Masayang nanirahan sina Abby at Kristoff kasama ang kanilan anak na si Timothy. Dahil sa kasipagan nila ay mas lumago ang kanilang business at tumaas ang katungkalan ni Kristoff na naging kanang – kamay ng may – ari ng kompanyang pinapasukan niya. Ang mga kapitbahay din nila ay puno ng suporta sa mag – asawa at napamahal na sa kanila. Ang turingan nila ay parang isang malaking pamilya. “Hon,” paglalambing ni Abby na umupo sa kandungan ng asawang nakaupo sa couch. “Yes mahal ko?” “Anong plano po?” “Plano? Anong plano?” “Matagal na rin tayo rito. Magdadalawang taon na noong umalis tayo sa lungsod at nanatili rito. Naisip mo bang bumisita at sabihin sa ina mo ang tungkol sa atin?” Natahimik si Kristoff. Ngumiti si Abby at hinawakan ang magkabilang pisngi ng asawa. Pinaharap niya ito.

