HINDI makatulog si Ed. Kanina pa ginugulo ni Alyssa ang isipan niya. Naiinis na siya dahil halos noong nakaraang gabi ay ganoon rin ang nararamdaman niya. Malakas ang epekto sa kanya ni Alyssa dahil kahit hindi naman niya gustong isipin ito at hindi dapat, iyon at paulit-ulit pa rin ito na pumapasok sa isipan niya. He wondered if she was getting tired because of it. Parang sinusundot ang konsensiya ni Ed sa inalok niya ritong kondisyon kapalit ng pagpapalaya niya sa kapatid nito. Sa totoo lang ay hindi naman niya gustong saktan si Alyssa. Hindi naman siya nagsisinungaling na gusto niya ito at gusto niyang ibigay nito ang sarili sa kanya. He was being honest...but in a very ruthless way. Pero hindi naman niya gagawing madali na lang ang pagpapalaya niya sa kapatid nito na balak niyang gant

