako bigla sa babaeng yon ha? Napaka tapang niya naman para gantuhin yung grupo namin, pinahiya nya kami sa maraming istudyante Pwes! Pumunta kaming magkakaibigan sa lupang room, Tiritoryo na kasi namin yon. "Master? Napahiya Tayo kanina ha?" pikon na sabi ni Rome salin. "kaya nga ei, Imbis siya yung mapahiya binalik niya satin yung mali para tayo yung mapahiya sa maraming istudyante hindi rin pala matapang babaeng yon napaka gulang din, feeling ko sya na yung magiging mortal nating kaaway dito" inis na saad ni jhon at parang gusto ng tagain bigla si nerd HAHAHA "Alam mo master dapat dimo na kami pinipigilan ei, kating-kati nakong saktan yung babaeng yon! Namumuro na sya ha?" Nakataas ang boses ni clyde, talagang galet na galet sya kay nerd ha? "Chill lang kayo, Ang hard nyo masyado.. May plano nako, Pero kelangan ko ng tulong nyo" Chill kong sabe habang nakangisi "anything master! Basta masaktan lang yung babaeng yon magiging sobrang saya ko" biglang tawa pa ni clyde May naisip na kong plano, Babawi agad kami para masaya, Di makatarungan yung pinahiya nya kami, Kaya papahirapan ko sya.... Kinabukasan. Julia POV. Kinaumagahan ay pumasok na ako dala ang bike ko, lagi ko namang gamit yung bike nayun, sobrang importante nito sakin, Yan nalang ang nagiisang ala-ala na niwan ni mama bago sya mamatay kaya ganon kona lang yan iningatan, yung firstday ko lang naman pumasok di nagamet yan kasi talagang nagmamadali na ko, pero ngayun ginagamit kona sya.. So ito na nga nasa school nako, Pinark ko yung bike ko don sa parkingan ng mga motor at car, Ako lang naman tong mahirap at bike ang gamit ko, eh ano pake nila Mahalaga yan sakin eh, Iniwan ko yung bike ko don at pumasok na, Pagpasok ko sa room ay himala! Wala yung limang salot, nasan kaya yung mga yon, Diko nalang binigyan ng pansun at pumasok nanga yung first sub namin, Ilang oras lang ang lumipas ay mahaba haba na din ang naidiscuss ni maam ng dumating yung lima, Aba At ang mga bastos at tuloy tuloy lang pumasok, hindi man lang nanghingi ng sorry kay maam na late sila, Napaka walang manner talaga ng mga to!! "Boys ano bastusan lang? Saan kayo galing At ang haba na ng naidiscus ko ngayon lang kayo dumating!, napaka pabaya nyo talaga sa pagaaral nyo, Lalo kana kennn!" Sigaw ni maam judit sa mokong na yon buti nga sa kanya. "Pabaya na kung pabaya! eh ano namang pakealam mo ha? " Tumayo At tumingin ng masama kay maam "hoy ikaw, probelamahin mo yang pagtuturo mo wag mo kong pakealaman! Teacher kalang dito ha! wala kanang pake sa mga gusto kong gawin, Pakelamera karen eh no! Atchaka ano naman dyan sa tinuturo mo? Wala akong pake dyan ha! Nakakaboring ka kaya magturo!" Sabay upo ni ken na parang wala lang, kumakain panga sya ng gum e, ganon sya kabastos! "Bastos ka talagang bata ka! Nakoo!! Diko alam sa principal at baket hindi kapa ikick-out kick-out sa paaralan na to!! Nakakaistresss ka talaga kennn!" Sigaw ulet ni maam "Naiistres ka pala ei, bakit hindi ka pa umalis?Atchaka wag kana rin babalik dito sa section namin kasi wala kang kwentang magturo!" Sabay tawa nya pa, napaka walang manner naman ng taong to, ang sama ng tingin ko sa kanya ng mga oras na yun, samantalang naawa ako kay maam Judit. "Ahyyyyy!! Napaka walang galang mong bata ka!! Dyan na nga kayooo!" Galet na umalis si maam at di na nya naituloy pa ang pagtuturo. Napatingin lang sya sakin habang nakangiti at ako nakakunot noo akong napatingkn sa kanya, I really hate him!! "oh? Bakit ganyan ka makatingin? Ingget ka din? Umalis kana rin! Tutal mga wala naman kayong silbi dito Hahahaha" sigaw nya pa ng makita nya akong ansama ng tingin sa kanya Napailing nalang ako na nakakunot padin ang noo "grabe napaka sama ng ugali mo, Ganyan kana ba talaga ha? Wala kana talagang natitirang respeto dyan sa sarili mo? nakakahiya ka ken parang wala kang magulang kung umasta ka, Ay sa bagay di na ako magugulat, basura kanga pala no? Kaya siguro ganyan siguro kabaho yang ugali mo" Umalis na nga ako at sinundan si maam judit. Sinundan ko si maam at nakita ko ito sa library nakayuko at tila ba parang matamlay, Kaya agad ko syang nilapitan kahit na di nya alam na nasa harapan na pala nya ko. "Ma-maam?" utal kong tinawag si maam na kalaunang nakayuko lang sa desk. Napaangat ang ulo ni maam at sabay ngumiti ng makita ako "Oh hija? bakit ka andito magbabasa ka rin ba?" "Hindi po maam, Sinundan ko po talaga kayo... Alam ko po yung naramdaman nyo kanina Sorry po sa ginawa nya, Ako na po ang magsosorry, para lang po sana malaman nyo maam... wag nyo po dibdibin yung sinabi ng lalaking yon, Dipo yun totoo.. anggaling niyo nga po magturo eh, plsss maam Gawin nyo po yung trabaho nyo, wag nyo pakinggan yung sinabe nya" Pagpapagaan ko sa kanya, alam kong nasaktan siya kanina sa sinabe ng bastos nayun, pero pinilit niya lang pagtakpan gamit ang malapad niyang ngiti. "salamat hija ha? Alam mo tama talaga hinala ko sayo eh, napaka buti mong bata, Okay lang ako... sanay na rin naman ako sa section nyo at mas lalong sanay nako diyan kay ken" nakangiti niya pading saad sakin para di nako magalala. "wait po, Anong sanay? So ibig nyo pong sabihin di lang ito yung unang pagkakataon na binastos ka nya?" curios kong tanong? Talaga? Napaka walang respeto talaga ng lalaking yon! "Bago kapa lang kasi dito kaya dimo sya kilala ei, walang sinasanto yang batang yan! Mga kaguluhan na nagaganap dito sa university kaya di mo sya kilala, walang sinasanto yang batang yan, Mga kaguluhan na nagaganap dito sa university na ito sya Ang may pakana, Walang ginagalang yang batang yan kaya hinayaan kona lang, At talaga namang para wala akong nakikitang kinabukasan sa batang yon, Lagi nalang kasing cutting sa time ko yon pero minsan pumasok sya pero nanggugulo sya, wala kameng magawang mga guro sakanya, kasi yung prinsipal naman ayaw sya ikickout minsan nga nagtataka nadin kami" salaysay ni maam, ganon ba talaga sya kayaman? Bat di sya pinapaalis ng prinsipal "Napaka sama talaga nya, hayaan nyo po! Balang araw malalaman nya din yung mga pinaggagawa nya sa buhay nya" "Salamat hiya ha? pero magiingat ka sa kanya, dimo pasya gaano kilala" Sabe ni maam sabay hawak sa kamay ko na kalaunang nakapatong sa desk "lagi po kong magiingat maam.. " nakangiti kong sagot kay maam sabay hawak kodin sa kamay niya na kalaunang nakapatong ka kanan kong kamay. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD