Chapter 6

4408 Words
Iniligpit na nila Tofu at Dino ang ginawang design para sa surprise birthday party. Nakatayo sa isang upuan si Dino para maabot ang mga palamuti at ang dulo ng tarp habang si Tofu ang nakaalalay at nakahawak sa upuan para di siya matumba. "Sayang naman sa ating inihanda.." wika ni Dino. "Bakit ba hindi dumating si Ms. Lala?" tanong ni Tofu. "Tuloy nabalewala lahat ang effort natin." Dumating si Lala sa coffeeshop. Pagkapasok niya ay nakita na niya agad ang dalawa kaya nilapitan niya ito. Natanggal na ang tarp at ang ibang balloons. Kaunti nalamang ang naiwang palamuti. "Anong ginagawa ninyo?" Usisa ni Lala. Napalingon ang dalawa at nagulat sa pagdating ni Lala. "Ms. Lala?" sabay nilang reaction. "Ano ba iyan?" tanong ulit ng dalaga. "Uhmm.. " nagdadalawang -isip kong sasabihin ba nila ang tungkol sa surprise party nila sana kagabi. Naalala nila ang sabi ng kanilang boss na si Jerrick. "Iligpit na ninyo iyan. At tsaka, huwag na ninyong babanggitin sa kanya ang tungkol rito.." utos ni Jerrick ng nag-usap silang tatlo. Kaya iniba nila ang topic. "Hinahanap ninyo po ba si boss Jerrick?" tanong ni Dino. "Ah, oo, nasaan ba siya? Nasa taas ba siya?" tanong ni Lala. "Umalis saglit po.. " sagot ni Tofu. "Miss Lala, maupo muna kayo. Gusto niyo po ba ng maiinom?" wika ni Dino. "Okay. Just give me a lemon tea.." Umupo si Lala at hinintay si Jerrick. Bumaba si Dino sa upuan at pumunta ang dalawa sa may kusina. Habang naglalakad ay nagbubulungan ang dalawa. "Nahalata kaya niya?" tanong ni Dino. "Di ba natin sasabihin ang tungkol sa surprise.. mukhang wala talaga siyang alam.." ani ni Tofu. "Surprise nga diba!?" sagot ni Dino. "Sumunod ka nalang kay boss." ---------- Pumunta na ng flowershop sina Kristoff at Abby. Napakaraming iba't ibang magagandang bulaklak roon. Nakakalito kung anong bulaklak ang bagay sa kanya. Napapatingin silang dalawa sa mga buklaklak. "Anong bang magandang ibigay?" tanong ni Kristoff. Nagtanong rin ang tindera, "Kanino po ninyo ibibigay sir?" "Uhmm.." nahihiyang sumagot ang binata. Si Abby ang sumagot, "Para po sa girlfriend ng boss ko." Napalingon si Kristoff kay Abby. Nagpatuloy sa pagsasalita ang dalaga sa tindera, "Ibibigay niya po ito sa pinakaspecial na tao kaya dapat napakaganda at talagang mapapainlove ito lalo. Masayang nakinig ang tindera at sinabing, "Ahhh, ganoon ba.. nice! May bulaklak kami na bagay na bagay sa kanya." Iniwan niya muna ang dalawa at kumuha siya ng bulaklak para gawing bouquet. " Maghintay muna kayo at gagawan ko kayo ng pinakaspecial na bouquet para sa gf niyo po sir." "Ah, sige po.." sagot ni Kristoff. Umupo muna si Kristoff sa isang upuan sa loob ng shop. Si Abby naman ay panay sa pagtingin sa mga bulaklak. Na-aamaze siya sa ganda ng mga ito. "Ang ganda nilang lahat." Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. Nililibot niya ang buong shop na maraming bulaklak. "Ang ganda nito! Eto pa.." Hanggang, napatigil si Abby sa isang bulaklak at natahimik. Napalingon si Kristoff dahil sa pananahimik ng dalaga. Pinagmasdan niya si Abby. "Anong nangyari sa kanya, bigla nalang siyang natahimik?" Napatanong si Kristoff sa sarili. Pinagmasdan niya lalo si Abby at napansin niya na ang bulaklak na tinitingnan nito ay isang sunflower. Napapangiti si Abby habang nakatingin sa sunflower. Napatitig tuloy si Kristoff sa dalaga at biglang may naaalala tungkol sa sunflower. Flashback Noong malapit ng mag 9 ng gabi bigla akong may naisip. Kumuha ako ng isang sunflower na palihim at tumakbo paalis ng kwarto. Pumunta ako sa kwarto ng batang babae. Nagulat siya ng dumating ako na hinihingal. Hindi ko alam kung bakit naisipan ko na dalhin siya sa rooftop para mapanood ang fireworks. "Bakit mo ako dinala rito?" "Manood ka lang.." Pagtungtong ng 9 biglang kumulay ang kalangitan. "Wow! Ang ganda!" Bakas sa mukha ng batang babae ang kasiyahan. Hindi mapinta sa galak ang mukha niya. "Alam mo, humiling ka na may gamit na fireworks at matutupad ang kahilingan mo dahil pupunta ito sa kalangitan at gigisingin ang mga anghel.." masayang sinabi ng batang babae. Napatitig lang ako sa kanyang mukha. Tumibok bigla ng mabilis ang puso ko. Hindi mapaliwanag na kasiyahan ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Ibinigay ko rin ang dalang sunflower at natuwa siya nito. Nakangiti siyang nakaharap sa akin. End of flashback. Tumayo si Kristoff at pinuntahan si Abby. Napatanong lang siya, "Bakit ka natahimik? Anong meron?" Sumagot naman si Abby ng malumanay, "May naaalala lang po ako.." "Huh? Ano naman?" mas naging curious si Kristoff sa sasabihin ng dalaga. "Kasi po, noong bata po ako may nagbigay sa akin ng sunflower.. isang.." "Isang.?" Seryosong naghihintay si Kristoff sa pagpapatuloy ni Abby. Unti-unting lumalakas ang pagkabog ng puso nito. Pero di natuloy ang sasabihin ni Abby ng bumalik na ang tindera. "Nandito na!" Napalingon si Abby at namangha sa bouquet. "Wow ang ganda! Tulips!" Agad namang binayaran ni Kristoff ang bouquet at kinuha ito. "Here's my payment." Seryosong inabot niya ang pera. Medyo nagulat siya sa reaction ng boss niya. "Huh? Teka lang..." Gulat na reaction ni Abby. Lumabas ng shop si Kristoff at sumunod naman siya. Napakaseryoso ng mukha ng binata. Ipinahawak ni Kristoff ang bouquet sa assistant niya. Pero takang - taka si Abby sa nangyayari sa boss nito. "Mauna na kayo sa sasakyan." Utos nito. "Anong nangyari sa kanya?" Nakasunod pa rin si Abby sa boss niya at ang dalawang assistant ay bumalik na sa sasakyan. Alam ni Kristoff na nakasunod si Abby pero hinayaan lang niya ito. Sumunod si Abby hanggang malapit sa Comfort room. Napatigil nalang ito ng muntik na rin siyang pumasok sa CR ng mga lalaki. Hindi niya namalayan na papunta sila sa CR ng mga lalaki. "Ops!" Nahihiyang reaksyon ng dalaga. Napatingin ang iba sa kanya kaya napalihis ng direksyon ang dalaga agad. "Haist.. di ko namalayan..asar naman!" bulong nito sa sarili. "Eh, sana nagsabi siya." ------ Nasa loob ng Comfort room si Kristoff at di maalis sa kanyang isipan ang naaalala niya tungkol sa bata at si Abby ang palaging pumapasok sa isip nito. "Asar naman! Bakit ko ba siya iniisip?" Pinunasan niya ang sariling mukha para magising. "Stop it Kristoff! That girl is already dead!" Flashback... Kristoff's pov Nangako ako na babalik ako. Bumalik nga ako pero pagkalipas pa ng limang araw. Hindi ako nakabalik agad katulad ng sinabi ko. I broke my promise. Hindi ako nakabalik dahil isinama ako ni dad sa ibang bansa para dumalo sa isang pagtitipon. Tumatakbo ako papunta sa kwarto niya.. nakangiti ako at excited na makita siyang muli. Pero... Pagdating ko roon.. bukas ang pinto at may mga taong umiiyak sa loob. They were crying. Sumilip ako at nakita kong malungkot ang lahat at umiiyak. "Anong nangyari?" Napapaiyak na rin ako. Napatanong ako sa nurse na kalalabas lang sa kwarto. "Ano pong nangyari?" tanong ko. "Iyong bata, namatay na.." Nagulat ako sa sinabi nito. Parang may tumamang bato sa dibdib ko dahilan kung bakit ang hirap huminga. Ang sakit isipin na patay na siya. End of flashback. ------ "Wheew!" Napabuntong hininga si Abby. Napapasulyap siya sa pinto ng Men's CR. Nakatayo lang ito sa labas ng comfort room. Biglang tumunog ang Cellphone niya. May videocall siya na galing kay Maggie. "Maggie?" Sinagot niya ito agad. Sinagot rin ni Lala. Ang tatlong magkaibigan ay nagkita muli sa videochat. "Kumusta?" "Okay lang, kayo?" "Napatawag ka Maggie?" tanong ni Lala na mukhang nasa coffeeshop. Habang nagvivideocall ay naglalakad ng dahan - dahan si Abby. "Wala lang. Remind ko lang kayo sa Sunday.. okay girls!" sagot ni Maggie. "Naaalala ko.." sarcastic na pagsagot ni Lala. "Of course!" "Yah, see you!" wika naman ni Abby. "Saan ka ba Abby? Nasa mall ka ba?" tanong ni Maggie. "Oo, sinamahan ko iyong boss ko sa pamimili para sa gf niya." "Wow!" Reaction ni Lala. "Ahhh.. by the way, belated happy birthday! , kumusta ang birthday ninyo?" ani ni Maggie na excited sa ikwekwento. Nagulat si Lala at medyo nalungkot pero nagsalita ito, " Super super amazing ang birthday ko!" Naiba ang tono ng boses niya. "Wow naman.that's nice!" Reaction ni Abby. "Kayo pala?" tanong ni Lala. Sumagot naman si Maggie, "Mine too.. it was very nice. Hulaan ninyo ano ang regalo ng bf ko?" "Hmm..ano?" Napatingin si Maggie sa daliri niya na walang kung ano pero sinabi niya, "He gave me a ring!" Nabigla ang dalawa. "Really? Wow!" Hindi na niya ipinakita ang kamay niya sa kanila. "Patingin sa ring!" wika ni Lala. "Ayoko.. sa Sunday na!" Kahit walang singsing ay sinabi niya ito sa kanyang kaibigan. She is so confident. She is expecting na may matatanggap mamaya. Iniba agad ni Maggie ang usapan at tinanong si Abby. "Eh, ikaw kumusta?" Napangiti naman si Abby, "Isa sa di ko makakalimutang kaarawan. Sa kabila ng lahat, naging maganda ito." "Wait, Ano nareceive mo?" Sabay nilang tanong sa kaibigan. "Hmmm.. fireworks?" sagot ni Abby. "What!?" "Napakagandang fireworks!" dagdag ni Abby. "Anong meron ang isang fireworks?" tanong ni Maggie. Sinagot siya ni Abby, "Basta para sa akin, napakagandang regalo na iyon." Pinalakpakan ni Lala ang dalawa. "Nice nice nice!" "Eh, sa iyo pala Lala?" tanong ni Maggie. "Sinorpresa niya ako.. is it amazing?" Taas noong sagot ni Lala. "That's nice too.." Habang naglalakad sa pasilyo ng mall ay napadaan si Abby sa nag-aayos ng dekorasyon at mga pinapatong-patong na mga libro. Nag-uusap pa rin ang tatlo ng paglingon ni Abby ay sumasayaw na ang mga librong naroon. Napatigil siya at namilog ang kanyang mga mata. At.. At.. Biglang.. Nabitawan ni Abby ang kanyang cellphone. Nakita niyang patungo sa kanya ang mga librong unti-unting pabagsak sa kanya. Ang nagawa nalang niya ay pumikit nalang sa mga oras na iyon pero may biglang yumakap sa kanya at hinarang ang sarili sa mga libro. In a split of seconds, nahulog ang mga libro patungo sa kanila. Pareho silang natumba sa sahig. Nagkakalat na ngayon sa sahig ang mga libro at nasa ibabaw ang isang binata sa dalaga. Nagulat ang mga taong na nasa paligid at agad lumapit. "Oh my!" Napalapit na rin ang mga guard at katiwala sa pangyayari. "Boss, okay lang po ba kayo?" Pagkarinig ni Abby ay dahan dahan niyang idinilat ang mga mata. Sa pagdilat niya ay nabigla siya nang malaman niyang yakap siya at pinrotektahan siya ng boss nito. "Sir?" Napakalapit ng kanyang mukha sa mukha ni Kristoff. Dahan-dahan namang idinilat ni Kristoff ang mga mata nito at nagkasalubong ang mga tingin nila. Medyo kinabahan si Abby at napatitig nalang sa binatang nasa harapan niya. Si Kristoff naman ay medyo nahihiya rin sa mga nangyari at umiwas agad ng tingin. Pinagalitan ng manager ang mga saleslady dahil sa mga nangyari at humingi ng paumanhin. Pinatayo nila ang dalawa at sinuri kung may sugat ba sila o kung ano ang natamo nila. Nakitang may galos at kunting dugo ang gilid ng noo ni Kristoff. "Naku po sir, pasensya na.." wika ng manager na nag-aalala kay Kristoff. "Im fine.."sagot ni Kristoff at bumaling ang paningin kay Abby. "Okay ka lang ba?" tanong nito kay Abby. "Huh? Uhm.. yes po." sagot niya. Walang natamong sugat si Abby o di kaya galos. Pero sa kasamaang palad ay nasira ang cellphone nito. "Miss, ang cellphone ninyo.." sabi ng isang saleslady ng inabot ang cellphone kay Abby. Naiiyak si Abby ng makita ang cellphone nito na sira na at basag ang screen. "Naku naman.." paghihinayang ng dalaga. --------- Inihanda na ni Abby ang surprisa ng boss nito sa kanyang girlfriend. Ready na ang bouquet ng bulaklak pati ang dinner place nila na napakaromantic. "Siguradong magugustuhan ng gf ni boss ito." Bulong ni Abby sa sarili habang pinagmamasdan ang venue. Lumapit ang isang waiter sa kanya, "Maam, okay na po ang lahat. " "Okay, salamat."Nakangiting pasasalamat ng dalaga. Ilang minuto lang ay nabalitaan na niyang parating na ang gf ni boss. "Nasa baba na po sila.." "Sige, ihanda na ninyo ang music at iba pa,"utos ni Abby. "Yes maam!" Nagmamadali na ang lahat at ready na sila sa surprise. Si Abby naman ay nagmamadali patungo sa ladies room. "Sandali lang at pupunta muna ako sa ladies room." "Yes maam.." Dumating na rin sila Kristoff at ang kanyang girlfriend sa venue. Pagbukas nila sa pinto ay biglang nagliwanag ang daanan patungo sa lugar kung saan naroon ang upuan at mesa. Nagsimula na rin ang musikang napakaromantiko. Namangha ang girlfriend nito at kinilig sa surprisa. "Ang ganda hon," wika ng dalaga. Nakasuot ng isang elegant sleeveless dress ang dalaga na kulay itim. "Nagustuhan mo ba Maggie?" tanong ni Kristoff. Naka-suit naman ang binata. "Syempre naman. I can't believe na gagawin mo ang ganito." Napatingin sa may likuran si Kristoff tila hinahanap si Abby na siyang nagplano at nagset ng lahat. But Abby was not there. Mas naging romantiko ang paligid ng pailawin pa ang ibang mga palamuti pati ang kandila sa mesa nila. Naglakad sila patungo sa kanilang mesa na magkahawak ang kamay. Maggie was touched and feeling niya ay magpropropose na ito dahil sa nararamdaman niyang kakaiba sa gabing iyon. Pagkarating nila sa may mesa ay inabot ni Kristoff ang bouquet at ibinigay sa kasintahan. Abot hanggang langit ang kasiyahan na nararamdaman ni Maggie. It was her first time na ganoon siya pinakinilig ni Kristoff sa mga bagay bagay. "Thanks!" Namumula ang pisngi ni Maggie at nahihiya na ito dahil sa kilig. "Belated happy birthday!" bati ni Kristoff. "Thank you again.." Lumabas na sa ladies room si Abby at bumalik na sa lugar kung saan naroon sila Kristoff at ang kanyang kasintahan. Bubuksan na sana ni Abby ang pinto na gawa sa salamin ng nakita niyang napakalapit ng dalawa na tila naghahalikan. Napatigil si Abby sa may pinto at ang isang kamay ay nakahawak sa doorknob. Maggie kissed Kristoff. Nakatalikod ang babae at likod lang ang nakita ni Abby sa babae. Iwas tingin naman agad siya at minabuting umalis nalang sa lugar para hindi sila madistorbo. "Congrats sir!" bati niya na siya lang ang nakarinig at humakbang papalayo sa pinto. -------- Nabigla si Kristoff sa paghalik ni Maggie sa kanya. "Nagulat ka ba?" wika ni Maggie. "Nagulat lang ako.." "Bakit ka nagulat eh, parati naman kita hinahalikan at inuunahan." pabiro ni Maggie. "Wala lang." "I love you honey!" sambit ni Maggie. "May regalo ka ba sa akin?" "Huh? Ah, eh.." Nagmamadali siyang kinuha ang box sa bulsa niya. Excited naman si Maggie sa singsing at pagpropose nito. "Tumalikod ka.." utos ni Kristoff. "Huh? Bakit?" "May regalo ako sa iyo.." Takang -taka si Maggie pero excited na ito. Tumalikod si Maggie at kinuha naman ni Kristoff ang regalo sa loob ng box na hawak niya. "Happy birthday babe!" Bati niya sabay pinasuot nito sa leeg ni Maggie ang kwentas na siyang regalo nito. Nagulat si Maggie at di niya inexpect ito. " Kwentas?" Napangiti si Kristoff. "Nagustuhan mo ba?" " Akala ko..." "Hmm?" Medyo bothered si Kristoff sa reaction ni Maggie na mukhang disappointed at di masaya. "Hindi mo ba nagustuhan?" Napilitang ngumiti si Maggie, " I like it! Nice!" Niyakap agad ni Kristoff si Maggie nang marinig niya ito. Sa isip ni Maggie, " pero mas nice kung singsing ito! haist!" ---------- Napanaginipan ni Kristoff ang batang babae na nasa hospital at umiiyak ito. "Bakit ka umiiyak?" Hindi man sumasagot ang bata pero patuloy ito sa pag-iiyak. Hanggang nagising nalang si Kristoff. "Panaginip lang pala." Pagkarating niya sa opisina ay agad niyang inutusan ang isang katiwala na hanapin at alamin ang nangyari sa batang iyon. Gusto niyang malaman kung ano nang nangyari sa bata. "Alamin mo kung ano ang nangyari sa batang naroon. Isinulat ko dyan ang detalye kung anong room siya at taon. Iyon ang panahon kung saan nahospital ang aking ina." Utos niya sa isang detective at inabot niya ang papel na may nakasulat na detalye. "Sige po sir. Maaasahan niyo po na may makukuha akong impormasyon." "Salamat." Palabas na ang detective at papasok naman si Abby sa opisina at may dalang mga papeles. Nakita niya ang detective at medyo na-curious ito. "May pinapahanap po ba kayo sir?" tanong ni Abby. "Meron." "Ahhh, kaya pala may detective.." Inilapag ni Abby ang mga papeles sa mesa ni Kristoff. Seryoso namang tiningnan ni Kristoff ang mga dinala nitong papeles. Kumuha siya ng ballpen para lagyan ng signature ito. Si Abby naman ay medyo mas na-curious sa nangyari kagabi. Medyo nahihiya man siyang magtanong pero nilakasan niya ang loob. "Ku- kumusta po ang date ninyo sir kagabi?" nauutal na usisa ni Abby. Napatigil si Kristoff at ibinaling ang seryosong tingin kay Abby. Medyo kinabahan si Abby sa reaction ng boss niya na napakaseryoso. "Uhmm... nagtatanong lang po." Nakayukong ani ng dalaga. Biglang nagsalita si Kristoff, "Bakit ka ba umalis kagabi ng di nagpapaalam?" "Huh?" Napaangat ang ulo ni Abby at nagulat sa tanong ng boss. "Po?" "Sa susunod, dapat ipaalam mo sa akin kung saan ka pupunta, kung aalis ka! As my secretary, I should know kung saan ka pumupunta!" Utos ni Kristoff. "Huh? ganoon po ba.." Nagpatuloy sa pag-sign nito sa mga papeles. "By the way, may isusuot ka na ba mamaya para sa party?" "Po? Party?" gulat na reaction ulit ni Abby. "Yes, party. Dadalo tayo sa isang pagtitipon ng mga investor ng kompanya. Kaya maghanda ka." "Ah, eh.. ano po ang susuotin? Pwede po bang formal?" "Hmm.. dapat cocktail dresses!" "Omg!" reaction ni Abby. "Mamaya na ba talaga?" "Yes..bakit, may problema ba?" "Ah, eh sir.. kasi po. Wala akong cocktail dress para sa mga ganoong okasyon." Paliwanag ni Abby. Napatingin si Kristoff sa kanya na napakaseryoso. "Are you sure?" "Yes I'm sure Sir!" ------ Nakahubad si Maggie na nakaharap sa salamin sa banyo at ready na mag-shower. Hawak niya ang kwentas na bigay ng kasintahan niya. Napapatingin siya sa kwentas na nasa palad nito. Hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng kwentas at hindi isang singsing. Napabuntong - hininga nalang siya. "Sigh!" Hinubad niya ang kwentas at inilagay nalang ni Maggie ito sa isang maliit na kahon na nasa may salamin. Pagkatapos ay pumasok na siya sa shower area. Samantala, si Abby naman ay panay tingin sa orasan habang nakaupo ito sa kanyang upuan sa opisina. Kinakagat-kagat niya ang ballpen na hawak nito. Hindi siya mapakali at di makapag-isip ng maayos dahil na rin sa bumabagabag sa utak niya. "Naku naman.. ilang oras nalang. Ano ba ang susuotin ko mamaya? Pwede bang hindi dumalo?" Kausap niya ang kanyang sarili. "Naku naman.. syempre dapat akong dumalo. Sigh!" Si Kristoff naman ay nasa loob ng opisina niya pero tanaw ni Abby ang binata. "Saan ba ako hahanap ng masusuot? Sigurado, mga mayayaman ang naroon mamaya. Nakakahiya naman kung.. haist! Napasubo yata ako agad. Kung bibili naman ako... haist!" Naiinis na tuloy siya sa kanyang sarili. Hanggang, naisipan niyang tawagan ang mga kaibigan niya gamit ang telepono dahil wala na siyang cellphone ngayon. "Matawagan nga si Lala..." Muntik na niyang tawagan ang dalaga ng may pumasok sa isip niya. "Hindi pala hilig ni Lala ang mga ganoong damit..hmm.." Nag-isip siya ulit. "Si Maggie kaya? Tama, sigurado may mga magagandang damit siya.. tawagan ko kaya!?" She dialed the number of Maggie at ilang minuto lang ay nag-ring ito. "Sagutin mo naman Maggie. I need you now. Please!" pakiusap niya na nagsasalitang mag-isa. Nag -ring ng ilang beses pero walang sumasagot. "Naku naman, bakit ngayon pa!?" Lumabas ng opisina si Kristoff at nakatayo ito sa may pinto. "May susuotin ka na ba para mamaya?" Napalingon si Abby habang hawak nito ang telepono. "Po?" "Tinatanong kita kung may susuotin ka na ba?" "Uhmm.. naghahanap pa po.." Naglakad patungo sa pinto si Kristoff at sinabing, "Tara!" "Sir?" nabiglang reaction ni Abby. "Kailangan ko rin ng masusuot para mamaya.. samahan mo na ako!" Utos ni Kristoff. Napatayo agad si Abby at sumagot, "Opo!" Ibinalik niya ang telepono sa lalagyan at dali daling hinablot niya ang kanyang bag. "Yes sir!" ------- Natapos na sa pag-shower si Maggie at tiningnan ang kanyang cellphone. May unregistered number ang nag-appear sa kanyang missed call list. "Sino kaya ang tumawag?" napatanong si Maggie. Nakasalubong ang mga kilay nito na para bang nag-iisip ng malalim. "Familiar.. pero kanino kaya ito? Hmm..." Hindi nagtagal ay binalewala nalang ni Maggie ang tungkol sa numero ng tumawag. Sanay na siyang may tumatawag sa kanya na mga di kilalang numero at ang iba ay stalker pa niya. -------- Sinamahan ni Abby ang boss nya para mamili ng susuotin nitong suit para mamaya. Nasa isang boutique sila at mukhang mamahalin ang mga binibentang mga damit. Magaganda at magagara ang mga nakadisplay na mga damit doon na pambabae at panlalaki. Napahanga talaga si Abby. "Wow!" May sapatos rin na pwedeng pilian at katabi nito ay isang salon na iisa lang ang may-ari at iyon ay walang iba kundi ang pamilya ni Kristoff. Pumalibot ang tingin ni Abby sa loob ng lugar at tila mga damit ng prinsipe at princesa ang naroon. Nakatayo malapit sa kanya ang isang saleslady. "Sino ang may-ari ng shop na ito?" Tanong ni Abby sa saleslady. "Ang pamilya ni sir Kristoff po.." "Oh, really?" Napatingin si Abby sa binata na nagsusukat ng suit nito sa may salamin na kasama ang isa pang saleslady. "Dito po siya pumipili ng mga damit na susuotin especially po kung may okasyon." Paliwanag ng saleslady. "Ganoon ba.." Napatitig si Abby sa binata na nakasuot ng white suit na bagay na bagay sa kanya. Inaayos nito ang kwelyo habang nakaharap sa salamin na napakalaki na abot hanggang paa. Napansin ng saleslady na nakatitig si Abby sa boss niya. "Ang gwapo ni sir di po ba?" bulong ng saleslady. "Oo nga, ang gwapo niya.. " wika ni Abby na nakatitig pa rin sa binata. Hindi maalis ang paningin nito sa kanya. Napangiti tuloy ang saleslady pagkatapos sabihin ni Abby ang mga yon. Napalingon si Kristoff at tinanong si Abby, " Okay lang ba sa akin?" Medyo nagulat si Abby at namula ito. "Huh? Po?" "Bagay ba?" paulit ng boss na tanong "Ah, eh, opo sir!" sagot ni Abby. "Okay na okay!" Ani nito sabay thumbs up. "Okay, kukunin ko na ito!" Kinabahan tuloy si Abby at umiwas ng tingin na ito sa binata. "Ano ba ang iniisip ko! Bakit ako nakatitig sa kanya kanina?" Bulong nito sa sarili. Hindi na hinubad ni Kristoff ang suit na napili niya at mukhang diretso na ito para mamaya. Lumapit si Kristoff kay Abby at sinabing, "mamili ka na ng susuotin mo!" "Po?" Nilingon ni Kristoff ang mga saleslady at inutusang, "Kayo na bahala sa kanya. May party kaming dadaluhan mamaya." "Yes sir!" "Teka.." Inabot ni Kristoff ang isang papel at tinanggap naman ito ni Abby. "Ano ito sir?" "Nakasulat dyan ang pangalan ng hotel at address ng lugar kung saan gaganapin ang party. Huwag kang ma-lalate!" "Huh? Pero.." "May dadaanan pa ako kaya pagkatapos mo rito, pwede kanang dumiretso roon." "Ah, sige po sir." Umalis na si Kristoff sa lugar at naiwan nalang si Abby roon. Habang nasa sasakyan ay may hawak hawak si Kristoff na isang paper bag na may lamang box. Hindi kalayuan ang hotel kaya Nakarating siya agad sa wakas. Sa pagbaba niya sa sasakyan ay iniwan nalang niya ang paperbag sa loob. Sinalubong siya agad ng mga katiwala at sinamahan papasok sa gusali. Agad pumunta sa function hall ang binata. Sa loob aynaroon ang mga bisita. Pumasok na si Kristoff sa hall. Nakasuot ng eleganteng mga damit ang mga bisita at nakasuit ang mga kalalakihan. Napakaganda ng hall na may chandelier sa gitna at pagpasok mo sa bulwagan ay bababa ka pa sa isang hagdan na mala-palasyo ang dating dahil naroon sa ibaba ang kasiyahan. May mga coctail at mga pagkain ang nakahanda at ang mga waiter ay panay lumilibot para bigyan ng wine ang mga panauhin. "Mr. Kristoff!" Bati ng mga tao sa kanya. Kilala si Kristoff na siyang tagapagmana sa kanilang pamilya. "Mabuti naman at nakarating ka.." wika ng isang investor. "Of course... Darating ako." Binigyan ng wine si Kristoff ng isang waiter. May lumapit pa na isang lalaki sa kanya, "Balita ko na ikakasal ka na?" Napatingin si Kristoff sa kanya na napakaseryoso. Ang isa ay nagsalita rin, "Oo nga, sabi ng ama mo. Sigurado, naghahanap na sila ng magiging apo at magiging tagapagmana sa hinaharap." Natawa lang si Kristoff, "Hindi ko pa napag-iisipan ang mga bagay na iyan!" "Busy ba sa kompanya ninyo?" "Ganoon na nga!" "Hmm.. huwag gaanong magfocus sa trabaho at bigyan rin ng break ang sarili." wika pa ng isa. "Mahirap na kapag di seryoso sa trabaho at kompanya lalo nat maraming competition ngayon." "Hmmm.. tama ka nga Mr. Kristoff." Napatanong ang isang lalaki, "Hindi ba dadalo ang mga magulang mo?" "Nasa abroad sila ngayon kaya hindi sila makakarating," paliwanag ni Kristoff sabay uminom ng wine. "Eh, ang girlfriend mo na isang model.. tama ba.. pupunta ba?" "She's not feeling well.." "Ahh.." Dahan-dahan na naglalakad si Kristoff paalis sa kinatatayuan niya kanina at para maiwasan ang iba. Busy na rin sa pag-uusap ang ibang mga malalaki at mayayamang tao na mga business tycoon. Napapainom nalang si Kristoff. Lumapit si Harry na pinsan niya. "Hi bro!" "Narito ka pala Harry..." pagtataka ni Kristoff sa pinsan na di hilig ang ganitong okasyon. "Pinilit ako ni mama na dumalo para raw makilala ang mga malalaking tao na sa mundo ng business.."pabulong nitong sagot kay Kristoff. "Ahh, ganoon ba!" "Malalaki nga sila.. malalaki ang tiyan!" pabirong sabi ni Harry. "Tumahimik ka nga!" sermon ni Kristoff. Napatingin si Harry at napansing mag-isa lang si Kristoff. "Nag-iisa ka lang?" "Hindi!" "Kasama mo si Maggie?" "Hindi. Hindi siya makakarating." "Ahh.. sino kasama mo?" Biglang naalala ni Kristoff si Abby na secretary niya. "Secretary ko!" "Ahh... tama pala. Iyong not so pretty secretary mo.." Nakakunot-noong tumingin si Kristoff sa kanya. "Teka, bakit ganyan ka makatingin. Totoo naman di ba, base sa nakita ko sa resume niya. Di ko pa nga lang siya nakikita in person." At.. Pumasok na rin si Abby sa hall. Nasa taas siya at palingon -lingon dahil hinahanap niya ang boss nito. Medyo nahihiya siyang bumaba tuloy. She's wearing white dress na medyo feather style ang dating. Fit na fit sa kanya at napakasexy nito. Nakasuot rin sya ng high heels at naka make up that suits her look and aura. "Ang dami palang tao.." Nakatayo lang siya sa may hagdan na tila may glue ang sapatos na nakadikit sa sahig. Bigla siyang kinabahan pero nilakasan pa rin niya ang loob. Humakbang pababa ng hagdan. Napalingon sina Kristoff at Harry sa babaeng pababa sa hagdan. "She's like an angel!" To be continued.. pls drop your reactions. thanks.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD