Chapter 8

3676 Words
Nagulat si Kristoff sa tanong ng ina ni Maggie. Natahimik saglit bago siya nakapagsalita. "Uhm, soon po.." napilitang sagot ng binata na umiwas agad ang tingin sa ina. Napangiti naman si Maggie na mukhang tuwang-tuwa sa narinig. "Okay, maghihintay kami. Naeexcite lang talaga kami!" wika ng ina ni Maggie na abot tenga ang ngiti. ------------- Kinabukasan ay nagkita si Meimei at Abby sa hallway ng gusali. "Abby!" Tawag ni Meimei sa kaibigan. Kumakaway siya kay Abby para mapansin siya agad ng kaibigan. Pagkalingon ni Abby ay nakita nya agad si Meimei. Napangiti ito at pinuntahan ang kaibigan. "Meimei!" nakangiting tawag ni Abby. "Kumusta Abby? Mukhang blooming ah!" "Huh? Hindi ah!" "Blooming ka ngayon. Iba talaga ang aura mo! Gumanda ka lalo." pangiting tukso ni Meimei. Nahihiya namang sumagot si Abby at napapayuko ito. "Ano ka ba! Palabiro ka talaga!" Simple lamang ang suot na damit ni Abby sa mga oras na iyon. Nakaformal dress lang ito na nakaskirt at high heels na usual na niyang sinusuot pero may napansin lang talaga si Meimei na kakaiba sa kaibigan. "Kumusta ang buhay sekretarya?" "Huh?" "Mahirap ba?" "Hmm...hindi naman." "Tama iyan! Laban lang tayo!" "Tama!" sagot si Abby. Dumating si Kristoff na kasama ang dalawang lalaki na nakasuot na black suit na nakasunod sa kanya. "Si sir!" Sabi ni Meimei sabay siko sa kaibigang kasama. Napatingin si Abby sa binatang naglalakad na dadaan sa kanila. Nang malapit na ito ay binati ni Meimei si Kristoff. "Good morning sir!" bati ni Meimei. Napatingin lang si Abby sa binata at hindi ito nabati. Napatingin rin si Kristoff sa kanya habang naglalakad at di sinasadyang nagkasalubong ang mga tingin ng dalawa. Tinapik ni Meimei ang likod ni Abby at bumulong, "Hindi ka ba babati kay boss?" "Huh? Uhmm.. good morning si - sir.." nauutal na bati ni Abby. Pagkatapos sabihin niya iyon ay iwas tingin si Kristoff sa kanya hanggang nakalayo na sila. Medyo kinabahan si Abby na talagang nagpakabog sa puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaction niya. Nagtaka naman si Meimei sa mga kilos ng kaibigan. Lumipas ang oras at nasa loob ng opisina si Kristoff. Si Abby naman ay nasa mesa nito. Sa loob ng opisina ni Kristoff ay tanaw niya si Abby sa bintanang salamin at ang dalaga naman ay kitang kita ang boss nito sa loob. Di maiwasang di sumulyap si Kristoff sa dalaga na nakaupo roon sa mesa niya. Nakaharap si Abby sa kanyang desktop habang si Kristoff naman ay nagsusulat sa mga papeles na nilalagyan ng lagda. Pasulyap -sulyap siya kay Abby habang nagsusulat hanggang may kumatok ng pinto sa pintuan kung nasaan si Abby. Napatingin si Abby sa pinto at tumigil sa ginagawa. Pumasok ang isa pang babaeng empleyado at may dalang bouquet ng bulaklak. "Miss Abegail, may nagpapabigay sa iyo!" Nagulat si Abby at napatayo. Hindi niya alam kung kanino galing ito. "Kanino galing?" tanong ni Abby. Inabot ng dalaga ang bouquet kay Abby. Nakita naman ni Kristoff ang dalang bulaklak ni Abby. Biglang kumunot ang noo ng binata. "Secret admirer mo!" huling hirit ng empleyado. Pagkatapos mahatid ay umalis na ito sa silid. Pinagmasdan ni Abby ang mga bulaklak at nagandahan siya rito. Napapangiti siya habang hinahawakan ang mga bulaklak. "Ang ganda.." Ang nasa isip ni Abby ay mula sa kasintahang si Paul. Sa kaiisip niya ay kinilig tuloy siya. Napaupo si Abby at pinagmasdan pa ng husto ito ang mga bulaklak. Hindi maalis ang tingin ng binata sa sekretarya niyang bakas sa mukha ang saya. Bigla nalang nanggigil sa inis ang binata kaya pinuntahan niya ang sekretarya niyang si Abby sa mesa nito na may dalang mga papeles. Inilagay ni Kristoff ang mga papeles na nasa kalahating ream sa mesa ni Abby. "Paki- photocopy nito ngayon din!" utos ni Kristoff sa dalaga. "Huh? Sir?" gulat na reaction ni Abby. Napatingin siya sa mga papeles sa ibabaw ng mesa niya. "Haist!" Pagkatapos niyang utusan si Abby ay pumasok agad siya sa silid niya. Pasulyap pa rin ito sa dalaga na nakatingin sa mga papeles. Dinala niya ang mga papeles para ipaphotocopy sa labas ng silid kung saan naroon ang machine. Dahan dahang dinala ng dalaga ang mga ito patungo sa may pinto. Di maiwasang palihim na sinusundan ng mga mata ng binata ang dalagang paalis na sa kwarto. Nakatayo si Kristoff sa may pinto ng opisina niya habang minamasdan si Abby. Pipihitin na sana ni Abby ang doorknob nang buksan ito ni Harry. Nagkagulatan ang dalawa at di inexpect ni Harry na si Abby ang unang makikita. "Hi! Ikaw pala!" masayang bati ni Harry sa dalaga. "Magandang umaga sir!" Ngumiti si Harry at tila di na matanggal ang mga titig sa dalaga. Napansin iyon ni Kristoff na lihim na nagmamasid sa kanyang opisina. "Natanggap mo ba ang bulaklak?" tanong ng binata. "Huh?" Nagulat si Abby ng malaman niya na ang nagpabigay ay si Harry. Narinig iyon ni Kristoff at siya rin ay di niya ito inaasahan. "Nagustuhan mo ba ang mga bulaklak?" tanong niya ulit. "Ahh.. sa inyo po pala galing iyon.." nahihiyang sagot ni Abby. "Yup and I really make sure na fresh at pretty ang mga ito.." "Ahh, ganoon ba.. salamat." Pangiti ngiti si Harry na talagang nakatitig sa dalaga. It was so awkward para naman kay Abby. "Let's have lunch together later? Okay lang ba sa iyo?" aya ni Harry. "Po?" nagulat si Abby sa pagyaya ni Harry at di siya nakapagready. Hindi ito agad nakasagot dahil hindi niya alam ano ang isasagot. "Okay lang ba sa iyo? It's my treat!" Si Kristoff naman ay lumabas ng silid niya na napakaseryoso. "Harry! Napadalaw ka!" He interrupted. Napalingon ang dalawa kay Kristoff na patungo sa kanila. "Hi bro!" bati ni Harry sa pinsan. Napatingin si Kristoff at inutusan niya ulit ito, "Pakitimplahan mo kami ng kape!" Hindi agad nakasagot si Abby. "Ngayon na!" "Pero.." Napakademanding yata ni Kristoff ngayon. "Opo sir." Napipilitang sagot nito at yumuko itong humakbang Umalis ng silid si Abby kahit dala ang mga papeles nito. ------------- Nasa loob ng opisina sina Kristoff at Harry. Bakas sa mukha ni Harry ang kasiyahan na talagang inspired. Habang si Kristoff naman ay napakaseryoso ng mukha. "Bakit ganyan ang mukha mo Kristoff. Chill bro!" pabirong sabi ni Harry. "Ano ba ang ginagawa mo rito Harry?" "Wala lang, binibisita ka ulit!" sagot nito na ngumunguya ng bubblegum. "Haist!" Naiinis na reaction ni Kristoff. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang siya makareact. "By the way, pwede ko bang yayaing kumain ang sekretary mo ng lunch?" paalam ng binata. Hindi sumagot si Kristoff bagkos ay mas tinitigan niya ang pinsan. "Tama ang narinig mo bro.." "Tigilan mo nga siya Harry. Huwag ka ng humirit sa kanya dahil may bf iyon!" galit na sagot ni Kristoff. "Lunch lang naman.. wala naman yatang masama.." giit nito. "Haist.. may business lunch kami mamaya." "Ow! Ganon?" nabigla si Harry sa sinabi ni Kristoff. "Tama! May business lunch kami. Imimeet namin si Sir.. sir.. sir ng.." nauutal na pagpapaliwanag ni Kristoff kay Harry. Kumatok si Abby sa pinto kaya nabaling ang atensyon nila. "Pasok!" Binuksan naman ni Abby ang pinto ng dahan dahan na hawak ang tray na may tasa ng kape. "Excuse me sir narito napo ang inyong kape." wika nito sabay pasok. Nagsalita ulit si Harry kay Kristoff, "Nabalitaan ko nga pala na tuloy na ang engagement ninyo. Congratulations bro!" Ilalagay na sana ni Abby ang tasa na may kape sa mesa ni Kristoff ng napatigil ito. "I am so happy for you!" Hindi nakapagsalita si Kristoff at napatingin ito kay Abby na tila tumigil. Napansin rin ni Harry si Abby at sinabihan nito ang dalaga. "Hindi mo ba Icongratulate ang boss mo na malapit ng iengage sa girlfriend niya!?" "Huh?.ahh.." Reaction ni Abby. Napilitang ngumiti si Abby at sinabing "Congratulations sir!" Ang ngiti ay tila napalitan ng kalungkutan na kahit pilitin niya ay para bang may kung ano ang kanyang naramdaman. Ibibigay na ni Abby ang isa pang baso kay Harry ng nagsalita ulit ang binata. "Susunod sa engagement ay kasal na!" Hindi sinasadyang nabitawan ni Abby ang baso at nabasag ito sa sahig. "Naku po! Sorry!" Agad namang napatayo si Harry gayundin si Kristoff. "Sorry...sorry!" Pupulutin sana ni Abby ang nabasag na baso pero pinigilan siya ni Harry. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Harry na hinawakan ang kamay ng dalaga. "Okay lang.." Mukhang umusok sa galit si Kristoff pero di niya ito pinahalata. Ilang try nalang at mukhang sasabog na ito. Nagsalita si Kristoff, "Huwag mo ng linisin iyan! Trabaho iyan ng janitor!" "Pero sir.." Pasulyap si Kristoff na tumingin sa mga kamay nilang dalawa. "By the way, may imimeet tayo mamayang lunch. We will have a business lunch!" "Huh.. ah. Yes sir!" "Call the janitor immediately!" utos ni Kristoff sabay upo sa upuan niya. "Yes sir!" Dali daling lumabas si Abby para tawagin ang janitor. ------- Umalis na sina Abby at Kristoff sa opisina para imeet ang sinasabing ka-business lunch nila. Pumunta sila sa isang restaurant na medyo malapit lamang sa kanilang opisina. It's a fine dining restaurant na ang mga customers ay talagang mayayaman. Inihatid sila ng waiter sa kanilang upuan na pang VIP. Napapalingon lingon si Abby at namangha sa loob ng restaurant. It was her first time na makapasok sa restaurant na ganito. Mukhang ang mga kumakain ay may mga business transactions at mayayaman pa. "Thanks!" wika ni Abby sa waiter. Napaupo na silang dalawa na magkaharap. Binigyan na rin sila ng menu at nakatayo sa may gilid ang waiter na kukuha sa kanilang order. "Just order!" utos ni Kristoff na napakaseryoso na tumitingin rin sa menung hawak. Medyo nagtaka si Abby. "Sir, hindi po ba natin hihintayin ang kameeting natin bago tayo mag-order?" tanong ni Abby. Hindi sumagot si Kristoff at nagpatuloy sa pagbabasa ng menu. Nagtaka naman si Abby pero hindi na niya ito pinansin. Nagulat ang dalaga sa mga nakalista sa menu na talagang pang-mayaman.Sa dami at mamahalin ang nasa menu ay di siya makapili. Tuloy ang boss na ang nag-order para sa kanila. ------- Nakabalik na sila sa opisina at talagang nagtataka si Abby sa mga kinikilos ng sir nito. Sa isip niya, "Ano ba ang problema ni sir!? Akala ko ba may kameeting kami roon. Haist! Wala naman pala.." Nasa elevator ang dalawa at patungo sa 25th floor. They were standing next to each other. Seryoso ang mukha ni Kristoff at tahimik lamang. Pasulyap-sulyap naman si Abby sa boss niya na katabi niyang nakatayo. May pumasok bigla sa utak ng dalaga. Napapatanong tuloy siya sa sarili. "Ginawa lang kaya niya iyon para hindi matuloy iyong pagyaya ni Sir Harry?Possible kaya? hmm.." Napakunot noo si Abby at binatukan ang sariling ulo. "Haist Atbby, iba naman ang iniisip mo! Huwag mong pag-isipan ng ganito si sir! Wala siyang dahilan para gawin niya iyon!" Naiinis na sermon ng dalaga sa sarili. Hanggang biglang umalog ang elevator na medyo malakas kaya napahawak siya sa braso ng boss nito. "Ahhh!" sigaw ni Abby na nawala ang balanse nito. Napaalalay naman si Kristoff sa dalaga at nahawakan niya ang bewang nito. Magkaharap na ang dalawa na tila tumigil ang oras sa kanila at di inaasahan ay tumigil rin ang elevator. Saglit ay nagkatitigan sila. Napakalakas ng kabog ng dibdib nilang dalawa. Namumula na ang pisngi ni Abby habang nakatitig sa binata. Bigla ring nagfluctuate ang ilaw sa loob. Napatingin sila agad sa ilaw at agad humiwalay sa isa't isa. Iwas tingin agad ang dalawa na talagang nahihiya sa mga nangyayari. Tiningnan na rin ni Kristoff ang mga button at mukhang hindi na ito umiilaw at di na gumagalaw ang elevator. "Haist! Bakit hindi nila ito chineck!?" galit na sabi ni Kristoff. He tried to use his phone pero walang signal. "Naku naman!" Naiinis na reaksyon ni Kristoff. Nag-alala na tuloy si Abby dahil sa mga nangyayari. "Anong nangyayari?" tanong ni Abby. "Sira ang elevator!" "Huh!?" Napalingon si Kristoff at inulit pa niya. "Sira ang elevator!" "Oh my!" Mas nag-alala si Abby. "Dito nalang ba tayo? Hindi na ba tayo makakaalis?" nagpapanick na si Abby at mas lalong kinabahan ang dalaga. "Paano kung hindi na maayos ito? Oh my!" "Makakalabas tayo!" giit ni Kristoff. "Paano kung hindi!?" Seryosong lumapit si Kristoff sa dalaga na nagpapaatras sa kanya. "Edi dito lang tayo.." malumanay na mga salita ng binata. "Huh?" Napasandal na ang likod ni Abby sa dingding at napakalapit na ni Kristoff sa kanya. "Sir..uhmm.." Nasa harapan na ni Abby si Kristoff na nakatingin sa kanya. Mas lalong kinabahan si Abby. "Sir?" Bumaba ang tingin ni Abby sa mga labi ni Kristoff na umaakit sa kanya. He was so tempting. Napapalunok nalang si Abby habang napapatitig sa mga labi ng binata na unti-unting lumalapit sa kanya. Mas lumapit pa ang mukha ni Kristoff sa mukha ni Abby na may balak na halikan ito. Napahawak ang binata sa dingding kung saan nakasandal ang likod ni Abby. Napapipikit nalang si Abby pero nakakunot ang noo nito. Palapit ng palapit ang mukha ng boss niya sa kanya na tila hahalikan siya. Until.. Lumayo ito agad sa kanya. Umiwas ng biglaan si Kristoff at tumalikod. Napadilat naman si Abby at talagang nagulat siya sa pag-iwas ni Kristoff. "Sorry.." paghingi ng tawad ng boss niya. Hindi nakapagsalita si Abby bagkos ay medyo nahiya siya. What did she expect? Hindi na makatingin ng diretso si Abby sa boss niya na muntik na siyang halikan. Mali nga namang magexpect na hahalikan siya nito. It was an awkward moment sa kanilang dalawa. Napayuko ang dalaga dala na rin sa hiya. Mas lumayo si Kristoff sa kinatatayuan ni Abby at ipinasok ang mga kamay sa sariling bulsa. Pagkatapos ay bumukas na ang elevator. ---------- Di maalis sa isip ni Lala si Paul na siyang crush niya noon. Kaya naisipan niyang hanapin sa social media ang account ng binata. "Paul.. paul.. paul.. matingnan nga.. hmm.." patiently na naghanap si Lala. Sa kwarto niya, nakaharap siya sa kanyang desktop at sa gilid nito ang cellphone niya na may picture ni Paul na nasa kama at tulog. Kumakain rin siya ng pika-pika at ngumunguya. "Hmmm.." Hanggang nakita niya ang isang larawan ni Paul na may kasamang babae. He hugged a girl na nakatalikod. "May girlfriend pala siya.." The caption: " My love of my life!" Mas na-curious pa si Lala at binuksan pa ang mga album nito na naka-public. There was a lot of pictures together with a girl. Seryoso itong tiningnan ang mga larawan nila. At. At may nakita siyang isang picture na medyo close up ang mukha and Paul kissed the cheek ng girl while the girl was smiling while closing her eyes. She looks familiar. "Teka.." Nagulat ito. "Abby?" Tiningnan pa niya ang ibang larawan. "Si Abby nga!" Napakunot -noong pinagmasdan niya ang mga larawan nila. Naaalala ni Lala ang mga panahon na nag-aaral pa sila. Flashback--- "Crush ko si Paul!" matapang na umamin si Lala sa kaibigan niyang si Abby. "Ang gwapo at sikat kasi siya!" "Talaga?" wika ni Abby. Masaya si Abby para kay Lala. "Abby, paano ba mapansin ni Paul? Eh, ang pangit ko!" malungkot na sabi ni Lala. "Ano ka ba, wala sa labas na anyo ang kagandahan.. nasa puso iyan at kalooban. Ang mahalaga ay maipakita mo sa kanya na gusto mo siya!" "Wow! Ang galing mong magpayo." Napangiti lamang si Abby. Napatanong si Lala, "Teka lang, may napupusuan ka na ba?" "Huh? Ako? Wala!" "Really?" "Oo, wala nga!" "Baka gusto mo rin si Paul?" "Huh ako? Magkakagusto sa kanya? Never!" Natawang sagot ni Abby. "Di nga?" "Hindi nga ako magkakagusto sa kanya. Eh, sa iyo iyon!" "Hm?" Napayakap si Lala kay Abby. "Salamat Abby! Alam kong di mo ako bibiguin. Kung gusto mo siya, magtatampo talaga ako sa iyo." "fan lang ako!" End of flashback. "May gusto ba siya kay Paul noon? Nagsinungaling ba siya na wala siyang gusto.." Naging seryoso ang mukha ni Lala habang tinitingnan ng isa-isa ang mga larawan nila. "Sila pala..sila pala ni Paul!" Mukhang naiinis si Lala sa mga nangyayari. Hindi siya makapaniwala na sila ni Abby at Paul ngayon. ------ Nakaupo sa kanyang upuan si Kristoff habang pasulyap -sulyap sa dalagang nag-aayos ng kanyang gamit sa mesa nito. Hawak rin niya ang paper bag na may lamang box ng bagong cellphone. Napapabuntong - hininga nalang ito. Halata sa kanya na may bumabagabag sa isip nito. "Sigh!" Kumatok muna si Abby bago pumasok. "Sir.." wika nito pagbukas ng pinto. Medyo nagulat si Kristoff at nagmamadaling itinago ang hawak na paperbag. "Ano iyon?" "Mauna na po ako.." pagpapaalam ni Abby sa boss. "Huh?" reaction ni Kristoff na napatingin sa wall clock. It was 5 oclock already. "Ahh, ganoon ba.. sige makakaalis ka na." Umalis na si Abby sa silid at naiwan na lang si Kristoff roon. Napatingin siya ulit sa paperbag. "Bakit mo ba binili ito?" Tanong niya sa sarili at sinagot rin niya, "Paano ko siya ma-kokontact kung wala siyang cellphone! Asar!" Napatayo ang binata at naisipang sundan ang dalaga. Dali -dali itong umalis sa kanyang opisina na dala ang paperbag. Tumakbo ito paalis sa gusali at nagtanong sa isang empleyado na nasa may pinto kung saan nagtungo si Abby. "Lumiko po siya roon sir!" "Okay, salamat!" Nagmamadaling naglakad si Kristoff para maabutan pa si Abby. Palingon-lingon at patingin tingin siya sa daan para mahanap agad ang dalaga. Hanggang.. Nakita na rin niya si Abby sa may daan. Napangiti si Kristoff ng makita niya ang dalaga pero biglang nawala rin ang ngiti ng binata ng makitang may kausap itong isang lalaki. Hindi na siya lumapit bagkos ay pinagmasdan niya ang dalawa. May inabot ang lalaki kay Abby na isang box at binuksan naman ito ni Abby. Sa loob ng box ay isang cellphone. "Wow!"hindi makapaniwala si Abby na makakatanggap siya ng cellphone mula kay Paul. "Nagustuhan mo ba?" tanong ni Paul. "Oo naman!" "Nag-aalala kasi ako sa iyo. Hindi kita macontact dahil wala kanang cellphone kaya naisipan kong bigyan ka." "Thank you!" "You are always welcome!" Niyakap ni Paul si Abby at gayundin ang dalaga. Si Kristoff naman ay napaiwas ng tingin at tumalikod agad. Mukhang nagpipigil ang binata sa kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon nalang ang kanyang naramdaman na nakita si Abby na kasama ang kanyang boyfriend. Parang ang bigat ng pakiramdam niya na para bang kung anong bato at martilyo ang pumukol sa dibdib niya na di siya makahinga. Bumalik nalang si Kristoff sa opisina. "Naabutan niyo po ba sir si Ms. Abby?" tanong ng empleyado. Hindi sumagot si Kristoff na para bang nakatulala ito an bumalik. "Sir?" Iniabot ni Kristoff ang paperbag sa empleyado, "Sa iyo na iyan!" "Po?" "Kunin mo na!" Binuksan ng empledayo ang paperbag at nakitang cellphone ito. "Sir, cellphone ito.." "That's yours already!" at nagpatuloy na ito sa paglalakad sa lobby. "Thank you sir!" Nakabalik na rin sa wakas si Kristoff sa kanyang opisina. Natatawa ito sa sarili na may halong inis. "Bakit ko ba siya bibigyan? Bakit ba ako nag-eeffort? Why I cared so much for her? She is just my secretary! She's my secretary!! Baliw ka na Kristoff!" sermon nito sa sarili. ---------- Pumunta muna ng cafe si Lala bago pumunta sa kanyang trabaho. "Heto ang cappucino with love!" Wika ni Jerick na ibinigay ang kape sa girlfriend na nakaupo. "Thanks.." malumanay na sagot ni Lala. Nagtaka si Jerick sa kinikilos ni Lala. "May problema ba Babu?" tanong ni Jerick na napaupo agad sa harapan nito. "Wala naman.." Hinawakan ni Jerick ang noo ni Lala at nagulat ang dalaga. "Anong ginagawa mo?" "Tinitingnan ko lang kung may lagnat ka o di kaya sakit?" sagot ni Jerick. "Jerick, wala akong sakit. Okay lang ako." "Hmmm... Hindi ka naman mainit." "Sabi ko nga, wala akong sakit!" "Matamlay ka kasi." "Hindi lang ako nakatulog kagabi kaya ganoon," pagpapaliwanag niya. "Hmm.. di ka makatulog dahil sa kaiisip sa akin?" Napalapit ang mukha ni Jerick kay Lala at nakangiti ito. Ang dalaga naman ay medyo nahihiya sa inaasal ng kasintahan. Salamat at walang costumer sa mga oras na iyon. "Ano ka ba!"sermon ni Lala. "Aminin mo na na ako ang iniisip mo?" makulit na tanong ni Jerick kay Lala. Ang pagkainis ni Lala ay napalitan ng seryosong usapan. "Bakit ang bait mo sa akin?" seryosong tanong ni Lala. Nagulat naman si Jerick pero sinagot rin niya ito. "Kasi girlfriend kita.. mahal kita!" "Paano kung magbago ako? Paano kung masama ako? Paano kung marami akong lihim? Mamahalin mo pa rin ba ako?" "Ang alam ko lang ay mahal kita!" seryosong sagot ni Jerick. Napaluha si Lala habang napatitig siya sa mga mata ni Jerick. Napatayo ang binata. Lumapit ang mukha nito sa kaharap na dalaga. Inabot ng labi ni Jerick ang labi ni Lala habang ang dalaga ay nakaupo. They kissed. Ilang minuto lang ay lumabas si Wendy mula sa kusina na may dalang mga baso. Nagulat ito ng makitang naghahalikan ang dalawa. Sa pagkagulat ay nabitawan niya ang mga dala at nabasag sa sahig. Napatigil sila Jerick at Lala at napalingon sa pagkarinig ng mga nabasag. "Sorry! Sorry!" Nagmadaling pinulot ni Wendy ang mga nabasag na piraso. Napatayo si Jerick at tinulungan ang dalaga. "Sorry boss!" Sabi ni Wendy. "Mag-ingat ka sa susunod." Lumabas na rin ang dalawang lalaki sa kusina, "Naku Wendy.. hindi ka nag-iingat!" Agad kumuha ng dustpan ang isa at walis. Tumayo si Lala at umalis na ito sa cafe na wala man lang sinabi. "Lala!" sigaw ni Jerick ng makita ang kasintahan na lumabas sa pinto ng cafe. Ang tatlo naman ay napatingin rin kay Lala na mukhang nagmamadaling umalis. "Anong nangyari kay Ms. Lala?" tanong nong isang lalaking mataba. Nakataas naman ng kilay si Wendy at halatang naiinis. Tumayo si Jerick at sumunod ito palabas sa pinto pero wala na si Lala. He dialed her number and tried to contact her. But Lala texted him first. "Sorry.. I need to go. May trabaho pa ako." Kinabahan si Jerick sa kinikilos ni Lala. Dahil sa reply niya ay gumaan ang pakiramdam nito. Jerick replied: "Okay! Ingat ka palagi. Love you!" Lala replied a smiley face. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD