Nagmamadali nang mag-ayos ng kanyang gamit si Abby para makipagkita kina Maggie at Lala. She's wearing black dress that time.
Kinuha na niya ang kanyang bag at nagpaalam kay sir Kristoff na nasa loob ng kanyang opisina at nakaupo sa umiikot na upuan.
"Sir, mauna na po ako!" pagpapaalam ni Abby sa boss niya.
"Aalis ka na?"
"Opo! Magkikita kami nila Maggie at Lala.." paliwanag ni Abby.
"So, I will wait for you later at my house!" pagpapaalala ni Kristoff sa dalaga.
"Sorry sir may lakad pa po ako..."
"I will still wait for you! May sasabihin ako sa iyo..."
"Pasensya na po..."
Hindi na nagdalawang isip si Abby na tanggihan ang boss nito. Mas mabuti na ito para iwas gulo. Hindi na rin napigilan ni Kristoff si Abby na umalis at hindi siya sigurado kong pupunta ba ang dalaga pero umaasa pa rin ito.
Sa mall magkikita sina Abby, Lala at Maggie. Naunang nakarating si Maggie sa tagpuan nila. Ang dalaga ay nakasuot ng black dress gaya ni Abby pero nagsuot ito ng black sunglasses at hat para di siya agad makilala. Ilang minuto Iang ay dumating na si Abby.
"Pasensya na at ngayon lang ako.." ani ni Abby na medyo hinihingal.
"Okay lang. Wala pa naman si Lala.." sagot ni Maggie.
"Wala pa siya?" Pagtataka ni Abby.
"Tinatawagan ko nga pero hindi sumasagot!"
"Siya kaya ang nagpasimuno nitong pagkikita natin tapos siya ang wala!" naiinip na salita ni Maggie.
"Baka mahuhuli lang at may ginagawa.." kalmadong sagot ni Abby.
"Hay naku! Parati nalang siya late! Hindi na siya nagbago! Alam mo bang napakahalaga ng bawat minuto at segundo ng isang celebrity," pagmamayabang ni Maggie.
"Hayaan mo na.. maghintay nalang tayo!"
Ilang minuto pa ay naghintay ang dalawa pero walang Lala na dumating. Naiinip na sila at naiinis na rin si Maggie.
"Nasaan na ba siya?" Naiinip na pagrereklamo ni Maggie.
Kanina pa sila nakatayo roon tuloy naiihi na si Abby.
"Maggie, pupunta muna ako sa CR. Naiihi na ako," sabi ni Abby na naiihi na.
"Okay!" Sagot nito.
Dali daling pumunta si Abby sa CR.
Patingin - tingin si Maggie sa kanyang wrist watch. "Ang tagal talaga niya!"
May biglang lumapit na lalaki na may kagwapuhan kay Maggie. Mataray ang unang approach ni Maggie na tinaasan pa niya ng kilay. Nakatayo ito sa harapan niya. Ang lalaki ay may kasama pang dalawang lalaking bodyguard na nakasuot ng black suit.
Tiningnan ni Maggie ang mga ito mula ulo hanngang paa.
"Do I know you?" tanong ni Maggie.
Ngumiti lamang ang lalaki.
Flashback..
"Ano ang ipapagawa mo sa akin baby!?" tanong ni Alec.
"Magkikita kami mamaya sa mall. They will wait for me at the atrium near a salon,"paliwanag ni Lala.
"Then?"
"I want you to make love with my friend, Abby!"
"Oh! Really? Gusto mo akong makipags*x sa kaibigan mo?"
"Ang dami mong tanong! Basta iyon ang gusto ko bago kita pagbigyan sa gusto mo! Marami ka namang mga nakas*x diba at naakit kaya easy na ito sa iyo!" ani ni Lala.
"Yah, marami nga pero ikaw, ang hirap mong paakitin!" seductive nitong sabi.
"Just do it and I will give you the reward!"
"Sure baby! Basta ikaw!"
"Sabi niya, she's wearing a black dress. Ikaw na bahala! Dapat di ako masabit! Walang dapat makaalam na ako ang nag - utos sa iyo, maliwanag?"
End of flashback
"Are you Ms. Abby?" tanong ng lalaki na si Alec.
Sinagot naman ni Maggie, "Bakit mo naitanong?"
"Friend ako ni Lala. Kilala mo ba si Lala?"muling tanong ni Alec.
"Yes, kaibigan ko siya! Bakit?"
"Pinapupunta ako rito para sunduin ka..sabi kasi niya na doon na lang daw kayo magkikita sa isang restaurant," paliwanag ni Alec.
"Really?"
"Yes, hindi ka ba naniniwala?"
"Uhmmm.." nagdadalawang isip si Maggie at panay sulyap sa may CR na di naman kalayuan. Napapaisip rin siya kung bakit si Abby lang ang hinahanap ng binata.
"Let's go!" aya ng binata.
Ngumiti si Maggie at sumama ito sa kanila. She can feel it na may kakaiba pero sumama pa rin ito.
Sa isip ng dalaga ay maraming gumugulo
"May gusto kaya ito kay Abby kaya ginamit lang niya si Lala. Well, he is kinda cute and hot! Bakit si Abby lang ang hinahanap niya? Alam naman ni Lala na narito ako kaya impossibleng si Lala ang nag-utos sa kanya. Di ko akalain na may admirer na kasing gwapo nito si Abby! Pero bakit inakala niya na ako si Abby! Hindi ba niya ako kilala? Di kaya sa suot ko?"
Bumalik na si Abby sa tagpuan pero wala na si Maggie.
"Maggie?"
Napalinga - linga siya at hinanap ang kaibigan.
"Nasaan siya? Pati si Maggie nawawala?"
Tinawagan ni Abby agad sa cellphone si Maggie pero hindi ito sumasagot. Bigla nalang siyang kinakabahan.
"Maggie.."
Nanatili saglit na nakatayo roon si Abby. Lumilipas ang mga minuto pero hindi na nagpakita ang dalawa.
Napaupo nalang sa bench si Abby.
"Nasaan na ba sila? Iniwan na ba nila ako? Hindi rin sumipot si Lala. Sigh!" Napabuntong - hininga nalang ang dalaga na bakas ang kalungkutan.
-------
Samantala, hindi pumunta sa restaurant sina Alec at Maggie kundi sa isang hotel.
Nakasunod ang dalawang bodyguard sa kanila.
"Teka, akala ko ba sa restaurant kami magkikita ni Lala?" tanong ni Maggie na halata na ang kakaibang kilos ng binata.
"Change of mind!" Direktang sagot nito.
"I change my mind too!" mataray na sagot ni Maggie at tumalikod ito para bumalik sa dinaanan but pinigilan siya ng dalawang bodyguard na nasa likuran.
"Hindi pwede Ma'am!" sabay nitong sabi na tumayo sa dadaanan ng dalaga.
"Umalis kayo!" utos ni Maggie.
Hindi ito nakinig kaya mas nainis si Maggie.
"Ang sabi ko, umalis kayo!"
Dahil sa pamimilit ni Maggie ay hinawakan ng dalawaang kamay ng dalaga. Nagulat siya.
"Anong ginagawa ninyo!?"
Nagpupumiglas si Maggie pero wala siyang magawa.
"Let me go!"
Binuhat siya agad ng isa na gamit ang balikat nito at dinala sa isang kwarto.
"What are you doing!?"
------
Nagtext na si Paul para sunduin si Abby.
"Nasaan ka Abby?"
Sinagot naman niya. "Nasa mall. Hinihintay ko ang dalawa kong kaibigan."
Nagreply pa ito, "Sige, pupuntahan kita ryan! Hintayin mo ako."
"Okay!"
Habang naghihintay si Abby ay di niya maiwasang di maisip si Kristoff. Napapabuntong - hininga nalang siya habang naaalala niya ang mga ginagawa nila. Nakokonsensya na rin siya dahil walang kaalam -alam si Paul sa pinaggagawa niya. He doesn't deserve a woman na nakipagtalik sa ibang lalaki. Habang tumatagal ay mas lalong nahihirapan siya.
"Paano kung sabihin ko na sa kanya.." bulong ni Abby sa sarili. "Napakasama kong girlfriend! Dapat siguro alam niya pero paano kung..."
Ilang minuto lang ay dumating na rin si Paul. Nakangiti itong papunta sa kasintahan. Masaya ang binata na makita muli ang dalaga.
Tumayo si Abby. "Paul.."
Pinagmasdan niya ang binata na papunta sa kanya. Mas lalong nalungkot ang dalaga.
Niyakap agad ni Paul si Abby.
"Abby!"
Masayang - masaya si Paul habang yakap niya ang kasintahan.
-------
Inihiga ni Alec si Maggie sa kama. Iniwan ang dalawa sa loob ng kwarto. Nakatayo ang binatang kaharap ang dalagang nasa higaan.
"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" tanong ni Maggie sabay bumangon at umupo sa kama.
"Just s*x with me!" ani nito habang hinuhubad ang suot na damit nito.
"What?" Gulat na reaksyon ni Maggie.
Itinapon na niya ang polo sa sahig at kitang kita ang hunk na pangngangatawan nito. Tulo laway ka talaga sa kakisigan niya. Mala - adonis ang katawan na may six packs na mainit init na tinapay.
"Omg!" titig na titig si Maggie sa abbs ni Alec. Pakagat -labi pa ito at di maalis ang tingin.
Lumapit pa ang binata at ang mga mukha nila ay may ilang pulgada nalang. Mas nagkatitigan ang dalawa. Hanggang hinalikan niya si Maggie. Sa simula ay nagulat ang dalaga pero agad namang sumang-ayon ito at naghalikan ang dalawa. Hindi inaasahan ni Alec na madaling maakit ang dalaga na napagkamalan niyang si Abby.
Inihiga niya ulit si Maggie habang naghahalikan sila. Napakapit si Maggie sa may leeg ni Alec habang ang kamay naman ng binata ay nasa makinis na hita nito na gumagapang patungo sa may gitna.
Hindi nagtagal, naramdaman ni Maggie ang kamay na naglalaro sa kanyang hiyas kaya napaungol siya.
"Ughh! Oh my! You really want to f*ck me! Uh!" ani ni Maggie na nasasarapan sa ginagawa ng binata.
"I wanna f*ck you! F*ck you baby!" nanggigigil na sabi ni Alec habang binibilisan ang paglabas pasok ng daliri niya sa kweba ng dalaga.
"Oh I will f*ck you!"
Lala texted both Abby and Maggie na di siya makakarating dahil sa may gagawin pa ito.
Lala's text: " Sorry girls! Hindi ako makakarating. Next time nalang!"
Nabasa naman ni Abby. "Ahhh, hindi pala siya makakarating."
"Si Lala?" tanong ni Paul na katabi ni Abby na umuupo sa bench.
In his mind, "Mabuti nga at hindi siya makakarating. Baka ano pa ang gawin niya kay Abby!"
Napatanong si Paul, "So, ano na? Let's have our dinner?"
"Siguro umalis na rin si Maggie dahil nainip.." bulong ni Abby sa sarili na nagpatulala sa kanya.
"Abby?"
Napalingon si Abby sa kasintahan at sumang-ayon na umalis na. " Sige! Tara kain na tayo!"
Napangiti si Paul at hinawakan ang kamay ni Abby.
------
Mission accomplish para kay Alec na makipags*x sa kaibigan ni Lala pero hindi pa niya alam na hindi siya si Abby.
Nakatulog na nakahubad si Maggie na yakap ang hubad na katawan ni Alec. Ang kumot ang siyang naging tabing nilang dalawa sa kanilang katawan. Napagod yata sila sa mahigit dalawang oras na kababalaghan. It was a hot s*x between the two. Ang hindi alam ni Maggie ay kagagawan ito ni Lala at isang pagkakamali rin.
Nasayahan naman ang dalaga sa ginawa nilang pagtatalik. Napakagaling lang talaga ni Alec pagdating sa ganoong bagay na talagang dadalhin ka sa kalangitan at mararamdaman mo ang sarap at tamis ng walang hanggang kaligayahan.
Ginawang unan ni Maggie ang braso ng binata. Bakas sa mukha ni Alec ang kasiyahan dahil nagawa na rin niya ang inuutos ni Lala.
Inabot niya ang cellphone na nasa mesa at tinawagan ang dalaga.
Pangiti -ngiti ito habang hinihintay ang pagsagot ni Lala.
Ilang minuto lang ay sumagot na ito, "Hello?"
"Hi babe!" bati ni Alec kay Lala.
"So ano na? Ano na ang balita?"Usisa ni Lala mula sa kabilang linya.
"Of course, I did it!" pinagmamalaki niyang sabi. "So ano na? Makukuha ko na ba ang reward ko? Kailan?"
"Syempre! Pero paano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo?" paniniguro ni Lala. "Baka niloloko mo lang ako!"
"Do you want to hear her voice?"
Nagsend ng voice recording si Alec na ilang segundo lang. Isa itong ungol ng babae. "Ughh!! Ughh!! Ughh!"
"Narinig mo ba?"
Medyo malabo pero rinig naman nito ang ungol. Hindi lang malaman kung sa kanya ba talaga ang boses.
"Narinig ko! Pero..." pagtataka ni Lala.
"Bakit? Di ka pa rin ba naniniwala?"
"Sort of..."ani ni Lala.
"Katabi ko siya ngayon...ang kaibigan mo!" pagmamayabang ni Alec.
Inilapit ni Alec ang cellphone at pinasalita ito.
"Abby baby..nagustuhan mo ba?" tanong ni Alec para sumagot si Maggie na akalang si Abby.
Sumagot naman si Maggie na nakapikit ang mga mata at tila pagod pa ito. "Hmmm..? Ye-yes.." pangiti ngiti ang dalaga.
Kinausap ulit ni Alec si Lala. "So ano na?"
"Okay fine! I will text you tomorrow. And one thing, I need a picture na magkasama kayo!"
"Sure! Pero ibibigay ko na ito pagkatapos mong ibigay ang reward ko!"
"Fine!"
Pagkatapos mag-usap ay kinunan ni Alec ng picture ang dalaga habang tulog pa ito. Ano ba ang balak ni Lala?
-----
Samantala ay kumain sa isang retaurant sina Abby at ang kasintahan nitong si Paul. Napakaromantiko ng lugar na may romantic music pa. Lahat ng kumakain ay mga love birds yata. Nakaupo sila sa isang mesa na pandalawahan.
"Bakit mo ako dinala rito?" mahinang tanong ni Abby na naaasiwa.
"Hindi mo ba nagustuhan? Ayaw mo ba?" pagtataka ni Paul.
"Hindi naman sa ganoon. Mukhang mamahalin rito."
"Don't worry... ako bahala. Magtiwala ka lang."
Napatingin si Abby sa mga mata ni Paul na determinado ito. "Paul.."
"Gusto kitang makitang masaya, Abby. Simula nang nagkatrabaho ako at nakatrabaho ka, minsan na tayo nakakapagdate. Palaging ikaw ang nag-iinitiate sa mga lakad natin. Kaya, bumabawi ako. Gusto ko hindi mo makakalimutan ang date na ito. Lahat ng date na gagawin natin, hindi mo makakalimutan."
"Paul..."
Napakalakas ng kabog sa dibdib ni Abby na para bang kinakabahan sa bawat salita ng binata ay naaalala niya ang kanyang mga ginawang mali. Napapakamao nalang si Abby na nakapatong sa hita niya na nasa ilalim ng mesa.
Sa isip nito, "Paano kung makipagbreak ako? Hindi dahil kay Kristoff kundi dahil sa nakokonsensya ako sa mga ginawa ko. Sigurado ako magagalit siya! Ang sama sama kong kasintahan. Ang sama sama kong kaibigan! Napakasama ko at traidor! Niloloko ko siya..sila! Kung magalit man siya, I deserve it! I really need to tell him!"
"Paul.." sambit ni Abby na seryosong humarap sa binata. Kinakabahan pero nilakasan niya ang kanyang loob. Hindi na niya kaya na hindi sabihin ang nangyari sa kanila ni Kristoff. Ayaw niyang lumala pa at tumagal pa ang kanyang lihim.
"Abby!" masayang sambit ng binata ang pangalan ng dalaga. "Akin na ang kamay mo!"
"Huh?"
Natigilan si Abby. Inangat ni Abby ang kamay mula sa ilalim ng mesa at dahan -dahang ipinatong sa mesa.
Hinawakan naman ito agad ni Paul.
"Ang lamig ng kamay mo Abby.. kinakabahan ka ba?" tanong ni Paul.
"Uhmm.."
"Huwag kang kabahan.. nandito naman ako!"
Kinakabahan talaga si Abby sa possibleng mangyari. Pumasok sa isip niya na baka magpropropose si Paul sa kanya.
May hinablot si Paul sa kanyang bulsa.
"Teka lang Paul.." kinakabahang pagpigili ni Abby.
Isang maliit na box ang kanyang dinukot mula sa kanyang bulsa at inilagay sa ibabaw ng mesa na mas nagpakaba sa dalaga.
"Ano iyan?"
"Buksan mo!" masayang sabi ni Paul na may halong excitement.
Napalunok si Abby habang nakatitig sa box habang papalapit ang kanang kamay nito. Bakit ba siya kinakabahan? Singsing kaya?
Tuluyan na niyang binuksan ang box. Namilog ang kanyang mga mata. Saglit ay parang tumigil ang pagtibok ng puso niya.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Paul.
Binigyan ni Paul si Abby ng isang elegant bracelet na may hugis puso.
"Bakit mo ako binibigyan ng ganito? Hindi naman natin monthsary o di kaya anniversary.."
"Gusto lang kitang bigyan..ayaw mo ba? galit ka ba?"
Umiwas ng tingin si Abby at napansin iyon ni Paul. Huminga ng malalim si Abby. Kinabahan talaga siya na akala ay singsing. Pero sa huli ay gumaan naman ang pakiramdam niya.
Hinawakan ni Paul ang kamay ni Abby at isinuot ang bracelet sa wrist nito.
Napalingon si Abby at pinagmasdan ang binata.
"Sorry.." sambit ni Abby.
"Nadismaya ba kita?" tanong ng binata.
"Eh? Hindi!"
"Huwag kang mag-alala, sa susunod singsing na ang ibibigay ko! Kaya humanda ka!"
"Paul.."
Bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Abby. Hindi mapaliwanag na lungkot ang kanyang nararamdaman.
Inihatid na ng waiter ang kanilang pagkain sa kanilang mesa.
"Kumain na tayo.."
--------
Ilang oras na ang nakakalipas at naghihintay pa rin si Kristoff sa kanila. Inayos niya ang balcony at nilagyan nya ng mesa na may kandila, flower at wine. Nakakaakit ang inihanda niya para kay Abby. Mukhang pinaghandaan niya ito. Ready rin ang bouquet ng flowers sa gilid at pagkain para saluhan nila.
Napatingala siya sa kalangitan. Pinagmasdan niya ito na may ngiti sa mga labi. Maganda ang gabi at pwedeng pwedeng magfireworks.
Di na nakatiis si Kristoff at tinawagan na niya ang dalaga.
Tumunog ang cellphone ni Abby na nasa bulsa nito. Naglalakad sila ni Paul pauwi ng condo unit ni Abby.
"May tawag ka Abby!" ani ni Paul.
"Huh, ah eh.. hayaan mo na.." sagot ni Abby.
"Hindi mo ba sasagutin?"
Sa pangalawang pagkakataon ay tumunog ulit.
"Baka importante.." pag-aalala ni Paul.
Sinuri ni Abby ang phone at nakita ang pangalan ng boss niya. Kristoff!
Agad niya itong ibinalik sa bulsa.
"Bakit?" pagtataka ni Paul.
"Huh? Wala.. hindi iyon importante. "
"Sino ang tumawag?"
"Ahm, kaibigan ko!" pagsisinungaling ni Abby at nagmadali na itong pumunta sa unit niya.
Nang nakatayo na sila sa may pinto ng unit ng dalaga ay para bang pinapaalis na niya si Paul.
"Sige, papasok na ako. Ingat ka sa pag-uwi! Salamat nga pala sa gabing ito.."
Nawala na sa isip ni Abby ang dalawa niyang kaibigan at natuon ang pansin sa kasintahan.
Napakamot naman ng ulo na halatang nahihiya si Paul sa gustong request.
"Umm.. wala bang..." Panguso - ngusong sabi ni Paul na tila may hinihintay na gawin ang dalaga.
"Eh?"
Napanguso ulit si Paul na ipinapahiwatig na gusto niya ng goodbye kiss. Napansin naman ito ni Abby kaya pinagbigyan niya ang kasintahan.
She kissed on his left cheek. Nabigla si Paul sa ginawa nito.
"Thanks!"
At pumasok na ito sa loob. Natameme naman si Paul and touch his cheeks na dinampian ng labi ni Abby. Kahit ganoon ay masaya na si Paul.
Hmm.. bakit hindi sa lips? Hindi na inisip ni Paul ang tungkol rito.
Pagkapasok ni Abby ay agad niyang isinara ang pinto. Pagkatapos ay napasandal nalang siya sa pinto at dahan dahang umupo sa sahig.
Inilabas niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa at pinagmasdan niya ito. Nakita niya ang mga missed calls ni Kristoff. Tahimik lang ang dalaga. Iniyuko niya ang ulo at isinubsob sa may tuhod. Ilang minuto rin siyang tahimik sa kinauupuan niya.
Hanggang..
Tumayo si Abby at umalis siya sa kanila. Nagmamadali ito na tumatakbo. Saan ba siya pupunta?
Malalim na ang gabi kaya wala ng gaanong mga sasakyan. Wala na ring bus sa ganoong oras. Naghintay siya ng taxi pero wala. Wala siyang pagpipilian kundi tumakbo habang papunta roon at baka makakita siya ng taxi. Hindi na nag - iisip si Abby sa mga oras na iyo at ang gusto lang talaga niya ay pumunta sa isang lugar.
Palinga - linga si Abby habang tumatakbo. Hindi nagtagal napagod siya bigla at napahawak sa malapit na potse. Hinihingal siya. Hinahabol niya ang kanyang hininga. Pinagmasdan niya ang paligid na tila umiikot na at sumasayaw. Papikit pikit ang kanyang mga mata pero pilit niyang dinidilat pero hindi nagtagal mas lalo siyang nahilo.
Sumasama na ang pakiramdam niya. Mas lalong hinihigpitan niya ang hawak sa poste dahil unti-unting nanghihina ang kanyang mga paa. Nasusuka din ito kaya napatakip siya ng bibig. Naparami yata ang kain niya sa restaurant.
Dumaan naman ang sasakyan ni Harry at nakita niya ang dalaga. Nagtataka ito sa kakaibang kinikilos ngbdalaga sa may poste kaya agad niyang pinatigil ang sasakyan at bumaba. Pinuntahan niya ang dalaga.
"Miss Abby?" tawag nito na medyo hindi sigurado kung siya ba.
Pagkarating niya roon ay tuluyan na itong nahimatay. Nasalo naman ni Harry ang dalaga sa kanyang mga braso.
"Miss Abby!"
Dinala ni Harry si Abby sa isang malapit na hospital.
Samantala, naghintay pa rin si Kristoff sa dalaga na baka dumating pa ito. Alam niyang nagkita at nag dinner sila ng boyfriend niya kaya naiisip niyang di na iyon pupunta. Pero kahit ganoon umaasa pa rin ito. Gusto na niyang sabihin na siya at ang batang nakilala niya sa hospital ay iisa.
Naghahalong kaba at excitement ang nararamdaman nito at meron ring takot. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila kinabukasan.
Hindi na matiis ni Kristoff at tinawagan na niya si Abby ulit.
"Sumagot ka Abby.. please.." bukang -bibig ni Kristoff. "Please.. please.."
Tumutunog naman ang cellphone ni Abby na nasa mesa. Nasa isang private room si Abby sa hospital. Dinala siya roon ni Harry at ang kakilala nitong doctor ang sumuri sa dalaga. Binabantayan niya si Abby na wala pang malay simula noong nakita niya.
Tumunog ulit ang cellphone ni Abby pero binalewala lang ito ng binata.
Hanggang pumasok na ulit ang doctor na kakilala nito, si Doc Fred.
Tumayo si Harry at tinanong ang doctor, "Kumusta siya? May sakit ba siya? Bakit bigla siyang nahimatay?" Nag-aalalang tanong ng binata.
"Kaano - ano mo ang dalaga Harry?" seryosong tanong ni Doc Fred.
"She's.. uhmm.. a special girl for me!" sagot niya.
"Girlfriend mo ba siya?" pabiro ni Fred.
Nagulat naman si Harry sa tanong ni Fred. "Uhmm.."
"Alam mo ba kung bakit siya nahimatay?." nakangiting sabi ni Fred.
"Hindi.. may sakit ba siya?" mahinahong tanong ni Harry na medyo kinakabahan.
"She's pregnant!"
Nagulat si Harry. Nabigla talaga siya at di nakapagsalita. Napalingon si Harry sa dalaga at pinagmasdan niya ito. Hindi siya makapaniwala na buntis si Abby. Sino ang ama?
" She needs to take some rest! Kailangan umiwas rin sa stress dahil nakakasama ito sa pagbubuntis niya.. " paliwanag ni Doc Fred.
Hindi na sumagot si Harry at mas tinitigan pa niya ang dalaga. Hindi talaga siya makapaniwala.
Tinapik ni Doc ang balikat ni Harry at nagpaalam na, "Sige, mauna na ako. Tawagin mo nalang ako kapag nagising na siya."
Napatango lang ito at bumalik sa kinauupuan niya malapit sa kama.
Sa isip niya, "Buntis ka pala..kaya pala nahilo ka at nawalan ng malay."
Tumunog ulit ang cellphone ni Abby at sa pagkakataong ito ay tiningnan ni Harry. Nakita niya ang mukha at pangalan ni Kristoff na siyang tumatawag.
((Sir Kristoff calling!))
Kumunot ang noo ni Harry at may biglang pumasok sa isip niya. Medyo impossible na mangyari pero pwede rin.
Napatanong siya, "Close ba sila?"
Nagtaka ito kung bakit tumatawag ang pinsan niya sa kanyang secretary sa ganitong oras. May ipapagawa kaya?
Napapaisip si Harry. Maaaring boyfriend niya ang nakabuntis rito pero... hindi maalis sa isip nito na pwede ring hindi!
Lumabas si Harry at pinuntahan ang doctor sa kanyang opisina.
"Doc Fred!" tawag ni Harry nang binuksan ang pinto ng opisina niya.
"Bakit? Nagising na ba siya?"
"Hindi pa!"
"May kailangan ka ba?"
"May ipapakiusap sana ako.."
"Ano iyon Harry?"
"Please huwag mong sabihin na buntis siya!" seryosong sabi ni Harry.
"Huh?"
"Huwag ngayon!"
"Pero.. "
"Just tell her something basta huwag ang pagbubuntis niya!"
Natahimik si Doc Fred.
"Alam kong malalaman at malalaman din niya ito pero huwag muna ngayon!"
-------
Nagising na rin si Abby na nasa kama pa rin sa hospital. Nagtataka ito kung bakit siya naroon.
"Anong ginagawa ko rito? Bakit ako narito?" pagtataka ni Abby.
Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid. May mga bulaklak sa vase at walang ibang tao roon.
Pumasok na ang doctor sa kwarto niya. Masaya itong makita na gising na ang dalaga.
"Good morning, magandang binibini!" bati ng doctor.
"Good morning doc! Ano po ang ginagawa ko rito? Ano po ang nangyari?"
Lumapit kaunti ang doctor at kinwento ang nangyari. "Nahilo ka sa daan at nahimatay. Salamat at nakita ka ni Mr. Harry at dinala ka rito!"
"Mr.Harry?Sino po siya?"
"Kilala mo yata siya.."
"Nasaan na po siya?"
"Umalis na yata. But don't worry, okay na lahat."
"Uhmm.. sayang di ako nakapagpasalamat..."
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng Doctor.
"Medyo okay na po. Ano po ang sakit ko doc?"
Natigilan ang doctor. "Uhmm.."
"May sakit po ba ako?"
"Nahimatay ka dahil sa stress!"
"Stress?"
"Tama, stress! Kaya dapat alagaan mo ang sarili mo! Nakakamatay ang pagod at stress!"
Hindi sinabi ng doctor ang totoong dahilan ng kanyang pagkahilo. Ano ba ang binabalak ni Harry?
-------
Sa opisina ay di mapakali si Kristoff. Pabalik -balik ang lakad niya. Di na siya nakatulog dahil sa pag-aalala. Hindi kasi sinasagot ni Abby ang tawag niya kaya mas lalong nag-aalala ito.
Hanggang ngayon ay wala pa si Abby sa opisina na dapat ay pumasok na ito. Pinatawag niya agad si Meimei na kaibigan ni Abby.
"Sir?"
"Alam mo ba kung nasaan si Abby?"seryosong tanong ni Kristoff na medyo naiinip na may halong kaba.
"Po? Baka late lang po sir.."
"Anong oras na at wala pa siya. May sinabi ba siya kung bakit siya malalate?"
"Wala po."
"Nagtext ba siya kagabi o tumawag?"
"Bihira lang po siya magtext at tumawag.."
Mas lalong di mapakali si Kristoff. Napaupo ito sa upuan nya at di mapalagay.
"Bakit hindi niyo tawagan ang boyfriend niya at baka alam niya.. ang alam ko po ay magkasama silang nagdinner."
Uminit nalang bigla ang ulo ni Kristoff at nanggigigil ito. Baka nga ay magkasama sila kagabi at magdamag na nagpainit ng katawan at nilalasap ang sarap.
"Haist!" naiinis na reaction nito na halatang nagseselos at galit.
"Pwede na po ba akong umalis sir?" mahinahong tanong ni Meimei.
"You can go!"
Umalis agad sa opisina si Meimei na nakakahalatang nagseselos ang boss.
Napabuntong hininga nalang ito. "Siguradong magkasama sila kagabi kaya di siya sumagot dahil bawal istorbohin! Ano pa ba ang pwedeng gawin ng magkasintahan kapag magkasamang magdamag sa iisang kwarto? Haist!"
May parang sumaksak sa puso niya sa mga oras na iyon. Halata talagang nagseselos ito.
Hindi nagtagal ay dumating na rin si Abby. Pumunta agad ito sa opisina ni Kristoff dahil sinabihan siya ni Meimei na hinahanap siya nito. Gusto rin nyang magsorry dahil na-late siya..
Kumatok siya sa pinto pagkatapos ay dahan - dahang binuksan.
"Good morning sir! Sorry po I'm Late!"paghingi ng paumanhin ni Abby sa boss.
Napalingon si Kristoff sa dalaga at masaya itong makita siya pero hindi niya ito pinahalata. Napatayo siya agad dahil nag-aalala ito. Pero, unang napansin niya ang matamlay na aura ng dalaga at ang bagong bracelet nito na nagpabago sa pakikitungo niya.
"Bakit ka late?" tanong ni Kristoff na medyo malakas ang boses.
"Uhm.. kasi.." Magpapaliwanag sana si Abby pero nagtanong ulit ang binata.
"Kumusta ang date ninyo ng boyfriend mo?" sarcastic na pagtanong ni Kristoff.
"Po?"
Napaupo si Kristoff at pinagalaw niya ang upuan paharap sa glass window. Umiwas itong tumingin sa dalaga.
"Mukhang naging masaya ang gabi ninyo.." ani ni Kristoff.
"Uhmm.. ang totoo sir.." magpapaliwanag sana si Abby pero palaging ginagambala ng binata.
"Nice bracelet!"
Napatingin naman si Abby sa bracelet na malungkot ang mukha.
Humingi ng sorry si Abby, "Sorry sir.. "
Napapaatras na ng dahan - dahan si Abby at tuluyan ng umalis. Nagtungo sa kanyang mesa.
Hindi na nagsalita pa si Kristoff. Ano ba siya para kay Abby? Ano ba talaga? Wala siyang karapatan sa kanya. Wala siyang karapatang magselos pero di na niya mapigilan ang sarili na din magselos! Gusto niyang sumigaw sa kanyang nararamdaman. Habang tumatagal ay lumalalim ang pagtingin niya sa dalaga at wala siyang magawa kundi ilihim ang lahat ng nasa puso niya.
To be continued..
so ano plano Kristoff, maglilihim ka nalang?
Ano naman ba ang balak ni Harry?