Hide Mike's Point of View Nandito kaming lahat sa garden ngayon. Kaaalis lang ni mama. Apat na lang kami dito, gusto ko itanong si Jacob. Gusto ko siyang kausapin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ko in-expect na makakaramdam siya ng ibang klaseng pagmamahal kay Isany. "Ano na ba talaga, Jacob?" Panimulang tanong ni Edison sa kay Jacob na ngayon ay nakatulala na lang. "A-anong ano na?" Binatukan siya ni kuya Joshua dahil sa tanong niya. "Ang tanga mo naman kasi! Nand'yan si Aiyah, si Abigail. Anong trip mo at si Isany pa talaga ang napili mong mahalin? Hindi ko alam kung paano mo na-develop 'yang feelings mo sa kan'ya." Nakita ko ang pagiging stress sa bawat salitang binibitawan ni kuya Joshua. Napatikhim ako dahil d'on. Hindi ko rin talaga alam kung bakit si Is

