Chapter 9: To Tell or Not To Tell

1866 Words
Pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay nagpasiya ang magkakaibigan na mag-bonfire sa tabing-dagat. Kumuha ang mga babae ng pansapin sa buhanginan at ang mga lalaki naman ay nagdala nang upuan, gitara at alak. Pagkatapos maiayos ang panggatong ay sinindihan na ito ni Mang Ambo. "Bantayan niyo lang ng maigi at baka humangin nang malakas at liparin ang mga baga pauntang kakahuyan," wika nito bago umalis upang tulungan si Aling Tessie sa pagliligpit ng kanilang kinainan. "Kami na po ang bahala rito Mang Ambo. Salamat ho," wika ni Greg sa katiwala Nagpatugtog nang gitara si Paolo. Pinili niya ang Someday ni Nina. Paborito kasi nilang magkakaibigan na kantahin ito noon. "Someday, you're gonna realize One day, you'll see this through my eyes By then, I won't even be there I'll be happy somewhere Even if I can't Habang kumakanta ay napapatingin si Scarlet kay Miguel. Tahimik lang ito at tila malalim ang iniisip. Ni hindi na nga ito sumali sa kanila. "Ano kaya ang iniisip niya?" tanong niya sa kaniyang isipan. Tuloy pa rin sa pagkanta ang magkaibigan. "I know you don't really see my worth You think you're the last guy on earth Well, I've got news for you I know that I'm not that strong But it won't take long, won't take long" May pakumpas kumpas pa ng kamay sina Tala, Grace at Erin. Kumuha pa ang mga ito ng kutsara para gawing microphone. Si Debbie naman ay tinitingnan lang ang reaksiyon ng kapatid. "Oh, chorus na ha?" wika ni Paolo. "'Cause someday, someone's gonna love me The way I wanted you to need me Someday, someone's gonna take your place One day, I'll forget about you You'll see, I won't even miss you Someday, someday" Kunwaring naluluha si Tala sabay pahid nang kaniyang mga mata. "Ang tindi talaga ng kanta na ito. Sakit sa puso." "Tagos ba, girl?" tanong rito ni Grace. "Sobra! Daig ko pa ang iniwan," tugon muli ni Tala. "Kaya tigilan na muna 'yan at baka magka-iyakan pa. Mag inuman na lang tayo," wika naman ni Greg at binuksan na nito ang dalang alak. "Oo nga at baka bumaha pa ng mga luha rito," dagdag naman ni Roxan. "Eh, kaninong luha kaya? Malamang hindi sa akin iyon," sabi naman ni Tala sabay kibit-balikat. "Eh, 'di sa iniwan at nang-iwan," pabirong sagot naman ni Paolo. Biglang nagtinginan sila ni Miguel nang marinig ang sinabi ni Paolo. "Why don't we play a game while drinking para mas masaya. Kesa naman usapang puso ang pinag-uusapan niyo," sabi naman ni Grace nang mapansin na tila may tensiyon na sa pagitan nila ni Miguel. "Nice idea friend. Apir!" tugon ni Tala at nag-apir nga ang dalawa. "To tell or not to tell! Maganda 'yang laruin sa ganitong bonding plus mas makikilala niyo pa ang isa't-isa," suhestiyon sa kanila ni Erin. "Sounds good pero paano laruin 'yan?" tanong ni Paolo habang inilapag na ang gitara sa bakanteng upuan. "Ganito 'yan, one will ask a question sa taong mapipili niya. Then, that person need to answer it. If he or she choose not to answer the question kailangan niyang uminom or else there's a consequence," paliwanag ni Erin. "Madali lang pala. So, game?" tanong ni Paolo sa kanila. "Game!" tugon ng lahat maliban kay Miguel. Nilingon ito ni Paolo at tinanong. "Miguel, will you join us?" "Sure!" sagot nito at umupo na rin. Tumabi ito kay Scarlet at siya namang ikinagulat ng dalaga. "Guys, this is just a game, okay? Bawal ang mapikon dito. Ang mapikon manlilibre sa karaoke bar na malapit sa Sampaloc, okay?" pahayag ni Roxan. "Okay!" tugon nilang lahat. "Who will ask first?" tanong ni Debbie. "Ikaw na lang, Debbie tapos paikot," sagot rito ni Paolo. "Okay, my question goes to...hmmmm...."tila nag-iisip pa si Debbie. "Paolo, ikaw ang napili ko na tanungin." "Sure! Bring it on," masiglang sagot nito. Ikiniskis pa nito ang dalawang paload saka idinampi sa kaniyang mukha. "Ano 'yan, pampasuwerte?" birong tanong dito ni Roxan. "Pampa-relax lang para chill lang ako sa pagsagot," tugon nito. "May pa-ganiyan ka pa. Tingnan natin kung masasagot mo ang tanong ko," nakangiting sabi rito ni Debbie. Nagsalin na muna si Debbie ng alak sa baso at ibinigay niya ito kay Paolo bago nag tanong. Hinawakan naman ito ni Paolo. "My question is, may gusto ka nga ba talaga kay Grace?" nakangiting tila nanunukso pang tanong nito. "Ah.... Whoaahh! Grabe naman iyang tanong na 'yan. Parang gusto ko nang sumuka, ah," pabirong sabi ni Paolo. "To tell or not to tell?" muling tanong ni Debbie. Napakamot na ng ulo si Paolo bago sumagot. "Okay! I will now tell the truth," wika nito sabay hinga ng malalim. Yes! I like Grace, until now," dagdag pa nito. At tila nahihiyang tumingin pa ito sa dalaga. Si Grace naman ay biglang namula ang pisngi pagkarinig nang sagot ni Paolo. "Uy," panunukso nilang lahat sa dalawa. "Ayon naman pala, Grace. Sabi ko sayo eh, may isa tayong friend na may gusto sayo," panunukso pa ni Roxan. "So, totoo nga yung sinulat mo sa notebook niya?" nakangiting tanong ni Scarlet. "Oppss, no follow-up question," nakangiting tugon ni Paolo na tila ba nabunutan ng tinik sa dibdib. Sa wakas kasi ay nasabi na niya ang matagal na niyang nararamdaman sa kaibigan. At sa ganitong pagkakataon pa talaga. "Mukhang may mag change status, ah. Pumunta sa Batangas ng single, pag-uwi in a relationship na at may ka-holding hands pa," ani naman ni Miguel. "Anong masasabi mo, Grace?" tanong naman ni Debbie rito. "No comment!" sagot nito na namumula pa rin ang mga pisngi. "Nag-blush oh," natatawa namang sabi ni Debbie sabay turo sa pisngi nito. "Hayaan na lang muna natin sila na makapag usap. Pero sana naman, Grace 'wag ng choosy, ha? Sagutin mo na kaagad. Si Paolo naman na iyan. Kilala mo na mula kinder hanggang ngayon. Saka malinis ang record niyan. Walang history ng panloloko," patuloy sa panunuksong wika ni Roxan. "Wala talagang record. Mukhang si Grace ang kauna-unahan," sabi naman ni Tala. Nagkatawanan ang magkakaibigan. Mabuti na lang at sanay na sila sa mga asaran kaya wala pang napipikon sa kanila. "Bact to game na tayo. Next!" ani Erin na nangingiti na lang sa mga pangyayari. Sumunod na nagtanong ay si Scarlet. "I want to ask, hmmm," tila nag-iisip din. "Debbie, here's your glass," aniya rito. Nagkatinginan ang iba pa nilang kaibigan. Nagulat ang mga ito sa pinili niyang tatanungin. "Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong niya rito habang nakatingin kay Debbie. Tumingin din sa kaniya si Debbie. Kaagad na dinampot nito ang baso ng alak at iniinom. Ni hindi na nito pinag-isipan ang gagawin. Biglang tumahimik ang lahat at nagulat sa naging tugon ni Debbie sa kaniyang tanong. "It's okay! It's up to us naman if we want to answer or not. Walang pwersahan dito. Continue na guys," wika niya na halatang pilit ang pagngiti. Inakala niya kasi na pipiliin ni Debbie ang sumagot ngunit kabaliktaran pala ang naganap. "Okay, I'm next," masiglang sabi ni Erin at bahagyang nilakasan ang boses para mawala ang tension. "I'll choose, Sir Migz!" sabay abot ng baso na may alak dito. "Okay, ask me anything," wika naman ng binata na mukhang relax lang sa tinatakbo ng laro. "Are you single or in a relationship right now?" excited na tanong ni Erin kay Miguel. "You're asking me if I'm single or in a relationship right now?" wika ng binata na inulit pa ang tanong. "Yes, Sir! Please answer, please," may himig pagmamakaawa pa rito ni Erin. Nagtawanan na naman ang lahat. "I'm single!" mabilis na sagot ng binata. "Me, too!" mabilis na tugon naman ni Erin. "Feeling ko nga ikaw na ang pinadala ng Universe para sa akin," patuloy pa nito. Nagtawanan uli ang lahat. May pagkakwela talaga si Erin kaya gustong-gusto ito ni Scarlet kasama. "Ako na next, right?" tanong ni Miguel. "Yes!" sagot ni Paolo "Scarlet, let me ask you a question," narinig niyang wika ni Miguel. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ang binata. Seryoso ang mukha nito at hindi niya mahulaan ang sinasabi ng mga mata nito. "H-haa?" nauutal pa niyang tanong. "I said, ikaw ang napili ko na tatanungin," sabi pa nito. "Okay!" ang tanging nasabi niya. Iniabot sa kaniya ni Miguel ang basong may lamang alak sabay tanong. "Pinagsisihan mo ba ang desisyon mo or not? And naging masaya ka ba sa desisyon mong iyon?" seryosong tanong nito sa kaniya. Natigilan ang lahat sa kanilang narinig. Palipat-lipat ang mga mata ng mga ito sa kanila ni Miguel. Maging siya ay nabigla at hindi alam ang gagawin. Napahigpit ang hawak niya sa baso. Iinumin ba niya o sagutin ang tanong nito? "You can tell us your answer or not," wika nito na nagkibit-bikat pa. Inilapag niya ang hawak na baso at tumingin sa binata. Tumikhim siya para mawala ang bara sa kaniyang lalamunan. "Tinatanong mo ako kung pinagsisihan ko? Yes!" mabilis na sagot niya. "Ilang beses kong inisip at hiniling na sana muling ibalik ang panahon kung saan masaya pa tayong magkasama. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko kaagad sinabi sa'yo ang lahat. Kung bakit inilihim ko pa at kung bakit naging duwag ako at makasarili. Hindi naging madali sa akin ang mga pangyayari noon at alam kong gano'n din sa'yo," mahabang sagot niya at biglang pumatak ang kaniyang mga luha. "Naging masaya ba ako? Oo, lalo nang mayakap at nakasama ko na si Mama. At nakita ko pa ang kapatid ko," dagdag pa niya. Pinahid niya ang mga luha sa kaniyang mga mata. Patuloy pa rin ang pananahimik ng mga kaibigan nila na para bang walang gusto na magsalita. "Sorry guys pero inaantok na ako. Gusto ko nang matulog," biglang wika ni Roxan at hinila na nito si Greg. "Antok na antok na rin ako," tugon din ng iba. Umalis ang lahat maliban sa kanila ni Miguel. Binalot sila ng katahimikan. Kinuha ng binata ang baso at nagsalin ng alak. Ininom ito at nagsalin pa uli. Pagkatapos ng tatlong shot ay nagsalita na ito. "Sa tingin mo naging madali lang ang lahat sa akin? Halos patayin ko na ang sarili ko noon. Isang taon na wala ako ibang ginawa kun'di ang mag lasing," sabi nito na gumagaralgal na ang boses. Nagsalin uli ito ng alak at uminom. Nanatiling tahimik lang si Scarlet. Gustuhin man niyang magsalita ay tila ayaw bumuka ng kaniyang bibig. "Nawalan na ng saysay ang buhay ko. Kung hindi ako nasampal ni Mama baka wala na ako. Nang malaman kong naging model ka na, sinikap ko rin na ayusin ang buhay ko. Sabi ko sa sarili ko na atleast ikaw gumanda na ang buhay mo. Siguro nga tama lang ang naging desisyon mo na umalis," patuloy pang sabi ni Miguel. "I'm sorry Miguel," wika niya. "Alam kong hindi sapat ang sorry lang sa sakit na idinulot ko sa'yo pero sana mapatawad mo pa ako," dagdag pa niya Lumapit siya sa binata at niyakap ito. Ito na marahil ang inaantay ni Miguel upang masimulan ang kaniyang planong paghihiganti. "Hindi mo ako madadala sa mga pag-iyak at paghingi mo ng tawad Scarlet," wika niya sa kaniyang sarili. Hinawakan niya ang mukha ng dalaga at iniharap sa kaniya. At biglang hinalikan niya ito ng mariin sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD