Third Person's POV "Ate, Ate, Gising na!!!" Yumanig ang boses ng batang si Rhea sa maliit nilang kuwarto dahilan para magising ang dalaga. Kahit na masakit ang ulo ni Althea ay pinilit niyang bumangon dahil ngayon ang araw ng paghahanap niya ng bagong mapapasukan. Sinabi niya na rin kay Jewel na umalis na siya sa dati niyang amo dahil masungit ang amo niya kaya hindi niya natiis ang ugali nito. Kaagad naman naintindihan ng kapatid ang sinabi niya at ani pa nito ay magdo-doble kayod na lang daw ito para may pantustus sa pangangailangan nila. Minsan ay naisipan ng dalaga na sabihin na lang kay Jewel ang totoo, ang totoong may pera sila sa bangko dahil iyon sa kita niya ng minsan niyang ipinagbili ang dangal subalit nauunauhan siya ng takot at baka itakwil siya nito o 'di kaya ay makaapekto

