Pagkatapos nilang kumain ng agahan ay napag pasiyahan nilang mag water activities. May kaya ang pamilya ni Greg kaya malawak ang kanilang beach property. Mayroon ding kayak, banana boat, jet ski at de-motor na bangka na pwede nilang gamitin.
Nagsibihis na sila ng kanilang swimming attire. Isang black two-piece bikini ang isinuot ni Scarlet. Kasama iyon sa summer collections ng Trends. Pagkalabas nang dalaga ay gano'n na lang ang paghanga sa mga mata ng kaniyang mga kaibigan.
"Girl, grabe ang seksi mo," bulalas ni Grace.
"Thank you!" tugon niya rito sabay bulong, "sexy ka rin naman."
"Louder! Louder at 'di nila naririnig," pabirong tugon nito.
"Hay naku, Grace, ano pa bang bago riyan kay Scarlet? Noon pa man halos nasa kaniya na ang lahat. Matangkad, sexy, maganda, makinis at maputi. Kaya' di na talaga ako nagulat nang malaman ko na naging model siya," mahabang wika ni Tala.
"That's enough, guys! Mainit na kaya lumabas na tayo at mag-enjoy," wika niya sa mga ito.
Pinili muna nila ang banana boat. Si Paolo ang nag presenta na hihila sa kanila gamit ang jet ski. Sumakay na sila pagkatapos isuot ang life vest.
"Ayusin niyo ang inyong pwesto para balanse," tugon nito kanila. Naunang umupo si Greg kasunod sina Roxan, Tala, Grace, Debbie at Erin.
"Pare, ikaw sa likuran ha?" wika ni Greg kay Miguel.
"Sure, Pare!" sagot nito.
"Sumakay ka na, Scarlet," sabi ni Erin sa kaibigan.
"Okay!" tugon niya rito.
Pagkasakay niya ay sumunod na rin si Miguel. Muli ay may kung anong mainit na likidong tila kumumulo sa kaniyang buong katawan nang maramdaman niya ang katawan nitong nakadikit sa kaniya.
"Are you okay?" tanong sa kaniya ni Miguel.
"H-hha?" nagulat pa siya ng magsalita ito. "I'm o-okay!" nagkakandautal pa niyang sagot.
"Good!" nakangiting tugon sa kaniya ni Miguel.
Ramdam niya ang mainit na hininga ni Miguel sa kaniyang batok nang masalita ito. Pilit ang ngiting binitawan niya sa dating nobyo dahil pakiramdam niya ay wala ng boses na gustong lumabas sa kaniyang bibig. Para na siyang natutuyuan ng laway.
"Don't be stupid, Scarlet," saway niya sa kaniyang sarili. "You're acting like your an innocent," dagdag pa niya.
Bumalik siya sa kaniyang katinuan nang maramdaman niyang umaandar na sila. Mabilis ang pagpapatakbo ni Paolo kaya todo ang kapit nila sa isa't isa sa takot na baka sila mahulog. Mahigpit din ang kapit ni Miguel sa kaniyang beywang.
Noong una ay tila nakikiliti pa siya. Pero dahil sa excitement na dulot nang banana boat ay naging komportable na siya sa mga kamay ng binata. Pakiramdam niya ay safe na safe siya sa mga braso nitong punung-puno ng matitigas na muscles.
"Are you alright?" pasigaw na tanong sa kaniya ni Miguel nang humampas sa kanila ang alon.
"Yeah!" aniya. Ngunit napaubo siya dahil sa nainom na tubig alat.
Tinapik-tapik naman ni Miguel ang kaniyang likuran. Hanggang sa tumigil ang kaniyang pag-ubo.
Thank you!" wika niya rito nang lingunin niya ng bahagya.
Ngumiti lamang sa kaniya si Miguel. Ngiti na hindi niya batid kung ano ang kahulugan. Ngunit iwinaksi niya iyon sa kaniyang isipan.
Dinala sila ni Paolo sa isang isla na 'di kalayuan sa resort. Pagdating nila roon ay para silang mga batang naglundagan. Napakalinaw kasi ng tubig. 'Yung tipong ang akala mo ay mababaw lang dahil kitang kita ang mga corals nito at maraming mga isda. Huli na namang bumaba ang dalaga kaya inalalayan na siya ni Miguel.
"Thank you!" tugon niya rito.
Ngumiti lang uli ang binata sa kaniya. Patuloy lang sila sa paglalangoy. Maya-Maya ay nagsitanggalan na sila ng life vest dahil marurunong naman silang lumangoy.
"Kung hindi pa umuwi si Scarlet, hindi na siguro mauulit 'yung ganito tayo," sabi ni Tala habang nag fo-floating sila.
"Oo nga," sang-ayon naman ni Grace.
"Hindi ito nag huling reunion natin, ha?" sabi naman ni Paolo.
"Of course! Kulang pa tayo kaya mauulit ito lalo na kapag nalaman ni Fred. Siguradong magpapa-book kaagad iyon ng ticket para makauwi," ani Roxan.
"Anytime na gusto niyong bumalik dito just tell me, guys. Welcome kayo rito sa resort namin," wika naman ni Greg.
"Ayun naman pala eh. Iba rin talaga kapag may jowang mayaman," pabirong sabi ni Tala.
"Kaya mag jowa ka na rin. Gusto mo hanapan kita?" tanong niya rito.
"Bakit may kakilala ka na sa tingin mo tatanggapin ang ganitong mukha?" tanong ni Tala sa kaniya.
"Ano ka ba? Sa States wala silang paki sa itsura. Mas exotic nga raw na beauty ang prefer nila para siguradong wala silang kaagaw," tugon niya sabay tawa.
"Grabe ka sa akin ha," kunwaring nagtatampong sabi ni Tala sa kaniya.
"Anong masama sa sinabi ko. Ang ganda kaya ng exotic beauty. It means rare! Wala akong sinabing negative except sa tumawa ako," aniya rito na pinipigilan ang sarili na tumawa.
"Tama si Scarlet. Magpahanap ka na lang sa kaniya sa States. Malay mo foreigner talaga ang forever mo," sang-ayon naman ni Roxan.
"Sige na nga! Scarlet, serious ha? Hahanapan mo ako pagbalik mo," wika ni Tala sa kaniya.
"Sure! Ibigay mo sa akin social media accounts mo ha?" sabi niya rito.
"Sige! Isusulat ko pa para hindi mo makakalimutan," nakangiting sabi ni Tala.
Patuloy sa masayang bonding ang magkakaibigan. Naisip pa nilang tumalon mula sa bato na naroon sa isla. Walang tigil ang kanilang tawanan. Animo'y mga batang paslit na sabik na sabik sa pagtampisaw sa tubig at walang iniisip na problema.
Ngunit iba si Miguel. Habang tinititigan si Scarlet na tumatawa at nakikipag halakhakan sa mga kaibigan ay lalong sumisikdo ang kaniyang puso sa galit.
"Wala kang karapatang lumigaya, Scarlet," mahinang wika nito sa sarili habang nakatanaw sa mga kaibigan.
Mahapdi na sa balat ang sikat ng araw kaya napag pasiyahan na nilang bumalik sa pampang.
"Tara na, guys! Ang tindi na ng init," sabi ni Roxan sa mga kaibigan.
"Tara!" halos sabay-sabay na sabi ng lahat.
"Oh, siya sumakay na kayo uli," wika naman ni Paolo at ini-start na ang jet ski.
Napakasaya sa pakiramdam ni Scarlet ng mga oras na iyon. Hindi na nga ata natigil ang kaniyang mga labi sa kakangiti. At madalas ay napapahagalpak pa sa tawa. Ganitong-ganito sila noong hindi pa niya naisipang umalis. Isa rin ang mga kaibigan sa nagpahirap sa kaniyang kalooban noon. Ang iwan niya ang mga ito at pumunta sa lugar na bago sa kaniya. Mabuti na lamang at nakilala niya si Erin. Anak ito ng kaibigan ng kaniyang Mama at kapitbahay lang din nila sa Canada. Masayahin din si Erin at palakaibigan kaya naging madali ang pagkakapalagayan niya rito ng loob.
Dahil sa pag babalik aalala ni Scarlet ay hindi na niya namalayang nakabalik na sila. Pagbaba nila sa banana boat ay parang mga batang nag uunahan na makabalik sa cottage ang magkakaibigan. Doon kasi nakahain ang kanilang pagkain.
"Wow!" bulalas ni Grace. Hindi makapaniwala sa pagkaing nasa harapan niya. Inihaw na bangus, tilapia, pusit at baboy. Mayroon pang ensaladang labanos, na appetizer nila.
"Atak!" wika naman ni Paolo at nauna nang umupo.
"Salamat po sa masarap na pagkain," nakangiting sabi niya kina Mang Ambo at Aling Tessie.
"Walang anuman, Iha," tugon ni Aling Tessie. "Kumain lang kayo ng kumain at marami kaming inihanda para inyo," dagdag pa nito.
"Wala munang diet, ha? Pag uwi na natin iisipin 'yan," biro naman ni Debbie na sandaling nakalimutan ang hinanakit kay Scarlet.
Tumabi si Miguel sa kaniya. Inabutan siya nito ng inihaw na pusit.
"I know this is your favorite. You want?" tanong nito sabay lagay sa kaniyang plato.
"Thanks!" maiksing tugon niya.
Napansin niya na nagtitinginan ang kaniyang mga kaibigan. Ngunit hindi umimik ang mga ito. Ang akala nila ay okay na sila ni Miguel. Ngunit naguguluhan siya. Minsan kasi ay mabait ito sa kaniya pero napapansin din niya napapansin ang galit sa mga mata nito. Kaya naaasiwa siya tuloy sa binata. Hindi niya maunawaan ang tintakbo nang isipan nito. Pakiramdam niya ay ayaw lang nito masira ang mood ng mga kaibigan.
"Grabe, ang sakit ng tiyan ko sa sobrang kabusugan," wika ni Grace habang hinihimas ang kaniyang tiyan.
"Hindi na bagong bagay iyan sa amin, Grace," sabi naman ni Roxan sabay tawanan.
"Ako na naman nakikita ng mga ito," kunwaring nagtatampong sabi ni Grace.
"Naku, tigilan niyo si Grace at baka isusumbong tayo sa papa niya pag-uwi ng Manila. Lagot kayo pag sinugod kayo ni Tito Rod," biro naman ni Miguel. Tawanan uli ang mga mag kaibigan.
"Oo nga, naalala ko noong elementary. Sinumbong ba naman ako dahil lang sa sinulatan ko ng "I Love you" ang notebook niya. Ayon sinugod ako ni Tito at galit na galit. Napalo tuloy ako ni Mama," ani naman ni Paolo.
"Love mo naman talaga siya, Pao 'di ba?" kunwari seryosong tanong ni Debbie rito.
"Bakit napunta sa akin ang tuksuhan? Walang ganyanan, guys," wika ni Paolo na biglang namula ang mga pisngi.
"See? Pikon ka talaga kahit kailan," sabi ni Grace na nakalagay pa ang mga kamay sa kaniyang beywang.
"Anong pikon? Nagpapatawa ka rin no?" tanong dito ni Paolo.
"Biruan lang naman, ah. Ako nga palaging inaasar pero hindi ako napipikon," sabi uli ni Grace.
"Tama na 'yan baka magkasabunutan pa kayo," sabi naman ni Tala na 'di pa rin tumitigil sa kakakain.
"Pero, payo namin sa'yo, Pao just follow your heart. Kung gusto mo si Grace, ano pa ang hinihintay mo. Ligawan mo na at ng makatikim din tayo ng lechon," wika ni Miguel at nagtawan silang muli.
"Tama si Miguel, Pao. Magpaturo ka sa kaniya kung paano manligaw. Hindi 'yong parinig na lang palagi kay Grace ang alam mo. Expert kaya riyan ang kaibigan nating pogi," biro naman ni Roxan.
"Nahahalata ko na, ah. Isa-isa tayong naglalaglagan dito. Sinong susunod, ha?" nakangiting tanong ni Miguel.
"Hindi ako dahil wala akong isyu hindi tulad niyo ni Scarlet. Kain lang ang alam ko mula noon hanggang ngayon," sabad naman ni Tala na kumakain pa rin.
"Ha? Bakit nasali rin ang pangalan ko?" pa-inosenteng tanong niya sa mga ito at muli na namang binalot ng kanilang malulutong na halakhakan ang baybayin.
Pagkatapos nilang kumain ay nag banlaw na sila at nagsibihis. Dahil pagod sa paliligo at kalalangoy sa dagat ay nakaramdam ng antok ang magkakaibigan. Naisipang magsabit ni Miguel ng duyan sa puno na malapit sa cottage at doon nagpahinga. Ang iba naman ay mas pinili ang matulog sa air-conditioned na kuwarto.
"Scarlet, Scarlet! Please don't leave me. Please stay with me," pag mamakaawa niya sa kasintahan.
Ngunit tila wala itong naririnig. Patuloy pa rin ito sa kaniyang paglalakad habang hila-hila ang malaking maleta. Hinabol niya ang dalaga ngunit patawid na ito ng kalsada. Binilisan niya ang takbo pero hindi na niya naabutan ang kasintahan. Nasa kabilang banda na ito ng kalsada. Tatawid na rin sana siya ngunit biglang ilaw ng red light.
"Noooooo......" sigaw niya habang umiiyak.
"Kuya, gising!" wika ni Debbie habang niyuyugyog ang katawan ng kaniyang kuya.
Bumaba kasi siya para kunin ang naiwan niyang charger sa kotse ni Greg. Pabalik na sana siya ng marinig niya na sumisigaw si Miguel. Dali-dali siyang lumapit at nakitang nananaginip na naman ito.
Narinig niya nag boses ni Debbie. Idinilat niya ang kaniyang mga mata. Panaginip lang pala iyon. Pakiramdam niya kasi ay totoong-totoo.
"Napanaginipan mo na naman ba siya?" nakaismid tanong nito sa kaniya.
Hindi siya sumagot at sa halip ay bumangon at umupo siya sa kaniyang duyan.
"Kuya, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. It's been six years. Tama na! Mas nasasaktan kami nila Mama na nakikita kang gan'yan," wika ni Debbie sa kaniya. "Alam mong nandito siya, pwede ka naman sanang tumanggi na sumama. Alam mo hindi ko pa nababaggit kay Mama na dumating na siya, eh. Alam ko kasi na magagalit uli iyon," patuloy pa nito.
"I'm okay, sis! Thank you for your concern," tugon niya sa kapatid .
"Kuya, huwag ka naman sana magsinungaling sa sarili mo at magpanggap na okay ka na. Alam ko kailangan mo ng mag move-on. Pero kung nahihirapan ka dahil sa presence niya eh, ikaw na lang ang umiwas," dagdag pa ni Debbie.
"Don't worry, hindi na mangyayari ang mga ginawa ko dati. I can handle myself better now," sabi niya rito.
"I trust you, Kuya. I'm on your side, forever," wika nito at bumalik na papasok sa villa.
Napabuntong-hininga naman ng malalim ang binata. Hindi dapat masira ang kaniyang mga plano. Kailangan niyang bantayang mabuti ang kaniyang mga ikinikilos.