Stupidness
Mike's Point of View
Isang linggo kasama ang kapatid namin. Alam kong mapupuno na naman ng kaligayahan ang isang linggo ko dahil puro pang t-trip lang ang gagawin namin kay Isany. Dapat lang! Hindi naman kasi talaga siya rapat sa pamilyang 'to! Apat na kaming magkakapatid, bakit ba gusto pa ni mommy ng isa? Ang totoo niyan, hindi naman talaga kami galit sa kan'ya, siguro, bwisit lang kami dahil mas pinapahalagahan siya ni mommy kahit hindi naman siya ang tunay na anak. Kaya kami galit sa kan'ya.
Ay nako, hindi ko na rin maintindihan, basta ang alam ko, ayoko sa kan'ya.
Anyway, okay lang dahil malapit na rin naman namin siyang malayo sa amin. Hinahanap na namin ang nanay niya para maisauli na. Tapos na naming paglaruan ang anak niya kaya ibabalik na namin. Nakakasawa kasi. Nakakasukang isipin na kapatid namin siya, hindi ko siya kayang tanggapin kaya hindi ko na lang sinasabi. Ayokong isipin at baka makasakit pa ako.
"Ang tindi talaga nung babaeng yun, ano?" May pagkamangha sa tono ng boses ni Jacob. Tila ba parang natutuwa siyang naaayos ni Isany ang buhay niya sa kabila ng lahat.
"Ano ba naman kasi 'yang mga tauhan na 'yan. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang mga magulang ng babaeng 'yan?" Bagot na tanong ko. Kating kati na akong ibalik siya sa tunay niyang dugo.
"Eh wala pa nga eh! Ang kukupad naman kasi nitong mga inutusan mo, kuya Joshua!" Halata sa boses ni Edison na hindi na rin siya makapag hintay.
Magkakasama kami ngayon sa kwarto, dahil iisa lang naman ang kwarto naming apat. Ayaw ni mommy na paghiwalayin kami dahil malaki naman daw ang silid na ito. Pero hiniwalay niya ang kay Isany dahil daw babae ito at baka mahawa sa kung anong ginagawa namin tuwing tinatawag kami ng pangangailangan.
Nagkatinginan kami nang may kumatok. Napatingin kami sa pintuan at sumigaw na bukas naman ito. Nagulat kami nang pumasok si Isany na may dala dalang mga gatas.
"Hindi ko alam na maid ka na pala namin ngayon." Halos pabulong na lang ang mga salita ni kuya Joshua. Nilapag ni Isany ang tray na iyon sa table.
"Inumin niyo raw 'yan mamaya bago kayo matulog" Napangiti ako dahil sa hina ng boses niya. Suko ka na ba, Isany?
"Sino nagtimpla?" Nakangising tanong ni Jacob. Alam naman niyang si Isany ang nagtimpla, nagtatanong pa!
"Ako."
"Ayoko inumin 'yan at baka may lason pa." Natawa kami sa sinabi ni kuya Edison. Bumuntong hininga si Isany.
"Kahit gustong gusto ko gawin 'yun, hindi ko parin gagawin dahil may takot ako sa Diyos! Tsaka, baka 'pag ginawa ko 'yun, magkita kita pa tayo sa impyerno. Ayoko na kayo makasama hanggang kabilang buhay." Lumabas na siya matapos niyang sabihin iyon, pero kalaunan ay pumasok din ulit.
"Mag impake na raw pala kayo, maaga pa tayo bukas." Napatingin naman ako sa gatas na dala niya.
"Isany, come here." Lumapit naman siya sa sigaw ko. Nasa harapan ko 'yung gatas dahil nasa couch kami rito sa kwarto. Napatingin sa akin ang mga kapatid ko.
"Bakit po?!" Tanong nito at diniinan pa ang pag galang niya. Hindi mo na kailangan maging magalang dahil alam kong bastos ka rin naman!
"Paabot n'ong gatas." Nakangiti kong utos sa kan'ya. At dahil isa siyang dakilang tanga, sinunod naman niya.
"Ano pa po?!" Tumayo ako habang hawak 'yung gatas na bigay niya. Hindi siya kumilos kahit pa pumunta ako sa likod niya. Napangisi ako at dahan dahang binuhos sa kan'ya ang gatas na hawak ko.
"Eto pa po!" Pang gagaya ko sa kan'ya at ibinuhos ang lahat ng gatas na tinimpla niya para sa amin, "Ayan, tapos padala ulit ng gatas. Natapon kasi eh. Wala na kaming iinumin." Ngumiti ako ulit sa kan'ya nang makaharap ako. Nag ngisian naman ang mga kapatid ko.
"Tapos ka na?" Tumingin siya sa akin sabay ngiti na halata namang peke.
"Kailangan mo 'yan para kuminis ka naman." Pang aasar ko pa.
"Thank you ha!" Ngumiti rin siya, pero nagulat ako nang yakapin niya ako!
"Hoy ano ba! Mag lalagkit ako!" Matapos n'on ay humiwalay naman siya sa akin.
Siraulo ba 'to? Hindi ba niya naisip na malalagkitan ako sa sarili ko?
"Ayon lang ba? Sige, papaakyatin ko nalang si Yaya rito para linisin 'yan. At 'wag ka mag alala, 'pag tinanong nila mommy kung ano nangyari sa 'kin, hindi ako magsasalita." Lumabas na ang alipin ko at nag sigawan naman ang mga kapatid ko. Sari-saring puri at tawanan ang ginawa namin. Pero nagsimula na nga akong manlagkit kaya naligo na muna ako.
--
Isany's Point of View
Nang makalabas ako sa kwarto ng mga demonyo kong kapatid, sunod sunod naman ang pagpatak ng mga peste kong luha. Bakit ba hindi ko mapigilan 'to?!
Habang papunta ako sa kwarto ko, nakasalubong ko si mommy na papunta rin sa kwarto ko. Natigilan ako nang titigan niya ako. Mga ilang segundo lang bago mag process sa kan'ya kung gaano ka-dumi ang tao sa harapan niya.
"What happened to you?" With worry in her eyes, she came to me and hold my face. Mukhang gusto niya ring umiyak pero may pumipigil sa kan'ya.
"Wala naman mommy. Hindi ko kasi kayang dalhin 'yung gatas. Kaya ayon, natapon tapos nadulas ako sa sobrang daming natapon, kaya eto, sumubsob ako at nag swimming." Ngumiti ako sa kan'ya kahit pa nadudurog ang puso ko ngayon.
Kapag sinabi ko kay mommy ang totoo, mas lalo lang mag iinit ang mga kapatid ko sa akin. Ayoko na! Gan'to pa nga lang ay hindi ko na kinakaya eh, ibang bagay pa kaya?
"Nako! Akala ko pa naman kung anong nangyari sa 'yo. Sa susunod, mag iingat ka at magpapatulong ka sa kasambahay, okay? Ako na ang tatawag kay yaya para maglinis. Saan mo ba natapon?" Napakalma naman ako n'ong kumagat siya sa dahilan ko.
"Sa kwarto po nila kuya." Tumango naman siya at ngumiti.
"Maligo ka na at baka manlagkit ka r'yan. Para kang naligo sa gatas. Buti na lang at healthy 'yan." Pagbibiro pa ni mommy. Ngumiti ako at umalis na sa harapan niya dahil hindi ko kinakaya na nagsisinungaling ako.
Matapos kong maligo ay dumiretso ako sa garden. Alas dies na ng gabi pero mas pinili ko pa ring pumunta rito. Ang dami kong iniisip. Ano bang nagawa ko para tratuhin nila ako ng gan'to? Lahat naman sinubukan ko para ma-please ko sila, pero bakit ganito pa rin? Kasama ko naman sila mula pagkabata ako pero bakit hanggang ngayon ay hindi nila ako tanggap?
Hindi ko na namalayan na tumulo na 'yung luha ko. Sana lang at tulog na ang mga kapatid ko dahil panigurado, pagtatawanan na naman nila ako.
"Napakaiyakin mo naman!" Habang sinisigawan ko ang sarili ko, nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at binasa ang text.
ChaseKo:
Everyone wanted to be your sun to lighten up your world, but me? I don't want to be your sun...
Napalitan ang luha ko ng sari-saring kilig. Ang matagal ko nang crush, nag text sa akin. Nililigawan na rin niya ako mula first year high school. Halos apat na taon na kaming magkasama. Hindi ko pa rin siya sinasagot pero sobrang tiyaga niyang maghintay. Ayaw pa kasi ni mommy n'on. Pero ngayon, ayos na sa kan'ya.
Me:
Why?
Wala pang isang minuto, nag vibrate na agad ang phone ko.
ChaseKo:
Because I'd rather be your moon, so I can be your guide in dark times. ;)
Napatili ako dahil sa text niya. Grabe talaga magpakilig ang isang ito! Sagad sa buto.
Tumunog ang telepono ko. Ang ringtone ko ay you and I by Chance kaya nae-enjoy ko ang kanta bago ko sagutin.
"Hello?"
"Hi Isany ko." Ang corny pero nakakakilig talaga!
"Chase ko!"
"Bakit gising pa ang Isany ko?"
"Wala lang nandito kasi ako sa garden."
"Ano na naman ang ginawa sa 'yo this time?" Nasasabi ko lahat kay Chase. Bakit hindi? Wala na nga akong ibang kakapitan, pati ba naman sa kan'ya, maglilihim ako?
"Binuhusan ako ng gatas, pero okay lang 'yun. Alam mo na, konting pasensiya na lang. Nga pala Chase Ko! One week tayo hindi magkikita." Malungkot ang boses ko, kahit alam kong hindi 'yon ang dahilan nito, sinikap kong pag mukhain na ayon na nga lang talaga.
"Oo nga eh. Pero araw araw kitang tatawagan."
"Dapat lang!" Hindi na matanggal ang ngiti ko dahil sa kausap ko. Sana lagi ko na lang siyang kasama para nawawala ang mga bad vibes ko sa katawan.
"Hoy! Tumahimik ka nga!" Sigaw ni kuya Joshua sa taas. Malapit lang kasi ang kwarto nila sa pwesto ko kaya naririnig nila ang mga tili ko.
"Matulog ka na, Isany ko. 'Wag kang mag alala dahil bukas, mahal pa rin kita." Punyeta talaga magpakilig ang isang ito!
"Sige, bye bye." Kailangan ko na ring ibaba ang telepono dahil hindi ko na matiis ang kilig ko.
"I love you." Napangiti na naman ako.
"Good night." Ang tangi kong sagot sa kan'ya.
"Wala bang I love you too, r'yan?" Tanong niya kaya mas lalo akong napangiti.
"Kelan ba ako nag too sa 'yo?" Ayoko pa at hindi pa talaga. Gusto ko, mag I love you, too sa kan'ya kapag kami na.
"Ewan ko ba sa 'yo. Sige na nga, matulog ka na." Natatawa niyang sabi bago tuluyang binaba ang telepono.
Dali dali akong umakyat sa kwarto ko at nagpagulong gulong sa kama dahil sa sobrang kilig ko! Kapag talaga nakausap ko na si mommy, mag papaalam na ako sa kan'ya kung pwede ko nang sagutin si Chase!
--
Joshua's PoV
"Napakaiyakin mo naman!" Narinig naming sigaw ni Isany kaya dali kaming sumilip sa kan'ya sa may garden. May ka-text ito.
"Sino kaya ang ka-text n'on at napaiyak siya? Siguro may galit din sa kan'ya iyon." Ngumisi ako sa sinabi ni Edison. Bakit ba naman kasi napakarami niyang kaaway? Gan'on na rin ba karami ang may ayaw sa kan'ya sa mundo?
Nabigla kaming lahat nang tumili ang tangang ito.
"Baliw." Pangbatang asar ni Jacob. Napailing na lang ako.
"Eh sino 'yung iniiyakan niya kanina?" Singit naman ni Mike
Tinitignan ko lang siya. May tumawag sa kan'ya at dali dali naman niya itong sinagot.
"Hello?"
"Chase ko!" 'Yung feeling gwapo niyang suitor. Nag iisang tao na nagkakagusto sa kan'ya.
"Wala lang nandito kasi ako sa garden."
"Binuhusan ako ng gatas, pero okay lang 'yun. Alam mo na, konting pasensiya na lang. Nga pala Chase Ko! One week tayo hindi magkikita." Pagsusumbong niya.
"Napakasumbungera, akala mo naman may magagawa 'yang Chase na 'yan." Parang bata talaga itong si Jacob, lahat napapansin!
"Quiet." Seryoso naman ang pakikinig ni Mike kaya napailing na lang ako.
"Dapat lang!"
"Hoy! Tumahimik ka nga!" Sigaw ko dahil napakaingay niya!
"Sige, bye bye."
"Good night."
"Kelan ba ako nag too sa 'yo?" Puro kalandian ang naririnig ko kaya medyo naiirita ako.
Pagkatapos ng ilang minuto, narinig namin ang tili ni Isany sa kabilang kwarto.
"May topak na ata siya" Muli na naman akong napailing kay Jacob.
"Boys? ano ginagawa niyo dyan?" Si Mommy na pumasok sa kwarto. Hindi namin iyon napansin kaya wala akong napaghandaan na sasabihin sa kan'ya! Lahat sila tumingin sa akin kaya naman sinamaan ko sila ng tingin
Bakit ako ang inaasahan ng mga ito? Pero sige na nga! Mabait naman akong kuya.
"Kasi mommy, nakita naming umiiyak si Isany sa garden. Gusto ko lang sana i-check kung ayos lang siya." And knowing mom, she won't stop there. Marami pang tanong 'yan!
"Bakit umiiyak?" Halos gusto kong mapairap dahil d'on. Ang dami niyang tanong kahit isa pa lang ang follow-up.
Kung may isang taong nakakakilala kay mommy nang sobra sa pamilyang ito, ako na 'yon. Ako ang panganay, ako ang mas matagal nang nakasama.
"Ewan din namin mommy, kaya nga po tinitignan namin siya" Sabi ko na lang. Lumabas si mommy para i-check si Isany. Sumunod naman kami sa kan'ya. Kumatok si mommy at lumabas naman agad si Isany.
Now, great! Paano kung mabuking kami?
"Mom? What are you doing here?" She said at napabaling ang tingin sa amin.
"Umiiyak ka raw kanina? What happened? N'ong nakasalubong kitang naligo ka ng gatas, 'di na kita nakita. At ngayon, umiiyak ka raw sabi ng mga kuya mo. Tell me, is there's something wrong?" Bumaling siya sa amin ulit ngunit walang reaksyon namin siyang tinignan. Kung magsumbong, edi magsumbong. Wala naman siguro siyang balak eh.
"Kasi ano mommy, 'di ba nga po sabi ko naman po sa inyo, natapon lang po 'yung gatas at sarili ko naman pong katangahan eh. Nadulas po ako tinulungan pa nga po nila akong tumayo eh at naiyak lang po ako kanina dun sa binabasa ko sa w*****d, mom. 'Yun lang po." Tinignan naman ako n'ong tatlo kaya sinuklian ko 'yon. Bumalik ang tingin namin sa kay Isany.
Baka naman tingin niya na magkaka utang na loob kami sa kan'ya? Hindi pa naman siguro siya nahihibang, hindi ba?
"O'sige magpahinga ka na. Na-concern lang 'yung mga kuya mo. Sige, good night, baby. Maaga pa tayo bukas." Isany nodded and kissed mommy. Kumukulo ang dugo ko kapag ginagawa niya iyon!
Nagpapatawa naman ang nanay ko. Kami? Concern? Bakit?
"Kayo rin, sleep na." We nodded so, she left. Tinignan kami isa isa ni Isany at umiling.
"Concern? Nagpapatawa ata si mommy." Nag smirk siya at pumasok sa kwarto. Hindi ko gusto ang tabas ng dila nito ngayon.
Humanda ka sa isang linggo mo, Isany Buenaventura.