26 Malia My world is slowly falling apart, hangga’t hindi pa lumalabas ang doktor mula sa emergency room ay hindi ako mapapakali. Parang gusto kong sumabog dahil sa sobrang galit na nararamdam ko ngayong nasa harapan ko si Anastasha, hindi ko dapat ipinagkatiwala sa kaniya ang anak ko o siguro nga dapat una pa lang ay lumayo na kami sa kanila, edi sana ay hindi nangyari ito. I should’ve known better. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan ko si Anastasha. Bilib talaga ko sa babaing to. Talagang may kapal pa siya ng mukhang pumunta dito at humarap sa amin knowing that she should be the one responsible for this dahil siya ang huling kasama ng anak ko. Para lang akong posteng nakatayo dito habang pinagmamasdan ko si Anastasha at pinapanood ko na unti unting maglakad papalayo sa ami

