Yuli
Siguro naman okay lang si Princess doon.
Wala naman siguro siyang gagawing masama? Sana. Troublemaker pa naman siya kaya itong si Yuri over acting sa mga ginagawang mali ni Princess.
"3:30 Nakakatamad bakit ba kasi vacant pa ng ganitong oras?" Si Yuri
Oo nga mamaya pang 6 ang pasok namin napaka haba ng vacant, Wala namna ibang mapagkaabalahan dito sa Leo.
"Hoy Rex hindi ka parin nagbabago napaka tahimik mo parin." Sabi ko nang mapansin ko na nasa sulok lang si Rex.
Hindi niya naman ako pinansin at hinarap lang yung librong binabasa niya. Sa aming magkakaibigan ito talagang si Rex ang pinaka misteryoso. Tahimik pero nakakatakot naman kapag kinausap ka na.
Hindi na ako nagsalita pa, inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa. Ang iba ay abala sa kanya-kanyang ginagawa.
Nagbabasa lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at nang makita ko ay si Kinzy pala ang nagtext. Oh? Bakit naman kaya?
"Yuli!" Iyan lang ang laman kaya't hindi ko na pinansin baka mamaya magtatanong lang siya tungkol kay Yuri.
"Gagawin nanaman akong tulay." Sabi ko.
Bigla namang napatingin sa akin si Yuri pati na ang iba.
"Wala 'yon." Sabi ko nalang dahil napalakas pala ang pagkakasabi ko.
Hindi ko nireplyan si Kinzy instead tinawagan ko siya at niloud speaker makailang beses nagring pero sinagot din naman agad.
"Hello?!"
Nailayo ko ang cellphone ko sa lakas ng boses niya.
"Dude kung ano ang ikinatahimik mo siyang ikinaingay ng kapatid mo." Natatawang sabi ni Seizz
Napakibit balikat naman si Rex.
"Anong problema?"
"S-Si... S-Si..."
Ano daw?
"Hindi ko maintindihan." Sabi ni Yuri
"S-Si Ano! S-Si..."
"Sino nga?" May iritasyon na sa boses ko dahil hindi maidiretso ni Kinsy ang sinasabi.
"Si Yuki! Si yuki makikipaglaban mamaya kay Lorgan!"
"Ano?" Napatayo ako sa narinig.
Lalaban? kay Lorgan?
"Si Princess lalabanan si Lorgan?" Tanong ko kay Kinzy
"Oo nga!"
Napatingin ako kila Yuri nang nagtatanong.
"Pero teka sino ba si Lorgan?"
Bigla ba naman akong binatukan nitong si Licc
"Naman dude?" Naexcite lang ako. Sino ba 'yong Lorgan?
Napataban si Yuri sa ulo niya at alam kong kunsumido nanaman siya.
"She's into 'it' again... her happiness" si Yuri
Napakunot naman ang noo ni Rex sa sinabi ni Yuri.
Tama Princess' happiness depends on the person na natatalo niya sa isang laban.
"Hello? Yuli? hello?"
"Oh?"
"Sabi ko si Yuki makikipaglaban mamaya sa field ng 4:00 hindi niyo ba siya pipigilan?"
Uh- hindi namin pwedeng gawin 'yon'.. nakakatakot si Princess kapag pinapakialaman. Lalo na't kung ineenjoy niya ang ginagawa niya. Pero kahit ganoon at kahit sino pa ang kalaban niya tiyak kaya naman niya yoon. Wala kaming dapat ipag-alala ni Yuri pero... baka lumabas nanaman ang itinatago niya.
"Let's watch."
Napatingin ako sa nagsalitang si Rex.
Nakatayo na siya at nag-iinat naitiklop narin niya yung libro na binabasa niya.
"Oo nga para hindi tayo ma-bore dito." Psyche
Nagsi sang-ayunan naman sila.
"Hoy Kinzy andyan kapa ba? Pupunta kami diyan."
"Huwa talaga?! Sige-sige!" She said at pinatay na ang tawag.
Pero nakaramdam ako ng masamang tingin sa akin at paglingon ko nakita ko si Yuri na masama ang tingin sa 'kin,
"Woah. Baket?"
"Bakit sa 'yo siya tumawag?"
"Ewan?"
"Kailan pa kayo naging close?"
"Nito-nito lang?"
Sumama lalo yung tingin niya.
"Oy, Dude alam ko namang sayo may gusto yang si Kinzy ayoko diyan sa iniisip mo no."
Pambihira itong si Yuri grabe talaga pati ba naman ako pinagdududahan diyan kay Kinzy hindi mano kasing ligawan niya ulit there's no doubt naman na sasagutin siya kasi halata namang mahal pa siya nung tao.
Hay kaya ayoko magka lovelife dahil sa mga nakikita ko sa kanila.
Yuki
I get up as I saw the time.
3:58 pm
"UyYuki do you really need to fight him?" Tanong sa akin ni Kinzy
"Oo." Sabi ko lang sa kanya. Wala ng dahilan pa para umatras isa pa kailangan kong ayusin ang skwelahan na 'to para narin kay Mom ayokong maging ganito ang school na nagbibigay alala sa kanya.
"Sasama ba kayo? Mas mabuti pang dumito nalang kayo baka magkagulo pa roon mamaya."
I said to them as I walk out the room.
Ayoko na may madamay pang iba dahil sa akin tama nayung nangyari years ago.
This is my life I am born to fight at the right time I'll be back for revenge to the people who's responsible for the death of my mom. Tama I am born to fight at makikita ito sa mga mata ko. Hindi naman ako magkakaganito kung wala silang inagaw mula sa akin hindi ko kagustuhang may madamay pero humaharang sila at nakakasira sa mga naiwan ni Mom kaya face the consequences.
Pagdating ko sa field ang daming tao. I glance at my wrist watch to see the time and it's 4:02pm
"You're late."
Lorgan shouted.
"Pero ayos lang din naman, hindi naman kabawasan ang dalawang minuto sa pagtalo ko sayo."
Talagang ang taas ng confidence ng lalake na 'to nakakapika ng konti. Para siyang yung kapatid Kinzy nakakainis.
Parang lahat ata ng estudyante dito sa Alice ay makikiusyoso sa mangyayarIng labanan. Hm... Tama lang na nandito sila para makilala nila kung sino ang isang Chiyaki Yuki Romero. Na hindi dapat kinakalaban ang tulad ko.
"So? are you going to just stare at me?"
I asked Lorgan na ikinawala ng ngiti niya.
"Grabe, Gusto na atang mamatay ng babaeng yan."
"Oo nga pre, Ang lakas ng loob magsalita ng ganun kay Lorgan."
"She's just a girl who has a beautiful face and a drop dead body. Siguradong walang batbat 'yan pagdating sa labanan."
"Yeah."
Bulong-bulungan ng mga kalalakihan.
Nah-ah... Boys I'm not just a girl. But thanks for the beautiful face and drop dead body.
bumalik naman ang atensyon ko sa lalaking hindi na nakangiti sa harap ko may mali sa kanya at kanina kopa iyon napapansin. nagkibit balikat lang ako sa sama ng tingin niya at ipinagwalang bahala ito. ako? ako na isang Romero masisindak sa ganyang titig? no way.
"S-Siya! Siya 'yong babae kanina!"
Nagawi ang tigin ko sa sumigaw.
Sino 'yon?
"Siya yung transferee na tumalo sa amin!"
Ah... Sila yung nagtapon ng malagkit na bagay sakin akalain mong makikita kopa sila dito. Tsk. lagot sakin 'yang mga yan mamaya.
I raised my middle finger and shouted.
"Go to hell assholes. I'll rip your head kapag nahuli ko kayo after ko dito." at sa takot ay napatakbo ang karamihan sa kanila.
Serves them right! Hindi ko mapigilan ang hindi matawa sa nangyari.
"So they know you?"- Lorgan
"Yes. Mister are you really just going to stare and ask questions? Hindi tayo matatapos dito."
Sa sinabi ko bigla nalang sumugod si Lorgan nagpakawala siya ng isang suntok.
Nginisian ko siya. Wala yan. Masyadong mabagal.
sinalo kolang ang kamay niyang handang tumama sa akin.
"Yun na 'yon?"
Nagngitngit naman siya agad at sumugod nanaman hindi ko alam na may pagkapikon pala 'to. Natutuwa pa naman ako sa mga nagiging kalaban ko na may pagka pikon.
I keep on teasing him na mas lalo nagpapainit ng ulo niya. Kaso may mali talaga parang may kakaiba dito sa Lorgan na ito... Inilinga ko ang paningin ko and a group of people caught my attention.
Fck? Bakit kasama ni Kinzy yang mga yan? Tsk. mukhang alam ko na.
Kinzy's mouth sometimes need to shut pero mali atang mawala ang atensyon ko sa kalaban ko dahil muntik nakong madaplisan ng...
Uy teka pwede pala ang kutsilyo dito? Nadaplisan tuloy ako sa pisngi. Nako naman.
"Nandito kasi ang kalaban mo kung saan-saan ka nakatingin." Lorgan said pero napalingon parin ako kila Yuli at Yuri pati sa mga kasama nila.
Teka parang dumami ata sila? Pero wrong move nanaman.Bigla kong naramdaman yung kamay ni Lorgan sa bewang ko and now he's too close.
Hm... gwapo din naman siya kaso nga lang bad guy at sinisira niya ang reputasyon ng school ni Mom.
"Paano ba 'yan? Mukhang sa akin ka mapupunta." Lorgan
"Asa."I said as I lift my right leg and kicked him.
Nagulat ang lahat ng malamang ang babaeng transferee ang lumalaban kay lorgan lalo na ang mga nakalaban nito nung umaga.
Pero may isang tao ang natutuwa sa kanyang napapanuod at sa iisang tao lang nakatuon ang paningin niya.
"My... my... As expected she's strong. The way she caught those coins I threw on her a while ago I noticed that she's not just an ordinary girl. Tama nga Master..."
Nagulat ang mga kasamahan nito sa mga narinig. Ngayon lang nagkainteres sa babae ang boss nila lalo na't kakikita palang nito dito.
Ngunit naiinis naman si Yuri sa pinaggagawa ng kapatid.
Ang bilin dito ay ayusin ang school pero bakit ganito ang ginagawa nito unang araw palang? Ganito ba nito pamamahalaan ang ipinagkatiwalang skwelahan dito?
"Wooh go Princess!" Sigaw naman ni Yuli at automatic na nabatukan siya ng kapatid na si Yuri.
"Aw naman. Bakit?"
"Natutuwa kapa!" Singhal ni Yuri sa kakambal, kung siya lang ang masusunod ay mas gugustuhin nalang niyang nasa japan si yuki kasama ang lolo nila kaysa makasama ito dito pero lagi namang nasa kapahamakan ang buhay nito.
"Yan ba 'yong Little Princess niyo? Ang astig pala! May boyfriend ba yan pre?" Tanong ni Gabbie.
"Wala siyang Boyfriend." Matalim na sabi ni Yuri
"Oh di kung gano-
"Subukan mo." Bigalng salita ni Rex na sobrang seryoso ang mukha dahil hindi niya nagugustuhan ang pagdikit-dikit ni Yuki sa lalaking iyon na nagngangalang Lorgan.
"E-Ehem sabi ko nga tatahimik na."
Napatawa naman ang ilan sa mga kagrupo nila kaya natuon ang pansin ng mga estudyante ng Alice sa gawi nila.
"Pre tingnan mo sila Yuri."
"Oo nga nakabalik na pala sila"
"Kasama nila si Rex."
"Nakakatakot talaga ang grupo nila"
One thing kung bakit walang gumagalaw kay Kinzy at sa mga kaibigan nito sa Alice ay alam nilang mananagot sila kay Rex lalo na sa 'kanya'.
Balik sa dalawang taong nasa ibaba na kasalukuyang naglalaban.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha ni Yuki ng makita ang pagod na pagod na mukha ni Lorgan dahil sa lahat ng atake at suntok nito ay naiilagan niya. Hindi siya basta-basta isang babae na marunong ipaglaban ang sarili She's more than that at alam ng mga kapatid niya 'yon maski ang dalawa niyang kapatid ay hindi siya matalo.
"Ano pagod kana?'
Tanong ni Yuki kay Lorgan na mukhang nilalamon na ng galit at kahihiyan dahil mabibilang lang ang mga atake niyang tumatama kay Yuki.
"Wag kang magmagaling. Mananalo ako dito." Sabi nito at sumugod nanaman pagkatapos magsalita.
Nakangisi lamang si Yuki at panay ang ilag sa ginagawang pag-atake sa kanya ni Lorgan. Marami na ang naiinip dahil puro atake si Lorgan at iwas lang si Yuki pero may dalawang grupo ang interesado sa mga susunod na mangyayari kaya't tuon na tuon ang pansin nila sa magaganap.
Tahimik ang mga nanonood ngunit mga naalarma nng makit ng sumunod na nangyri.
Nagulat ang lahat ng biglang bumunot ng baril si Lorgan sa likod nito.
Nagpanic si Kinzy ngunit ang kambal parehas lang na tahimik.
'Hay.. baliwala sa kanya ang baril. Nasasalo niya ang balang tatama sa kanya kahit gaano pa ito kabilis'
sa isip ng dalawang kapatid ni Yuki.
"So wala na talagang maisip na paraan para matalo mo 'ko?"
Nakangiting sabi ni Yuki. Maski siya ay nawawalan na ng gana sa mga atake ni Lorgan at kumaunti na ang tao dahil sa natakot narin ang iba at ang natira nalang doon ay ang isang grupo na galing sa Leo academy ang grupo nila Rex at Yuri at sila Kinzy kasama ang dalawang kaibigan nito na natatakot na.
"Mayroon naman." Sabi ni Lorgan at ngumiti.
Ganoon nalang ang gulat ng lahat na pumaling si Lorgan ng tingin at huminto ito sa direksyon kung nasaan si Kinzy at ang mga kaibigan nito.
"s**t!" Yuri and the rest said.
"Run!" Yuli shouted nakikita kasi nila na hindi na tama ang mga ikinikilos ni Lorgan.
He's high on drugs kaya naalarma na sila kahit kayang iwasan ni Yuki ang mga tama nito ay may posibilidad parin na mapahamak ito at ang ibang taong naroon. Nakita ni Yuki na tumatakbo papunta sa kanila ang mga Kuya niya.
"Run Princess!" Sigaw ni Yuri.
"A-Anong..."
Biglang nakaramdam si Yuki ng pananakit ng ulo. May senaryo na biglang pumasok sa kanyang ala-ala. Sa sobrang sakit ay napaluhod siya. This scene reminds her about what happened years ago.
"No Princess wag kang makinig sa kanila kasi kapag nakinig ka babarilin ko sila."
Nagulat si Yuki sa mga sinabi ni Lorgan sa kanya
The same words from Blood.
"Papatayin ko din sila." Patuloy ang pagsasalita ni Lorgan at ganoon nalang ang gulat ng mga nandoon ng biglang naging pula ang mga mata ni Yuki.
"N-No! No! Princess! Chiyaki!" Sigaw ni Yuri
Alam na niya ang maaaring mangyari oras na makita nila ang mga matang iyon. Walang mabuting maidudulot ang mga matang iyon. Ang mga mata ng demonyo. Sa isang iglap ay nasa harapan na ni Lorgan si Yuki at sakal sakal na ang lalake sa sobrang higpit ng hawak nito sa leeg ay nabitawan nito ang baril.
"Die..."
Ang pinuno ng pinakamataas na grupo sa Alice academy ay nagulat sa nakikita niya ngayon.
"What the hell's happening to her?"
"I-Isa siyang demonyo" Sambit ng isa sa kanila.
Samantalang si Kinzy at ang mga kaibigan nito ay sinamahan ng ilan sa mga kaibigan nila Yuri.
Si Rex ay tahimk lang na nakatingin kay Yuk at nang makalapit si Yuli at Yuri sa kapatid nila ay pinigilan nila ito pero laking gulat ni Rex na maski si Yuli at Yuri ay nilalabanan na ni Yuki.
Napahiga naman si Lorgan na nawalan ng malay dahil sa nangyari at upang tumulong ay bumaba si Rex para pigilan si Yuki. Hinila niya si Yuki sa kamay upang makuha niya ang atensyon nito.
Si Yuli at Yuri ay namimilipit sa sakin na naidulot ng kapatid nila sa kanila. Nang makaharap ni Rex si Yuki ay nagulat at namangha siya sa mga mata nito.
Ngunit isang nakakatakot na tingin ang ibinigay ni Yuki sa kanya at bigla itong umatake na kaagad naiwasan ni Rex.
"Nandito pala si Rex." Someone said.
"Tayo na he can handle this."
Isa sa namumuno ng Alice ay si Klinton Clyde Aldama kapatid ni Rex at Kinzy.
"Die." Patuloy naman sa pagsasalita si Yuki. "Die." Ito lamang ang salitang sinasabi nito.
"Stop." Kalmado namang sabi ni Rex.
"Die." Hindi tumitigil si Yuki sa pag atake kay Rex at sa bilis nito ay natatamaan na ang lalake pero may limitasyon din ang pasensya niya kaya hinigit niya si Yuki at tinabanan ng sobrang higpit sa bewang at niyakap para matigil ito sa pagwawala.
"I said stop."
At doon bumalik sa dati ang mata ni Yuki ngunit agad naman itong nawalan ng malay. Nakahinga naman ng malalim ang si Yuli at Yuri sa gilid ng makitang kumalma na ang kapatid nila..
Yuki~
Ugh- Ang sakit ng ulo ko nasaan ba 'ko? Bakit puro puti. Hey Mom kasama naba kita?
"Baby!" ,M-Mom? Nagulat ako at napabangon ng marinig ang boses ni Mommy.
"Mom!" and that when I saw her walking papalapit sa 'kin.
"Mom!"- I run and hugged her tight.
"I miss you so much Mommy."
"I miss you too Baby. Sabihin mo kila Yuli at Yuri miss ko na din sila."
This is my happiness... to be with Mom.
"Hey Mom. Am I dead?"
"Of course not Baby hindi pa pwede."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Hindi pa pwede? bakit? and that's when I felt my body stiffened at nahirapan akong gumalaw.
"M-Mommy what's happening?"
"Anak... you need to go. I'm sorry for leaving you so early... Sana mapatawad mo 'ko sa mga nagawa namin ng Lolo mo... I'm sorry." Bakit siya nagsosorry? Bakit ko sila kailangang patawarin ni Lolo?
"Mom? Bakit? Hey! Mom? Bakit ka nagsosorry?"
Unti-unting nawawala ang lahat.
"Sorry... Sorry... Sorry baby... Sana mapatawad mo kami sa ginawa namin ng Lolo mo sorry Baby..." at ganun nalang ang gulat ko ng mawala ang lahat at binalot ang buong lugar ng kadiliman.
"Mom!"
Bigla akong napabangon sa pagkakahiga at napataban sa aking ulo..
"Mommy."
"You're awake." Napalingon ako sa taong nasa gilid ko.
"Where's Yuli and Yuri?"
"They're fixing something."
"Kinzy and the others?"
"Home." Sagot niya. Parang patay 'to. Ganito ba taalaga itong isang 'to? Para ring robot magsalita dinaig pa 'ko.
"Ah." Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa sa bagay siya na hindi mahlig magsalita at ako na hindi rin iwanan ba naman nilang magkasama dito. Mas gusto ko pang kasama si Kinzy kaysa sa lalaking to.
"Your eyes." He said at automatic akong napalingon.
Sht. did he saw my eyes? fck this demon eyes.
"W-What?" Lumapit siya sa akin ng malapit na malapit. Sobrang lapit.
"Nothing." He said and walk out of the room.
Ano yon?