Di maiwasang magtaka si Paul kay Jerrick kung bakit lumabas siya sa tent nila Maggie at Kristoff. Nang tanungin siya ni Paul ay nagulat ang binata at di makasagot agad. Dumating na rin si Kristoff na nasa may likuran ni Paul. "Anong kaguluhan 'to? May problema ba?" Pagtataka ni Kristoff sa dalawang binata na nakatayo lamang. Napalingon si Paul at napatingin naman si Jerrick kay Kristoff. Nakakunot-noo si Kristoff na tila iba rin ang nararamdamang tensyon. Agad binati ni Jerrick si Kristoff at nilapitan niya ito na para bang walang nangyari. "Salamat naman at narito ka na! Kanina pa kita hinahanap!" Inakbayan nya agad si Kristoff. Nagtataka naman ang ekspresyon ng mukha ni Kristoff. "Saan ka ba pumunta? Ang aga mo yatang nag-jogging!" Usisa ni Jerrick na nakangiti. "Huh?" reaction ni

