Matthew Dave’s POV Matulin kong pinapatakbo ang sasakyan patungo sa resort kung saan ay naghihintay si Althea. Tumawag si David sa’kin at humihingi ito ng pabor na sunduin ko raw si Althea dahil may kailangan daw siyang gawin at hindi na niya maihahatid si Althea lalo na sa kalaliman ng gabi. Nang makarating ako ay kaagad kong pinarada ang sasakyan at pumasok sa loob. Dahil kilala naman ako dito sa resort na pagmamay-ari ni Jordan ay hindi na ako nahirapan pumasok. Kumatok ako ng ilang beses sa kuwarto na kinaroroonan ni Althea at nang bumukas iyon ay kaagad niya akong niyakap. “Hey, are you okay? What happened why did David left you here? He called me to pick you up, was there a problem between you and my brother?” “Wala naman, hindi ko rin alam kung bakit niya na lang ako iniwan ng

