Cheryl Althea's POV Nagising ako na parang pinupok pok ang aking ulo at pagmulat ko ng mga mata ay tumambad sa akin ang tatlong babaeng nakahilera sa gilid ko at lahat sila ay sa akin natingin. Kaagad kong hinawi ang aking buhok at konot noo silang tiningnan. “Bumangon na ho kayo dahil lalamig ang pagkain,” Ani ng isa at bahagya pa itong nakayuko. “Ginawan ko po kayu ng soup para makatulong sa hang-over n’yo, ma’am,” Singit naman ng isa pa. Magsasalita din sana ang isa pang babae nang mabilis akong bumangon at pagyuko ko ay may damit na ako, baka si Matthew din ang nagbihis sa akin. “Si Matthew po?” Tanong ko sa kanila at sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga dalire. “Sinundo po ng asaw-“ “Cheryl?” Hindi natapos ng babae ang sasabihin nang may tumawag sa pangalan ko at aga

