28 Liam Mahigit isang taon na simula nung mawala si Sabrina, maraming nagbago. Parang bumaliktad ang mundo ko dahil hindi lang si Sabrina ang nawala sa akin, nawala rin sa akin ang mga kaibigan ko, nawala rin si Malia. Naiintindihan ko na mahirap para sa kaniya ang nangyari at miski ako ay hindi ko din mapatawad ang sarili ko pero ang sakit kasi matapos namin ihatid sa huling hantungan niya si Sabrina ay pinutol na din ni Malia lahat ng koneksyon na meron kami. Matapos nung insidemteng yo’n ay nagdesisyon na din akong tapusin ang lahat sa amin ni Anastasha. Nagmakaawa siya na manatili ako pero hindi ko na siya kayang makasama, buhay ang nawala at hindi ko yo’n basta bastang makakalimutan dahil patuloy akong inuusig ng konsemsya ko. At nung nawala si Malia at saka ko lang napagtanto

