11 Anastasha Nandito ako ngayon sa isang restaurant to eat and chitchat with Rafa. “So, anong nangyari kina Malia and Liam? Nagkikita pa rin ba sila? Salubong niyang tanong sa’kin nung makalapit ako sa kaniya. “Hindi.” Tipid kong sagot at inom ko ‘yung kapeng nasa harapan ko. “Hindi na sila masyadong nagkakausap at nagkikita, mga dalawang linggo na din pero sinabihan ko siya ngayon na pumunta kina Mali para makita niya ‘yung anak ni Malia dahil sabi niya ay birthday nito ngayon at ayaw niya naman na mas lalo pang magtampo ang bata sa kaniya.” Kuwento ko kay Rafa pero kita ko na tumaas ang kilay niya sa mga sinabi ko. “Are you out of your mind?” Dismayado niyang sambit. Natawa na lang ako at ininom ko ang kape na nasa harapan ko. “Alam ko ang ginagawa ko, Rafa.” Confident kong s

