07 Malia Halos alas dose na din ng gabi nung makauwi kami sa dito sa condo ko. What a long tiring day. Nandito ako ngayon sa elevator at bitbit ko si Sabrina na nakatulog na kakaiyak at kakahanp kay Liam. Naglalakad na ko sa hallway ng kung nasaan ang unit ko nung may mapansin akong pamilyar na taong nakatayo sa harapan ng unit ko. “Matteo.” Sambit ko sa ngalan niya nung makalapit ako. “Malia..” Sambit nito at saka lapit niya sa’kin. “Anong.. anong ginagawa mo dito?” Takang tanong ko sa kaniya. “Dinadalaw ka.” Magiliw niyang sambit tapos may pakindat kindat pa ang mokong. “Tara pasok ka sa loob.” Aya ko sa kaniya at pagkatapos ay dali dali kong binuksan ang unit ko. “Ah, pasensya na kung nabigla kita. Ilang araw ka na din kasing hindi pumapasok, I’m worried kasi hindi ka d

